Chapter 8: Alprazolam

197 18 11
                                    

Vocabulary!!!

Alprazolam - Anxiolytic drug. A dangerous drug to treat or cure Anxiety, Bipolar disorder, Schizophrenia, and other psychotic diagnosis such as psychosis and depression.

•••

Naglalakad kami ngayon ni Ming pauwi. Tama, naglalakad nga kami. Pinagtitinginan pa kami ng mga tao ngayon dahil sa kakaiyak ko.

Ang hirap naman nito. Umiiyak, dala ang mga gamit, iniintindi ang tingin ng ibang tao, at naglalakad. Multi-tasking.

"Tumahimik ka nga diyan Ming." Sabi ko habang humihikbi.

"Hindi naman ako nagsasalita ah?" Sabi niya.

Wala na. Baliw na ako. May schizophrenia na ako. Kailangan ko na ng Alprazolam. Buwisit na buhay 'to.

Malapit nang mag gabi. Ano nang gagawin ko? Uuwi na ba ako? Ayaw ko dun. Panget ni kuya Beam eh.

Buti nalang may nadaanan kaming playground. Naks! Lakas maka-kdrama!

Uupo sa swing, iiyak, tapos magiinarte na para bang nilalamig. Leche!

Umupo muna ako sa swing. Kanina pa ako nagdadrama. At hindi naman malamig.

Tulala lang ako habang marahan kong dinuduyan ang sarili ko. Hanggang sarili nalang itong ginagawa ko. Pati pagduyan, mag-isa lang ako.

Ano bang meron yung lalaking yun na wala sa akin?!

Parehas kaming gwapo, mayaman naman ako, hindi nga lang ako malibog. Yun lang pala ang wala ako. Libog.

"Huwag mong kalimutan na may kasama ka pa. Pwede mo akong kausapin." Sabi ni Ming.

"Ayos lang ako." Sabi ko.

"Mukha bang ayos 'yan?! Eh mukhang tae ka na niyan eh."

"Sampalin kaya kita diyan gusto mo ba?"

"Ikaw naman hindi ka mabiro. Lumapit ka nga sa akin."

Ayaw ko. Nakakatamad.

"Sige na lumapit ka na sa akin."

Ayaw ko nga.

"Isa…"

Eto na.

Lumapit na ako papunta sa bench na inuupuan niya. Hinila niya agad yung kamay ko at pinaupo ako sa tabi niya.

"Magpunas ka nga ng luha mo. Hindi ka na pogi kapag umiiyak ka." Sabi niya.

"Eh ano pala itsura ko kapag umiiyak?"

"Itsurang taeng cute na may dimples."

Nakakatuwa sana kung wala siyang sinabing itsurang tae. Taihan kita diyan eh.

Hindi na ako pumalag kasi nilulunod niya na yung mukha ko gamit ang panyo niya. Ganyan ba ang tamang pagpunas sa luha ng isang broken hearted?!

"Anong balak mo ngayon? Gabi na. Gusto mo na bang umuwi?" Tanong ni Ming.

"Umuwi ka muna. Sasama ako. Magdala ka na ng uniform mo at damit pantulog. Sa bahay ka nalang matulog." Sabi ko.

"Sigurado kang sa inyo ako matutulog? Hindi ba nakakahiya sa kuya mo? Sa mga magulang mo?"

"Wag mo nang alalahanin yun. Okay lang sa kanila yun."

Nagbook na ako ng Uber papunta kila Ming.

Tahimik lang kaming dalawa ni Ming sa buong biyahe namin.

"Nandito na ang mga boss natin!" Sigaw ng isang tambay. Agad namang nagkumpulan yung ibang tambay.

Dumiretso na kami sa bahay nila Ming at kumuha na siya ng mga damit. Wala naman na kaming inaksayang oras.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon