Chapter 5: Aripiprazole

206 21 4
                                    

Vocabulary!!!

Aripiprazole - Anti-psychotic drug.

•••

Inilabas na ni Ming yung sisig.

"Mukhang may mangyayaring laban ngayon ah." Sabi ni kuya Forth.

Umupo na ako at inihanda ang plato.

Paano nga ba yung labanan namin ni kuya Beam sa Sisig? Here's the mechanics.

Hahatiin ang serving ng sisig sa dalawa. Pagtapos kumain, titimbangin ang matitirang pagkain. Magtatakda ng timbang na napagusapan. Kung kaninong sisig ang may pinakamalapit sa timbang na napagusapan, siya ang panalo at magbibigay ng 2k pesos.

"Ako ang nanalo last time. Ikaw na ang magsabi ng timbang." Sabi ko.

"Sige. 27.64 grams." Sabi ni kuya Beam.

Kumuha na kami ni kuya Beam ng 50 grams. Siyempre nakahanda yung timbangan ko. 'Wag na kayong magtanong kung bakit may dala akong timbangan. Maliit lang naman at madaling dalhin.

Nagsimula nang kumain ang lahat.

Nag-uusap sina kuya Forth at mga magulang ni Ming. Kami naman ni kuya Beam ay may sariling mundo na naglalaban sa larangan ng pagkain.

Nang matapos na kaming kumain…

"Ako ang mananalo." Sabi ko.

"Talo ka. Ako ang panalo." Ganti niya.

Tinimbang ko na yung natirang sisig sa platter ko. And it's… 28.34 grams.

Kay kuya Beam naman ay…

"Huwag niyo na po silang intindihin. Matagal na po silang ganyan. Mga hindi lang po nakainom 'yan ng Aripiprazole." Sabi ni kuya Forth. Napansin siguro ng mga magulang ni Ming yung kaweirduhan naming dalawa ni kuya Beam.

Nagtataka din siguro si Ming ngayon sa tabi ko.

Tug tug…
Tug tug…

27.64 grams.

Inulit-ulit ko pa yung pagtimbang sa natirang sisig ni kuya Beam pero… walang nagbago.

"Saktong-sakto! Panalo ako Francis Kit! Ilapag mo na ang dalawang libo mo."

Kinuha ko na ang wallet ko at ibinigay kay kuya Beam ang dalawang libo. Nangayayat nanaman ang wallet ko.

"Ito na ang allowance mo Ming. Idagdag mo na din itong pera ni Kit."

Binigay ni kuya Beam ang limang libo at yung dalawang libo na napanalunan niya dahil sa pag-kain namin ng sisig. Bale 7,000 na ang pera ni Ming.

"Pasensya na po pero hindi ko po matatanggap ang ganyang kalaking halaga ng pera." Sabi ni Ming. Ibabalik na sana niya ang pera pero pinigilan siya ni kuya Beam.

"Itabi mo na 'yan. Tsaka nalang kita bibigyan ulit ng allowance kapag ubos na 'yang pera mo."

"Naligo ka na ba? Halata namang bagong ligo ka eh. Magbihis ka na may pupuntahan tayo." Sabi ko kay Ming.

"Tapos na ba kayong kumain? Aalis na tayo. May aasikasuhin pa ako sa opisina." Tanong ni kuya Forth.

Lumabas na kami ng bahay at nagkumpulan naman ang mga kapit-bahay nila Ming sa labas.

"Maraming salamat po sa hinanda ninyong pananghalian misis." Sabi ni kuya Forth habang kinakamayan ang mama ni Ming.

"Walang anuman po sir. Kami po dapat ang magpasalamat at nabigyan po ninyo ang anak ko ng pagkakataon para makapag-aral." Sagot ng mama ni Ming.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon