Vocabulary!!!
COH - Chief of Hospital. Also known as CEO.
Haloperidol decanoate - Antipsychotic drug. For the treatment of schizophrenia and other psychosis so as other mental and behavioral problems.
•••
"Ming?" Ginigising ko si Ming para makalipat siya ng tulugan. Kahit man lang sana sa sofa siya makatulog.
"Lumipat ka na sa sofa para matulog. Kanina ka pa natutulog diyan. Baka sumakit 'yang likod mo." Nagising ko na din siya.
"Kanina ka pa ba gising?" Tanong ni Ming sa akin.
"Kanina pa. Kumain na din ako ng breakfast ko. Gusto mo bang kumain muna? Bumili si kuya Forth ng pagkain."
"Kailangan pa kitang bantayan."
Inabot ko na sa kanya yung pagkain.
"Matulog ka na muna. Baka hindi ka nakatulog nang maayos."
"Ayos lang ako baby. Babantayan kita at 'wag ka nang makulit."
Kumain na si Ming at binuksan ko naman ang TV.
"Sa darating na linggo, inaasahan ng karamihan ang pagpapakilala ng CEO ng Marbosa Pharmaceutics na nahaharap ngayon sa issue ng businessman na si Troy Funtabello…"
Bungad ng reporter. Mukhang tuloy na nga ang pagpapakilala ni kuya sa publiko.
"Ang aga aga, kuya mo na agad ang laman ng balita." Lumingon ako nang may nagsalita. Si kuya Beam pala.
"Kasama ka din naman doon diba kuya?" Tanong ko.
"Kailangan. Diyan din namin ibubunyag ang lahat. Bilisan mong makalabas dito para makita mo nang mag pay-off yung hirap mo." Sabi ni kuya Beam.
Nakaramdam ako ng takot dahil naalala ko nanaman yung ginawa sa akin ni Mr. Funtabello.
"Alam kong natatakot ka. Pero magpapatalo ka ba? Hindi ka nga nagpapatalo sa akin eh." Dagdag niya.
May point si kuya Beam. Pointless lang ang lahat kung magpapatalo ako sa takot.
Bigla nalang hinawakan ni Ming ang kamay ko. Ngumiti siya sa akin na para bang sinasabi niyang "Nandito naman ako. Kaya mo 'yan."
Si Ming ang nagsisilbing lakas ko ngayon. Masyadong mahirap kalabanin ang utak dahil alam kong mentally ill ako ngayon dahil sa nangyari.
Natahimik kaming tatlo dito sa loob ng kwarto dahil napukaw ang aming atensyon sa balita.
Pati ang may-ari ng school kung saan kami nag-aaral ngayon ay nasa press conference ngayon. Si Mr. Jaime Caseda.
Ibinunyag na niyang corrupt talaga ang mga Funtabello. He even said in public na partner niya ang Marbosa Pharmaceutics para i-flush ang mga Funtabello.
I realized na dito palang ay parang nag pay-off na ang naranasan ko.
"See? Everything is worth it. You must be okay right now bunso." Sabi ni kuya Beam.
I honestly felt euphoria dahil niyakap pa ako ni kuya Beam. Kahit na hindi ko naman talaga ka-dugo si kuya Beam, I can feel his warmth na gaya ng warmth ni kuya Forth towards me.
"Good morning tito Kit!" Bati ng dalawa kong pamangkin.
The whole family's here. Including ate.
BINABASA MO ANG
I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)
Fanfiction(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit