Chapter 11: Azathioprine

198 20 6
                                    

Vocabulary!!!

Allium cepa - Onion

Allium sativum - Garlic

Zingiber officinale - Ginger

Musa sapientum - Banana

Quercitin

Vitamin B6 - Pyridoxine

Nutraceuticals - Pharmaceutical preparations of common food substance which is intended to use for treatment. Example is Omacor®.

Azathioprine - Immunosuppresant. A drug intended to suppress immune system for organ transplant so the body won't reject the transplanted organ.

•••

Lumipas ang dalawang buwan. Wala naman gaanong espesyal sa dalawang buwan na lumipas. Wala naman kaming ibang ginawa ni Ming kung hindi ang mag-aral.

Hindi naman kami katulad nina kuya Forth at Beam na mga gamers slash Pharmacists slash mag-asawa. Kaya naman puro pag-aaral lang ang inaatupag namin.

Malinaw na siguro para sa inyo diba? Friends lang kami ni Ming. Friends na madalas matulog sa kani-kaniyang bahay. Friends na madalas mag-yakapan.

You heard it right. Nakikitulog na din ako sa bahay nila Ming. Ano naman ang masama dun?

Parang pangalawang bahay ko na din yung bahay nina Ming. Not to mention na special treatment pa ang binibigay sa akin ng mga tambay.

"Pabili po ng sardinas ate Neneng." Sabi ko.

"Mukhang madalas ka nang nandito Kit ah?" Sabi ni ate Neneng.

Siya lang naman ang may-ari ng tindahan na madalas kong bilhan kapag nandito ako kina Ming. Oo tama kayo. Nandito ako kina Ming ngayon mula pa kagabi.

"Hindi naman po halata ate Neneng! Tsaka po pala misua at tsaka kinse pesos na tuyo. Pati na din po bawang at sibuyas."

Inabot niya na sa akin yung mga binili ko. Nagsabi kasi ako kina tito at tita na ako ang magluluto. Pero ang totoo, si Ming lang naman talaga yung magluluto at hindi ako.

Nagsimula na din ang mga magulang ni Ming na mag trabaho sa kumpanya ni kuya. Si tito Ricardo ay isa nang Security Guard sa drugstore ni kuya Beam at si tita Rosita naman ay isa nang Stock Records Assistant sa Manufacturing Company ni kuya Forth.

"Nakabili ka na?" Tanong ni Ming nang makabalik na ako sa bahay nila.

Ipinakita ko yung mga binili ko.

"Halika na dito, tuturuan kita magluto."

Sinimulan ko na ang paghiwa sa sibuyas. Naiiyak na ako.

Alam niyo ba kung bakit tayo naluluha kapag naghihiwa ng sibuyas? Dahil yun sa Sulfur na mayroon sa fumes ng sibuyas. Naiirritate yung chorroid layer ng ating mata kaya bilang defense mechanism, naglalabas ng luha ang ating mga mata.

Ibang usapan kapag lumuha ka kasi malungkot ka. Defense mechanism ng pusong nasaktan ang pagluha.

"Ano ang scientific name ng sibuyas?" Tanong ko kay Ming habang nagpupunas ng luha.

"Allium cepa" Sagot niya.

"Constituents?" Dagdag kong tanong.

"Quercitin." Sagot niya.

"Ginagamit bilang?"

"Anti-diabetes and anti-oxidant. Ginagamit din bilang nutraceuticals."

"Hmm… magaling. Ikaw naman."

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon