1- The Perks of being a Panitchiyasawad

4.7K 195 164
                                    

Instagram: kimbas_ph

Wayo's POV

"Khun noo... gising na!"

Nagising ako sa matinis na sigaw.

Si P'Frahnce yan, ang personal maid ko na nagpalaki sakin.

Sya lang naman ang naglalakas loob na tawagin akong khun noo at may matinis na boses na nakakarindi pakinggan.

"Yaya konti na lang promise. 5 minutes. Babangon na ko."

Tinakpan ko ng unan yung mukha ko.

"Okay. Sasabihin ko nalang sa daddy mo na ayaw mo nang mag-university at 'di ka na papasok sa first day ng college life mo."

Agad akong napabangon dahil sa sinabi ni yaya.

Alam na alam nya talaga kung paano ako papasunurin.

"Eto namang si yaya hindi mabiro. Babangon na po. Anong oras na po ba?"

"30 minutes nalang before mag-eight."

"Shiya!! Bat ngayon mo lang ako ginising? Ma-lalate na ako!!"

Napailing na lang si P'Frahnce.

"Kanina pa kita ginigising. Ikaw itong ayaw bumangon. Maligo ka na. Ipapahanda ko na sa baba yung breakfast mo. Titignan ka raw ng daddy mo before umalis."

Lumabas na sya ng kwarto ko.

Nagmamadali naman akong tumakbo papunta sa bathroom.

Hindi ko alam kung paano ko na-manage maligo in 5 minutes!

Agad akong nagbihis paglabas ko ng bathroom.

Inayos ko every small details ng uniform ko.

Sinigurado ko na pantay na pantay ang pagka-tucked ng white long-sleeve ko.

Nahirapan ako mamili kung anong design ng necktie ang gagamitin ko. Well, plain black lang naman lahat ng tie ko dahil yun ang required na kulay sa school. It's just iba-iba ang design nang pagkakalagay ng mga diamonds.

Naniniwala si daddy na representation ng wealth at status ang necktie para sa mga lalaki. Kaya puro Stefano Ricci's Diamond Plated Tie ang gamit naming dalawa. Last month umorder sya ng 25 black ties para sakin. Kailangan daw hindi maulit ang tie ko sa loob ng isang buwan.

Tinakpan ko nalang yung mata ko at pumili randomly.

After ko makapili ng tie, sinugurado ko rin na proper ang pagkakalagay tulad ng turo sa finishing school lessons ko noong high school.

Lagot kasi ako kay daddy if ever makita nyang may mali sakin.

Paulit-ulit kong chinecheck yung sarili ko sa life-sized mirror dito sa kwarto ko. Kailangan perfect.

Long-sleeve check. Black slacks check. Necktie check.

I'm ready to go!

Tumingin ako sa wall clock. Shiya! Almost 8 na pala!

Malalate na ako.

I grab my bag then tumakbo na ako pababa sa kitchen.

Naabutan ko si daddy na kumakain. Lumapit ako sa kanya para yumakap at magpaalam.

Tinignan muna ako ni daddy; scrutinizing my looks... bago sya nagsalita.

"Paano ka papasok ng hindi nakasapatos?"

Napatingin ako sa paa ko. Shiya! Naka-medyas nga lang ako ngayon.

Tatakbo na sana ako pabalik sa kwarto ko pero pinigilan ako ni daddy.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon