Vocabulary!!!
Ibuprofen - Non-steroidal anti inflammatory drug. Analgesic or pain reliever.
•••
First day na ngayon ng pasok namin.
Nandito ako ngayon sa lobby hinihintay si Ming para sabay na kaming papasok.
Pero habang naghihintay, balikan muna natin yung mga nangyari noong gabing huli kaming nagkasama ni Ming.
Isa na ako ngayon sa mga boss ng mga tambay sa lugar ni Ming.
"Pwede mo na din silang utusan kapag pupunta ka dito. Kung ayaw mong madumihan ang mga sapatos mo, pwede kang magpabuhat sa kanila." Sabi ni Ming. Iba din talaga ang nagagawa ng libre.
Malaking bagay na siguro para sa kanila ang libreng pagkain gaya nito.
Umupo si Ming sa tabi ko habang yung mga tambay naman ay sa ibang bench umupo.
"Pasensya ka na sa mga narinig mo kanina. Lagi lang talagang ganon ang mga magulang ko."
"Ayos lang 'yon! Walang problema."
Sanay na ako sa mga ganyang bagay dahil nag-aaway din naman sila kuya Forth at Beam. Pati na din ang ate ko at asawa niya. Hindi din naman magpapahuli ang mga magulang ko. Aakalain mong rapper si mama at si papa naman ay rakista.
"Bakit ba tinatawag ka nilang boss?" Tanong ko. Curious ako eh. Masama ba kung tatanungin ko?
"Kapag may pera kasi ako, binibilhan ko sila ng meryenda okaya paglulutuan sila ng makakain. Hindi naman masama kung bibigyan ko din sila ng biyayang mayroon ako."
Bilib ako kay Ming.
"Hindi ba dahil nakikipag rambulan kayo tapos ikaw ang pinuno?"
Natawa si Ming sa tanong ko. Anong nakakatawa dun?
"Hindi ako marunong makipag-away. Maski sila, tinuruan ko kung paano maging mabuting tao."
Lalo akong napabilib ni Ming.
Let's go back to reality.
Inagahan ko talaga ang pasok ko ngayon para abangan si Ming. 30 minutes na akong naghihintay pero wala paring Richard Ming Santos na dumarating.
"Hi babe!" Bati ng girlfriend ko. Si Felina.
Bati na nga pala kami niyan noong kinagabihan din ng pagpunta ko sa lugar ni Ming. Alas dos ng umaga impunto siya nag chat na bati na daw kami.
"Anong oras pasok mo babe?"
"Ngayong 8:30 na. May hinihintay lang ako."
"Babae ba 'yang hinihintay mo?! First day palang may kaibigan ka nang babae?!"
Seriously? Iba talaga ang iniisip ng babaeng 'to. Ayaw ko lang talaga makipag-away sa kanya dahil para siyang pusa pag nagagalit. Bagay na bagay sa pangalan niyang Felina.
(Feline = A class or group of cats from the Family: Felidae)
"Lalaki yung hinihintay ko. At 'yan na siya sa likod mo."
Lumingon si Felina.
"Ming, si Felina nga pala girlfriend ko. Babe, siya naman si Ming. Siya yung sinasabi ko sa'yong scholar ni kuya." Pinakilala ko sila sa isa't isa. Inabot naman ni Felina ang kamay kay Ming.
BINABASA MO ANG
I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)
Fanfiction(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit