Chapter 20: Amphetamine

165 14 5
                                    

Vocabulary!!!

Narcolepsy - A sleeping disorder wherein the patient is experiencing too much sleep. Antonym of Insomnia. Hypersomnia.

Amphetamine - A prodrug of Methamphetamine. Intended to use for the treatment of Narcolepsy.

•••

It's been a week mula nang makalabas ako sa ospital. Stable na ako sa ngayon dahil sa mga meds ko. Hindi nga lang masyadong maganda sa pakiramdam dahil madalas akong mahilo at magsuka.

Madalas na side effects ng mga gamot. Kahit na gusto ko namang itigil, hindi naman pwede. Salamat nalang kay yaya Didith dahil lagi niya akong pinapa-alalahanan na laging uminom ng gamot.

Masyado akong natatakot sa mga boses na ako lang ang nakakarinig.

Madalas na akong magkaroon ng panic attacks kapag nakakalimutan kong uminom ng gamot ko. Ganito pala ang feeling kapag isa kang baliw.

Tatawagin ko nang baliw ang sarili ko dahil alam ko namang hindi na ako normal. Hindi na ako normal mag-isip at hindi na normal ang tumatakbo sa isip ko.

This is actually depression and anxiety.

Pumapasok na din ako sa school. Parte na din ng rehabilitation ko. Kailangan kong maki-halubilo sa ibang tao. Pero kahit na isang linggo na, hindi parin naaalis ang takot ko sa tao. Lalo na sa mga lalaki.

Mabuti nalang at puro babae ang faculty ng Pharmacy at isa lang ang bakla. Kaya naman sa mga kapwa ko estudyante ako natatakot.

"Uy! Kanina ka pa nakatulala diyan. Anong iniisip mo?" Nanumbalik ako sa realidad nang kalabitin ako ni Marianne. Yung kalabit niyang kayang tanggalin ang epidermis mo.

"Wala naman." Sagot ko.

"Kung kailangan mo ng kausap, kausapin mo lang ako."

Tumango lang ako. Bumalik na siya sa pagsusulat at ako naman, hindi ko alam kung tutunganga parin ba ako o sisimulan ko nang magsulat?

Bakit ba kasi napakahaba ng seatwork ngayon? Tinatamad na ako.

"Nasaan nga pala si Ming? Bakit hindi mo kasama?" Tanong ni Marianne.

Oo nga? Nasaan ba si Ming? Kita niyo na? Baliw na ako. Hindi ko man lang alam kung nasaan ang boyfriend ko.

"Hindi ko nga alam eh. Kanina pa ako tumatawag sa kanya, hindi naman siya nagrereply." Sagot ko.

"Sayang naman kasi 'tong seatwork. 100 points daw 'to sabi ni Sir Bacud." Sabi ni Marianne.

"Wala namang bago. Kahit seatwork or quiz pa 'yan lagi namang 100 points."

Stressful na din talaga ang pag-aaral ngayon. Lalo na yung subject namin na Quality Control 1. Although madali lang ang mga computation. Pero ang isang problem statement na kailangang isolve, ay 50 points na.

Iba din talaga magpa-quiz itong professor namin. Isang mali lang, wala ka nang 50 points sa quiz.

Bumalik na din ako sa pagsusulat. Natapos ko ang dalawang paragraph nang magreply na sa akin si Ming.

"Kagigising ko lang baby. Sorry na. Papasok na ako sa school."

Bakit naman ba siya nagso-sorry? Tinignan ko tuloy yung thread niya sa phone ko.

I am Underdosed (MingKit Fanfiction - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon