Vocabulary!!!
Sulpiride - for the treatment of schizophrenia. Also for gastrointestinal ulcer.
•••
Masyado akong nabahala sa sinabi ni Mr. Ramos. Sino ba yung sinasabi niyang Kristina? Bisita ba namin siya?
"Hey! Kanina ka pa nakatulala diyan. Ano ang gusto mong orderin?" Tanong ni Aris.
"Okay na ako sa large fries." Sagot ko.
Sa pagiging lutang ko, hindi ko namalayang nasa drive-thru na pala kami. Ako na ang nagrequest kay Aris na mag drive-thru para naman mahimasmasan ako. Sana nga gumana itong naisip ko.
"Ano bang iniisip mo?" Tanong ni Aris.
"Iniisip ko yung sinabi ng dad mo. Sino ba talaga si Kristina?"
"Hmm... gaya nga ng sabi ni dad, makikilala mo siya pag-uwi mo."
"Sabi pa ng dad mo, sana maging friends kami."
"Sana nga maging friends kayo."
Nanahimik nalang ako buong biyahe habang kumakain ng fries. Hanggang sa di ko nalang namalayan na nasa tapat na pala kami ng bahay namin.
"Nandito na tayo. 'Wag mo din palang kalimutan yung susunod mong pagpunta kay daddy?" Paalala ni Aris.
"Next week babalik ako." Sagot ko.
"Okay. Good. See you tomorrow!"
Bumaba na ako sa sasakyan ni Aris. Hinintay ko muna siyang umalis bago ako pumasok sa gate. Pero naka-abang na pala si kuya sa gate.
"Sino yung kasama mo?" Tanong ni kuya Forth.
"Schoolmate." I shortly replied.
"Seems you're coping up fast. Keep it up."
I don't know what to say. Parang nahuli ako ni kuya na nanloloko sa boyfriend ko.
"Sige kuya papasok na ako."
"Wait, bunso. I need to talk to you."
Omg, I'm dead. I bet he's going to ask me if I'm cheating. Shit, here it is. I'm gonna say no 'cuz that's true.
"Ano 'yun kuya?"
"I'd like to say sorry for everything."
"Kuya, tapos na 'yun. Malapit na ako sa recovery ko."
"Including what I did when you were younger. I know it made you feel anxious as child not seeing your brother. I'm sorry kung naging malungkot ang kuya mo noong bata ka pa. Alam kong malaki ang epekto sayo 'nun. Sorry kung biglang nawala ang kuya mo habang lumalaki ka. Ginawa ko naman 'yun para magkaroon ka ng magandang kinabukasan. I'm sorry."
Naalala kong bigla ang pagkabata ko. Hindi ako lumalabas ng bahay at nakikipaglaro sa ibang bata dahil gusto kong abangan na mag videocall si kuya.
Iiyak ako kapag hindi ko nakakausap si kuya. Mula pagkabata, takot akong maiwan. Kaya naman sina ate Faith at mama ang naghahatid at nagsusundo sa akin. Kapag late na nila akong nasusundo, nagsisimula na akong manginig sa takot baka iwan na nila ako at hindi na ako balikan.
My emotions have been stable nang mag Grade 6 at Junior High ako. Dahil nagbalik na si kuya.
"Ayos lang kuya. Naiintindihan ko. Kung hindi naman dahil sa pagsisikap mo, hindi tayo magkakaroon ng ganitong klase ng buhay."
BINABASA MO ANG
I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)
Fanfiction(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit