Chapter 2: Loperamide

326 23 13
                                    

Vocabulary!!!

Loperamide - Anti diarrhea. Pampa-tigil ng diarrhea.

•••

"Pwede ko bang makuha number mo?" Tanong ni Ming.

"Pero kung ayaw mo, ayos lang. Alam ko namang pangit ang phone ko at…"

Pinutol ko na yung sasabihin niya at kinuha nalang ang phone niya. Nilagay ko ang phone number ko at sinave. Kit Pogi. Yan ang pangalan na inilagay ko.

Binalik ko na sa kanya yung phone niya. Nakayuko parin siya at nahihiya. Ano bang mali kung ang phone mo naman ay 3310?

"Sabay na tayong lumabas." Sabi ko. Tumango lang siya at sinimulan ko nang lumakad. Susunod din naman siya sa akin.

Hindi ko maatim na nasa likuran ko siya kaya hinila ko siya papunta sa tabi ko.

"Ang sabi ko, sabay na tayong lumabas."

Parang nagulat siya sa ginawa ko. Wala na siyang magagawa kung hindi ang sumunod nalang dahil ikinapit ko ang braso ko sa braso niya.

Malapit na kami sa parking lot nang tanggalin ko ang pagkaka-kapit ko kay Ming.

"Ingat ka sa pag-uwi Ming!"

Binuksan ni kuya ang bintana ng sasakyan niya.

"Ihatid mo si Ming. May lakad pa kami ni Beam." Sabi ni Kuya Forth.

"Ming! Saglit lang!" Sigaw ko.

"Para matuto ka na din umuwi mag-isa." Sabi ni kuya.

"Penge ako pera! Paano pamasahe namin?" Sabi ko.

Nilabas ni kuya ang wallet niya at binigyan ako ng isang libo. Kulang to! Hahahaha!

Tumakbo ako papunta kay Ming.

"Sabay na tayo umuwi. Ihahatid kita." Sabi ko.

"Naku! 'Wag na! Hindi kasi maganda sa lugar nam…"

Dakilang intrimitido talaga ako. Siyempre sasabihin niyang hindi maganda sa lugar nila. What's the point kung pakikinggan ko ang dahilan niya?

Hinila ko na siya palabas ng school. Nagpunta muna kami sa drug store para bumili ng Loperamide. Mahirap na baka makigamit ako ng banyo nila Ming.

Nagpara ako ng taxi at sumakay na kami ni Ming.

Sinabi na ni Ming sa driver kung saan ang bahay niya. Para kasi kaming tanga naghihintayan kung sino ang magsasabi kung saan pupunta.

Habang nasa biyahe, naisip kong mabait naman siguro itong si Ming. Hindi naman siguro ako mapapahamak sa lugar nila.

Paano kung masamang tao pala siya? Kikidnappin niya ako hihingi ng ransom sa kuya ko? Paano na ang pogi kong mukha?

Mahirap lang sila at hindi malabong mangyari yun. Dapat ba talaga iniisip ko 'to ngayon? Ako pa ata ang masama dahil sa mga naiisip ko. I should be pogi but gentle not pogi but judgmental.

"Diyan na lang po sa tabi manong."

Ipinara na ni Ming ang taxi. Kinuha ni Ming ang wallet niya para magbayad pero inaabot ko na sa driver ang pera. Wala nanaman siyang magawa kung hindi ibalik ang wallet niya sa bulsa niya.

Bumaba na kami ni Ming sa taxi nang masuklian na ako. Tama nga si Ming. Pangit nga dito sa lugar nila.

Madaming mga bata at mga tambay. Unang pagkakataon ko itong maka-apak sa ganitong lugar. Hindi rin kaaya-aya sa ilong ang amoy dito. Bagong bago talaga para sa akin.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon