Chapter 6: Risperidone

184 22 14
                                    

Vocabulary!!!

Risperidone - Anti psychotic drug.

•••

Bakit ganito? Parang ang lakas ng dating ni Ming sa paningin ko?

"Uy! Tinatanong kita kung bagay ba?!" Sabi ni Ming.

I was left speechless until I got back myself on.

"Ah, oo! Bagay! Bagay na bagay sa'yo. Pogi… mong tignan." Utal kong sabi.

"Hmm… okay okay."

ANONG NANGYAYARI SA'YO FRANCIS KIT?!

Itinuon ko nalang ang atensyon ko sa phone ko. Nagtext na si Felina sawakas!

"Hi babe! Sorry kung hindi na kita nacontact kagabi. I was sick until now. Nagpapahinga na ako ngayon." Text ni Felina.

"Gusto mo bang puntahan kita para maalagaan kita?" Reply ko.

"Thanks babe. Pero okay lang ako. I've been taking meds kaya hindi mo na kailangang pumunta dito."

"Are you sure na hindi na kita kailangan puntahan diyan?"

"Yes babe. Sigurado ako. You should hangout with Ming. Napansin kong nahihiya siya nung pinakilala mo siya sa akin."

Lumabas na si Ming sa fitting room suot na ulit ang damit niya.

"Tara na?" Tanong ni Ming.

"Oo! Tara na." Sagot ko.

Naka-angat ang t-shirt ni Ming sa likuran niya. Nakikita ko ngayon yung garter ng briefs niya. And weird thoughts suddenly came into my mind.

FUUUUCCCCKKK!

Ano ba Kit?! Bakit kay Ming naiisip mo ang mga ganyang bagay? Samantalang sa girlfriend mong sexy at maganda, hindi mo magawa!

Pero ang sexy ng likod ni Ming.

PUCHA! ANO BA?!

Balik tayo sa realidad. Tungkol sa brief ni Ming!

Hinila ko muna siya papunta sa section ng underwear.

"Teka Kit, nakakahiya." Sabi ni Ming.

"Bakit ka naman mahihiya?" Tanong ko.

"Malamang brief 'yan. Parang hindi naman ata tama na babae ang saleslady ng briefs."

"Ahhh! Alam ko na. Walang problema. Dennis!"

Tinawag ko yung salesman na si Dennis.

"Hindi ka na ba mahihiya?" Tanong ko kay Ming.

Hindi na siya nagsalita at sumunod na sa akin.

"Ano bang size mo?" Tanong ko ulit.

"Hindi ako sigurado kung medium or large." Sagot niya.

"Titignan ko nalang size ng brief mo ngayon."

Pinatalikod ko si Ming para tignan yung size ng brief niya. Inangat ko yung shirt niya at tinignan yung size ng brief. So sobrang buklat ko ng garter ng brief niya, nakita ko tuloy yung alkansya. Bakit ba kasi walang suot na sinturon itong si Ming?

Infairness, makinis.

BWISIT KA KIT! ANO BANG INIISIP MO?!

"Medium!" Sabi ko. Did my voice just cracked?

Ang laki naman ata ng brief ni Ming. Parang brief na ni kuya Forth 'yan eh. Baka naman kasi malaki ang…

PUNYETA! ANO BANG PUMAPASOK SA ISIP KO?!

Sinusukat ni Ming yung brief. Pinapatong niya sa baywang niya yung brief para tignan kung kasya nga talaga. Kasya naman.

Naimagine ko tuloy si Ming na nakahubad sa harap ko at  white briefs lang ang suot.

TANGINA NAMAN FRANCIS KIT! ANO BANG PUMAPASOK SA ISIP MO?! LALAKI KA AT LALAKI DIN SI MING!

I think I should take Risperidone para matigil na itong mga hallucinations ko.

Sa bagay, si kuya Forth nga at kuya Beam parehas din silang lalaki eh.

"Huy Kit! Ayos na. Nakapili na ako." Sabi ni Ming.

Hindi pa ata sapat ang briefs lang. Dapat meron din siyang boxers.

Kinuhaan ko pa siya ng boxer briefs at boxers na sa tingin ko naman ay sakto sa size niya. Sa tingin ko din ay bagay sa kanya ang mga ito. Not to mention, Calvin Klein yan lahat. Mula sa briefs hanggang boxers. It looks good on him.

KAILANGAN KO NA TALAGA NG RISPERIDONE!

Kumuha na din ako ng akin. Medium-Small lang naman. Briefs, boxer briefs, at boxers din ang kinuha ko para naman hindi awkward.

Nagpunta na kami sa cashier para bayaran ang mga pinamili kong gamit ni Ming. Kumpleto na lahat, pati medyas bumili na din kami. Siyempre kasama na yung akin. Hindi pwedeng wala akong bibilhin.

"Oh yan! May mga bago ka nang mga gamit." Sabi ko.

"Salamat talaga Kit. Habang buhay kong tatanawin ang utang na loob ko sa pamilya niyo." Sabi niya.

"Walang anuman."

"Teka, si Felina ba 'yun? Yung girlfriend mo?"

"Ano bang pinagsasabi mo diyan? May sakit ngayon si Felina at nagpapahinga siya sa bahay nila ngayon."

"Hindi ako nagbibiro Kit! Si Felina nga 'yun! May kasama siyang lalaki!"

Lumingon ako sa tinuturo ni Ming.

Tama nga siya. Si Felina nga 'yun. Tinignan kong muli ang phone ko. Hindi na pala ako nakapag reply sa text message niya.

Ang sabi niya, nasa bahay siya at nagpapahinga dahil may sakit siya. At ang sabi pa niya, dapat lumabas kami ni Ming para mawala ang hiya niya.

Well, tama siya. Lumabas nga kami ni Ming. Pero mali siya para sabihin niyang mag hangout kami ni Ming dahil nalaman ko ang totoo.

Naalala kong bobo nga pala itong girlfriend ko. Pasensya na sa nasabi ko. Galit lang talaga ako.

Is this some kind of hallucination? Kung hallucination ko nga lang talaga 'to, kailangan ko na talaga ng Risperidone. Sana hallucination lang talaga ang nakikita ko ngayon. Para pag uminom ako ng Risperidone, wala na ang bagay na 'to.

Nagu-ulap na ang mga mata ko. Masakit para sa akin ang bagay na 'to. Nagsinungaling na siya, may kasama pa siyang iba.

Hindi ko namalayan na hinila ako ni Ming papunta sa sulok.

Patuloy parin ako sa pagluha. Tinignan ko si Ming sa mga mata niya. Para ba akong kinakausap ng mga mata niya at nagsasabing, 'wag ka nang umiyak.

*BGM: 'Wag ka nang umiyak by KZ Tandingan*

Pinunasan ni Ming ang mga luha ko gamit ang panyo niya.

"Hindi ka dapat umiiyak sa ganitong lugar. Ngumiti ka lang. Gusto kong makita yung dimples mong malalim." Sabi ni Ming.

"Pero…"

"Basta't ngumiti ka lang at pigilan mo na 'yang luha mo."

I felt security somehow. Hindi ko maide-deny na I felt comfort sa mga sinabi ni Ming.

"Nagsinungaling siya sa akin. Ang sabi niya, may sakit siya at kailangan niyang magpahinga." Sabi ko habang humihikbi.

"Alam ko. Sinabi mo na 'yan kanina. Ganito nalang, itext mo siya ngayon kunwari papunta ka na sa bahay nila. Hindi mo siya matiis kaya pupuntahan mo nalang siya." Sabi ni Ming.

"Ngayon ko na ba siya ite-text?"

"Hmm…"

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ngayon ni Ming. Pero mukhang eksperto siya sa mga ganitong bagay.

"Mamaya mo na siya itext. Sa ngayon, susundan muna natin sila."

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon