15- You've Got Me Feeling Emotions

3.2K 183 265
                                    

Instagram: TongOreoPH / josswayarPH / mewartphilippines

Wayo's POV

"Guys meet my spouse, Wayo Panitchiyasawad-Daechapanya."

Parang nanlamig yun buong katawan ko sa sinabi ni Doc Ming.

Ano 'to? Bakit may paganito?

Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa mga staffs ng med faculty na nakangiti at pumapalakpak para samin ngayon.

Nawala ako sa sarili ko dahil sa gulat? hiya? kaba? hindi ko na alam.

Natulala na lang ako.

Naramdaman kong hinawakan ni Doc Ming yung nanlalamig kong kamay ngayon. Bumalik ako sa wisyo dahil sa warmth ng palad nya.

Napatingin ako sa kanya.

Ngumiti sya sakin nun napansin nyang bumalik na ko sa sarili ko.

Bumitiw na sya sa kamay ko at nag-wai sa mga colleagues nya.

Nag-wai na lang din ako sa mga staffs para magpasalamat sa mga pag-congrats nila.

After that, inannounce na ni Doc Ming na pwede nang kumain.

Pinaupo ako ni Doc Ming sa corner at sinabing sya na lang ang kukuha ng pagkain ko.

Hindi naman nagtagal at nakakuha na sya ng pagkain ko at bumalik pa sa buffet table para kumuha naman ng pagkain nya.

Pagbalik ni Doc Ming, sabay kaming kumain dito sa mini table sa corner.

Walang nagsasalita habang kumakain kami pero tuwing tumitingin ako sa kanya, nahuhuli ko syang pinapanood ako kumain.

Gusto nya bang mabulunan ako dito sa kinakain ko?

Ang lapit ng mukha namin sa isa't isa at hindi na ako makahinga dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko kapag tumititig sya.

Sobrang hot nya in eyeglasses.

Napakaseryoso at intimidating ang aura nya ngayon.

Hindi sya yung typical na Doc Ming na nakikita kong naka-jockstrap sa bahay namin.

Yumuko na lang ako at pinagpatuloy ang pagkain. Kung lalaban ako ng titigan kay Doc Ming baka tuluyan na akong ma-heart attack.

"Hindi ka talaga sanay kumain ng walang table knife no?" napansin pala nyang hirap ako kainin 'tong chunk ng meat sa plato ko. 

Feeling ko puro mess na yung gilid ng labi ko dahil sa attempt kong kagatin yun meat.

Bigla nyang pinunasan yung gilid ng labi ko gamit yung daliri nya. Daliri talaga, hindi tissue. Fininger nya ako.

"Thank you." pasalamat ko sa ginawa nya.

Ngumiti lang sya at tinapos na namin ang pagkain.

Kinuhanan nya ako ng juice after namin kumain.

"Thank you." pasalamat ko ulit. "Ano palang meron Doc Ming?" pabulong na tanong ko.

"Ahh we have this tradition sa faculty na kailangan may pa-post celebration ang mga staff na bagong kasal."

Napatango na lang ako.

"Atsaka..."

"Atsaka?"

"Gusto ko ng patayin yung issue dito sa faculty na may boyfriend ang asawa ko."

Natulala ako sa sinabi nya.

So alam na pala nya yun tsismis na kumakalat online.

"Everytime tumitingin yun mga colleagues ko sa online poll ng star  and moon competition, mas hot topic pa raw kayo ni Joss kesa sa competition itself. Tell me, rumors lang naman lahat ng mga yon 'di ba?"

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon