"Bitch ano ba? Kanina ka pa palakad-lakad diyan. Nahihilo na ako sa'yo!" Suway ni Kristina sa akin.
"Iisa lang naman ang ulo natin. Hindi naman masakit ang ulo ko." Sagot ko.
"Yung totoo bitch, ano ba talagang nangyayari?"
"Wala naman. Pwede ba tumahimik ka nalang?"
"Gaga! Ikaw ang tumahimik! Lakad ka nang lakad tapos para kang timang diyan na nanggigigil. Bitch."
"Eh kasi naman, hindi daw umuwi kagabi si Ming sa bahay nila. Tapos wala pang text okaya tawag yung mokong na 'yun sa akin!"
"Praning amputa! Bitch."
Nagtataka ba kayo bakit nanaman ako nakikipag-usap sa sarili ko? I mean sa alter ego ko?
Madalas na kaming ganito isang taon na ang nakalipas. Guess what? Isang taon na kami ni Ming bilang mag boyfriend. At si Ming ang madalas naming pag-awayan namin ni Kristina.
"Bunso! May bisita ka dito!" Sigaw ni mama mula sa sala.
Agad-agad naman akong bumaba para tignan kung sino yun. Baka si Ming Santos na 'yan.
Sawakas at nagkaroon pa siya ng balak na puntahan ako. Ilang linggo na siyang walang kibo at madalas hindi umuuwi sa bahay nila. Saan ba kasi nagpupunta 'yan si Ming?
Boyfriend niya ako pero hindi niya man lang masabi sa akin kung ano ang pinagkaka-abalahan niya.
Malapit na ako sa sala at atat na atat na akong makita si Ming pero...
"Hi!" Bati ni Aris. Ang akala ko si Ming yung sinasabi ni mama na bisita ko.
Hindi ko man lang naisip na mahigit tatlong taon nang kilala nina mama si Ming at dumidiretso agad yun dito sa kwarto para... alam niyo na.
Bobo ka din talaga minsan Francis Kit! Kailan pa naging bisita si Ming dito sa bahay? Hays.
"Uh... hi!" Bati ko pabalik.
"Nagdala pala ako ng cookies for you. At tsaka, diba nagustuhan nina tito at tita yung luto kong Valenciana? Nagluto ako ulit."
Oh yes! You've read it right. Nagluto noon si Aris ng Valenciana sa latest session ko sa dad niya. Di ko naubos at maarte ang alter ego ko, inuwi ko nalang at nagustuhan naman ng parents ko.
"Salamat. Nag-abala ka pa talaga. Mama! Si Aris nga pala, schoolmate ko. Siya yung nagluto nung Valenciana na dala ko dati." Sabi ko.
"Oh?! Magaling ka pala magluto! Salamat nga pala sa Valenciana. Sobrang nagustuhan namin. Gwapo ka din pala hijo!"
Kung pwede lang mangurot ng nanay, ginawa ko na.
"Ito po tita. Nagluto po ako ulit. Sana po magustuhan niyo ulit." Sabi ni Aris at inabot ang dala niyang eco bag.
"Naku! Salamat dito hijo. 'Di bale, sa susunod ikaw naman yung ipagluluto ko. Okaya naman kung gusto mo, dito ka na mag hapunan. May lakad ba kayo ni Kit?"
"Wala naman po. May gagawin po sana kaming assignment. Classmate ko po si Kit sa isang minor subject." Pagsisinungaling ni Aris. Nagtataka kayo bakit ba siya nandito? Explain ko later.
"Dito ka na mag hapunan ha?"
"Opo tita."
"Sige na gawin niyo na yung assignment ninyo."
"Ma! Akin yung cookies diyan. Valenciana lang ang inyo diyan." Sabi ko.
"Sus! Damot mo naman! Magka-diabetes ka sana."
Tumuloy na kami ni Aris papunta sa kwarto ko. "Meron na ako. Namana ko sa'yo. Metformin din gamot ko." Pagpapatuloy ko para barahin si mama.
Well, nagkaroon ng diabetes si mama noong mag 40 yrs. old siya. Kaya kung yung iba, Life starts at 40. Sa pamilya naman namin, Diabetes starts at 40.
Agad akong kinausap ni Aris nang makapasok na kami sa kwarto ko. At dahil lukaret nga itong alter ego ko, hinila at tinulak niya si Aris sa kama. Sabay sakay sa ibabaw ni Aris.
"Teka, si Kristina ka ba o si Kit?" Tanong ni Aris.
"Hoy hitad! Tigilan mo na si Aris." Suway ko kay Kristina.
Kung makikita mo lang sa personal kung paano ako makipag-usap sa alter ego ko, iisipin mong baliw talaga ako. Well, baliw naman talaga ako. At totoo 'yun.
"Ito naman bitch! Isa lang eh!" Angal ni Katrina. Look how awkward this is. Nagtatalo kami ni Kristina habang nakapatong kay Aris.
"Tama na! Nangyari na 'yan twice! Hindi na ako papayag. Katawan ko ang ginagamit mo Kristina."
Yes. Nang dahil sa alter ego ko, nagawa ng katawan kong makipag-sex sa iba at si Aris 'yun.
Pero hindi ako nagche-cheat kay Ming ah? Don't get me wrong. It was Katrina after all. Pero...
Hays. Ang hirap naman nito.
Few seconds later...
May something na tumutusok at parang tumitibok.
"Pwede bang umalis ka muna diyan sa ibabaw Kit? Ano kasi..." Sabi ni Aris.
Tsaka ko lang na-realize na boner niya pala yung tumitibok at tumutusok sa akin.
Agad naman akong napa-balikwas at umayos ng upo. Bumilis din ang kabog ng puso ko dahil sa kaba. Kailangan ko ng Metoprolol right now. Bakit ganito?!
Natahimik kaming dalawa sa loob ng 5 minuto. Nanahimik din si Kristina sa wakas. I was about to talk when my phone rang. Si Ming, tumatawag.
"Hello baby?" Sagot ko sa phone.
"Usapan natin ah? Dito tayo matutulog sa bahay." Sabi ni Ming.
"Ah! Yes baby! See you later!"
"Okay baby. See you! Bye!"
"Bye baby."
Shit. This is getting out of hand. Hindi ko maalala kung kailan kami nagkaroon ng usapan ni Ming!
"Bitch, ako ang nakipag-usap kay Ming. Pero siyempre, ginaya kita para hindi siya makahalata." Sabi ni Kristina.
"Shit naman! Sabihin mo naman sa akin nang mas maaga please?" Angal ko.
"Ihahatid na kita doon." Alok ni Aris. Hindi na ako tumanggi dahil kailangan kong mag madali. Mabagal akong kumilos at malamang hapon pa ako matatapos mag-ayos ng sarili.
Nagpaalam na ako kina mama at papa na hindi kami makakapag-hapunan dito sa bahay. No more explanations, umalis na kami.
Bumiyahe na kami papunta kina Ming. Tahimik lang ako buong biyahe. Nakakapagtaka lang at tulog si Kristina ngayon. Madalas kasi kapag si Aris ang kasama ko, si Kristina naman ang bida.
"May itatanong sana ako Aris." Sambit ko.
"Ano yun?"
Hindi ko alam kung dapat ko ba talagang itanong 'to. Although alam ko naman ang magiging sagot niya.
"Naisip ko lang, ilang beses na tayong nag-sex? I mean, kayo ni Kristina."
"We actually never had sex. Or Kristina. We never did."
BINABASA MO ANG
I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)
Fanfiction(TAGALOG) 2 Moons Characters turned Filipinos!!! 2Moons Fanfiction: "I am" Trilogy Book 2: MingKit