≈CHAPTER 17≈

423 23 3
                                    

Chapter 17: Secret

Alex POV

Kahit na mahirap pero kinaya naman, ayoko munang sabihin sakanila ang totoo dahil baka mapahamak sila, lalong lalo na kay Zoe.

Ang totoo niyan ay nahanap ko na ang papel, ang pangalawang pieces ng papel. Nabasa ko ito at narealize ko na mali palang malaman ang katutuhanan, kaya nagpasya ako na sunugin na lang ang papel, yon lang ang naisip kung paraan para protectahan ang mga kaibigan ko.

Pero hindi ako makapaniwala na Tita pala ni Zoe si Mistress Lucy, ang Principal ng school nito na ngayon ay wala na.

At mas hindi ako makapaniwala na ang leader ng mga Mysteriousong mga tao ay ang-.

"Alam mo na pala ang katotohanan, ba't ayaw mong ipaalam ang katotohanan kay Zoe?" Lumingon ako sa giliran ko at nakita ko si P2 na ngayon ay seryosong nakatingin sa apoyan kung saan doon ko sinunog ang papel.

Alam niya din pala kung ano ang katotohanan, hindi lang pala ako nag-iisa.

"Yo'n lang kasi ang paraan para maproteksyonan ko siya sa kapahamakan, kung malalaman niya ang katotohanan baka ikakamuhian niya pa ang kanyang-"

"I agree for that, except for Zoe. Ba't hindi mo sasabihin ang totoo sa ibang kaibigan mo? Hindi naman siguro sila mapapahamak kung malalaman nila ang katotohanan, what do you think?" He said,  sa totoo lang naisip ko rin yon pero parang may mali eh. Siguro over protective lang ako, pero mas makakabuti kung hindi ko rin ipapaalam sa kanila para naman hindi sila mag-alala kay Zoe.

"Hindi ko nalang ipaalam sa kanila para masigurong hindi halata. Mas maganda kung tayo lang ang nakakaalam nito, kaya nagmamakaawa ako na wag na wag mong sasabihin sa kanila ang sekrito" sabi ko rito ng seryoso, makakapagtiwalaan naman siya eh, tumango lang siya tanda ng kanyang sagot kaya nakahinga na ako ng maluwag.

"Anong secrito?" Sh¡t mali yong timing niya "Alex anong secrito?" Alam kung siya yan pero dapat kalma lang ako para hindi halata. Humarap ako sa kanya na kalma lang.

Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni P2. "May isang secrito lang kami, pero usapang lalaki yon Zoe eh, hindi ka pwede don kasi alam mo na babae ka at lalaki kami. At hindi pwedeng malaman mo ang secrito namin, pero pwede ring malaman ang sa inyo" tinignan ko si P2 na nakatingin sa below abdomen ni Zoe, kaya napatakip si Zoe nito na namumula.

Napailing-iling na lang ako sa ginawa ni P2, kung hindi lang sana sa secrito baka nasuntok ko na 'to, dahil sa kanyang ginawang kabastosan ni Zoe.

"Ang bastos mo" sinampal ni Zoe si P2 sa braso na namumula parin pero ang abno ay tumawa lang.

"Easy, hehehehe kaya-" naputol ang pagsalita ni P2 ng may nagsalita sa speaker.

"Hello Students and Teachers, I'm a new Master here in this school, just call me Master Science." Mukang siya nga yan, ang lalaking gusto naming iwasan. May pa Master Science pa siyang nalalaman. "By the way students, wag nakayong malungkot dahil maglalaro patayong lahat kaya be happy lang students. And para sa mga teachers please pumunta kayo dito sa office, wag na kayong matakot dahil hindi naman ako nanga-ngagat. So don't fuck with me" sabi ng lalaking yon.

Hindi siya manga-ngagat pero pumapatay? Idiot, baliw na talaga siya.

"Masama ang pakiramdam ko rito" sabi ni P2 na ngayon ay nag-aalala, makikita mo kasi sa mukha niya ang bakas ng pag-aalala at mukang takot rin. Akala ko wala siyang katakotan.

"Ako nga rin ehh, akala niya madali lang ang lahat, ang dami niya kayang pinatay na mga inosenteng studyante tapos sasabihin pa niya na hindi na dapat tayo malulungkot? He's crazy, akala niya ang dali lang yon kalimutan." Galit na sabi ni Zoe, mukang nagbago na nga siya ngayon. Hindi na katulad ng dati, pero masaya na ako dahil nagbago na ang kanyang ugali, lalong lalo na ngayon na ang hirap ng sitwasyon.

"Baliw nga yong lalaking yon... Matanong ko lang, anong clase namang laro ang pinagsasabi niya?" Sabi at tanong ko rito, nacurious lang kasi ako ehh, alam kung may classing laro yon na ang hirap. Pero parang nagbibiro lang yata siya, baliw nga diba.

"Wag na natin yan pag-usap pa, pumunta na lang tayo sa dorm dahil dilekado pa dito sa labas" sinunod na lang namin ang sinabi ni P2, hindi pa nga safe dito.

Pero makikita mo naman sa paligid na parang wala lang nangyari, parang bumalik na agad sa dati.

P2 POV

Parang bumalik na nga ang lahat sa dati pero hindi dapat kami makikisiguro na safe na ang lahat, lalong lalo na ang nagmamahala na ng skwelahang ito ay si Master Science na isang demonyong scientists, para siyang mabait pero sa totoo ay ang sama-sama mas demonyo pa sa demonyo.

Ngayon ay madilim na ang kalangitan kaya nagpasya ako na makipagkita sa mga SSG member para gumawa ng plano, may underground naman kami na kami lang ang nakakaalam, Everynight kasi doon ang aming tambayan.

"Nasaan pala si A7? Ba't wala siya dito! at yong baby loves ko nasi Eva, ba't wala rin?!" Bungad na sabi at tanong ni U9 ang Treasurer ng school, siya din yong hyper samin.

"Ang hyper mo talaga Jacob(U9) kahit kailan, baka nagpapahinga payon dahil alam mo naman may nangyayaring masama sa school, remember?" Sabi ni S12 ang Auditor namin, maarte siyang babae at yan ang hindi ko gusto sa lahat.

Tumingin ako kay U9 na nag-aalala "Si A7? Ayon nagpapahinga muna dahil may tama sa kiliran, kayo okay lang ba kayo? Para kasing walang giyera sainyo ehh" sagot ko rito sabay upo. Hindi ko na lang siguro ipapaalam na wala nasi Eva, baka magwala pa ito.

"Wala namang nangyari samin, except for Ethan(H5) na natamaan sa braso" S12 said.

"What about Eva my loves? Where is she P2" ayan na naman tayo sa my loves niya, but not now dahil nagmamadali ako "Don't try to lie to me P2 because I'm not fool!!".

" Tsk" tanging bulalas ko.

"Just tell me where is she!! Mahirap bang sagutin yon?" Inawat na siya ni S12 dahil nagwawala na naman ito, araw-araw kasi wala ito sa sarili parang nababaliw na nga 'to ehh.

Tumayo ako at tinignan siya sa kanyang mga mata na iiyak na yata, tsk crying baby as always.

"Okay fine, Eva is left. Wala na siya dahil nabaril siya sa mga Mysteriousong tao. Happy?" Agad na akong bumalik sa pag-upo habang si U9 ay napaupo sa sahig at nagsimulang umiyak na parang bata, tinakpan ko na lang ang mga tinga ko dahil nakakasira ng tinga ang kanyang iyak. Childish din as always.

"But mo kasi sinabi ang totoo na wala nasi Eva, alam mo namang iiyak yan ehh" inis na bulong sakin ni S12, napa tsk na lang ako sakanya. At napapatawa. "Anong nakakatawa" tinaasan niya ako ng kilay.

"Ako na ngayon ang may kasalan kung bakit yan umiyak? Ehh siya ang may gusto niyan ehh, mapilit kasi" i said.

"Jacob(U9)!! Tumahimik ka na sa kaiiyak na parang bata!! Ang ingay mo!!" Natigilan kami dahil sa sigaw ni H5 na ngayon lang nagsasalita, tinignan ko rin si U9 na ngayon ay natahimik na "And P2 alam kung may sasabihin ka samin, sabihin mo na para makatulog na ako ng maaga" aniya, nakakatakot siya pag bad mood pero mas nakakatakot ako kapag bad mood.

Muntik ko ng nakalimutan ang plano, buti nga lang pinaalam ni H5, kundi baka mahuli pa ang lahat.

"Guys i have a plan"

THE HELL PHAUSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon