7- I'm Not a Girl Not Yet A Woman

3.6K 209 231
                                    

Facebook page: MewArt PH
Instagram: mewartphilippines

Wayo's POV

*Day 5 of hazing weeks.

Pumasok na si Doc Ming sa university.

Nasa living room naman si baby Oreo at nag-aaral kasama si P'Aby, yung tutor nya.

Ako andito sa dining room at nakatitig sa breakfast ko. Bakit ba kasi kailangang hotdog at eggs ang umagahan namin ngayon?

Hindi ko tuloy makain dahil iba yung naiisip ko.

Hindi ako makagetover sa jockstrap ni Doc Ming.

Napapaisip ako kung bakit affected ako? 'Di ba dapat wapakels ako pero nagtataka ako kung bakit ako nagblush kanina.

Ganon ko ba kabilis natanggap ang kismet ko bilang wife nya at mommy ni Oreo? Just freakin' one night?

I don't think so.

Maybe na-intimidate lang ako dahil sobrang laki ng 'package' ni Ming.

Yeah. Ganun nga siguro yun. Kahit sino naman sigurong lalake magiging uneasy kapag nakakita ng 'package' na bigger than his.

Tinusok ko na ng fork yung hotdog sa harap ko sabay kagat.

Biglang nag flash sa utak ko yung mukha ni Doc Kim na napapapikit dahil mukhang nasasarapan?

Shiya!!!! Dali dali kong binaba yung kinakain ko.

Ayoko na. Hindi na ako kakain!

Maybe kailangan ko na mag consult sa shrink. Baka nababaliw na ako dahil sa dami ng nangyari sakin this week.

Like...

First time pumasok sa university, nakasal sa hindi kilala, nagpalit ng apelyido, naging instant mommy at naging servant ng faculty moon na walang ibang sinabi kundi maganda ako.

Tama tama.

Baka sort of anxiety lang 'tong nararamdaman at nangyayari sakin dahil sa 'culture shock' nang bagong buhay ko.

Naglakad na ko paalis ng dining room. Nakita ko na busy si baby Oreo sa pag-aaral sa living room kasama yung tutor nya na si P'Aby.

Hindi ko na sila aabalahin.

Umakyat nalang ako papunta sa kwarto. Aayusin ko na lang siguro yung mga maleta ko.

Wala kaming pasok ngayong umaga. Naipass na kasi namin yung class card sa math kahapon kasabay noong chemistry class ni Doc Ming.

Pinagbubuksan ko na yung mga maleta ko at sinort yung mga gamit.

After ko ayusin, tinignan ko yung nag-iisang closet dito sa kwarto.

Punong-puno ng damit ni Doc Ming at Oreo. Wala ng space for new messages.

So sa kabilang kwarto ko na ilalagay yung mga gamit ko?

Parang ang hassle naman nun. Every time maliligo ako, kailangan sa kabilang kwarto pa ako magbibihis?

Out of nothingness binuksan ko yung drawer ng closet, umaasang may space pa kahit pang uniform ko lang.

Shiya!

Sana 'di ko nalang ginawa.

Puro under garments ni Doc Ming yung laman. Jockstrap + boxers kind of guy pala ang asawa ko.

Sinara ko na yung drawer at closet bago pa ko may magawang kasalanan.

Tinext ko si Doc Ming after that.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon