30- My Son's Boyfriend

2.5K 211 401
                                    

Qm's Note: 120 votes / 150 comments for the next update. (Okay ba updates? LOL)

Wayo's POV

Masyado ba akong naging harsh kay Pring?

Nawala sa isip ko na mommy pa rin sya ni Oreo noong pinahiya namin sya ni P'Frahnce sa harap ng crowd kanina.

Pero masisisi nyo ba ako?

Inangkin nya at nilabas sa public ang mga personal properties ko. Ang ayaw ko sa lahat ay ginagalaw ang mga gamit ko nang walang paalam.

Yung mga sports car ko na ginamit nya pwede ko pang palampasin kasi pinaglumaan ko na ang mga yun.

Pero yung mga jewelries ni mommy na never ko naman sinuot kahit minsan, hindi matanggap ng sistema ko na ginalaw nya.

"Khun noo andito na raw sa mall yung pinatext mo sakin kanina." inabot ni P'Frahnce sakin yung phone nya para ipabasa yung text.

'Andito na ako, saan ko kayo pupuntahan?'

Napa-ngiwi ako nun mabasa ang text ni Oreo.

Ngayon sana kami bibili ng 'couple phone' kaya pinapunta ko sya dito kanina.

Pero paano ko sya haharapin ngayon after nang ginawa ko sa mommy nya?

Malamang sa malamang ay nabalitaan na ni Oreo yung ginawa ko sa mommy nya.

Nakuhanan kasi ng media yung commotion kanina, I heard na live coverage pa naman yun para sa isang Lifestyle show dito sa Thailand.

Tapos dagdag mo pa yun mga taong nagre-record sa amin kanina, for sure ay uploaded na sa social media ang mga videos.

'Andito kami sa Giorgio Armani.' tipid na text ko sa kanya.

Mabilis naman syang nag-reply.

'Okay. I'll be there in a minute.'

Bumilis yung tibok ng puso ko after reading his text.

Feel ko ay magtatalo talaga kami ngayong araw.

"P', ito na yung phone mo." binalik ko na kay P'Frahnce yung phone nya.

"After mai-wrap ang mga pinamili natin ay mauna na kayong umuwi. Sa boyfriend ko na ako sasabay pauwi mamaya." dagdag ko pa.

Nanlaki yung mga mata ni P'Frahnce upon hearing the word 'boyfriend'.

"Boyfriend? Ang asawa mo ba ang tinutukoy mo?" usisa nya sakin.

Umiling ako.

"No. Hindi sya. His son, si Oreo. Remember? I'm dating Oreo."

This time ay nalaglag na ang panga ng yaya ko.

"Nagbibiro ka lang khun noo 'di ba?" hindi makapaniwala yung tono nya.

"Hindi P', it's true that I'm dating Oreo."

Napahawak naman si P'Frahnce ngayon sa dibdib nya.

"Khun noo, ginagawa mo ba 'to dahil gusto mong gumanti sa asawa mo at sa babae nya?"

"Absolutely not, wala akong bad blood sa asawa ko. Wala rin akong galit kay Pring. Kung hindi lang sana nya ginalaw ang mga personal items ko ay wala akong beef sa kanya ngayon."

"Ganun ba... Pero anak, napakarami namang ibon sa kalangitan... bakit inakay pa ng bwitre ang pinili mo?"

Natawa ako sa tayutay na ginamit ni P'Frahnce.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon