27- Everything Has Changed

2.4K 191 268
                                    

Qm's Note: 100 votes / 120 comments for next update. (taasan ko kaya next update? Kaya nyo paba? Haha)

Wayo's POV

Nickolai Oreo Daechapanya

Hindi 'to pwede! Hindi 'to pwede!

Paulit-ulit kong binasa ang pangalan ni Nick dito sa passport na hawak ko, umaasa akong sa susunod na tingin ko ay wala ng 'Oreo Daechapanya' na naka-print dito.

Pero wala, kahit ilang beses akong kumurap ay walang nababago.

Hindi ako namamalik mata at lalong hindi ako nanaginip dahil damang-dama ko ang pagkabog ng puso ko.

Totoo ang lahat nang nababasa ko ngayon.

Niloko ako ni Oreo, ibang apelyido ang sinabi nya sakin noong tinanong ko ang buong pangalan nya.

Fuck!!!

This revelation is freakin' the hell out of me!

Ano bang iniisip ni Oreo para gawin sakin 'to?

Wala akong maisip na posibleng dahilan para gaguhin nya ako.

Parang naniniwala na tuloy ako sa sinabi ni Kit na baliw na nga si Oreo.

Baliw lang kasi ang gagawa nang kababuyan na 'to!

Hindi man lang ba sya nandiri or nagdalawang-isip man lang noong ginalaw nya ako?

Putang ina talaga!

"Magpapaliwanag ako..." napatingin ako kay Oreo na kasalukuyang bumabangon sa kama ngayon.

"Kumalma ka muna..." dagdag pa nya nun makabangon sya.

Napansin nya siguro yung panginginig ng kamay ko ngayon habang hawak ang passport nya.

I smiled bitterly.

"Ang kapal ng mukha mo para sabihing kumalma ako matapos mo akong gaguhin at babuyin! Walang hiya ka Oreo!"

Binalibag ko yung passport sa mukha nya.

Wala na akong pakielam kung nasaktan man sya o ano.

Kailangan nyang matauhan!

"Saktan mo pa ako kung yan ang magpapagaan ng loob mo. Okay lang sakin dahil deserve ko naman talaga. Aminado ako sa pagkakamali ko at hindi ko itatanggi ang mga sinabi mo na ginago kita. Pero sana pakinggan mo din ang paliwanag ko."

"Sa tingin mo maniniwala pa ako sayo Oreo? Tanga na lang ako kung makikinig pa ako sa mga kasinungalingan mo."

Tumalikod na ako sa kanya at naglakad papalabas dito sa kwarto.

"Dyan ka magaling, ang umalis at tumakas kapag may problema. Tama nga ang sinabi ni daddy tungkol sayo, hindi ka worth it ipaglaban dahil duwag ka."

Napatigil ako sa paglalakad.

Para akong sinaksak sa dibdib dahil sa mga salitang binitiwan ni Oreo.

Ako na yung ginago at pinaglaruan nya pero sya pa yung may gana na sumbatan ako ngayon.

Umikot ako pabalik kay Oreo atsaka ko sya pinaghahampas.

"Wala kang karapatan na sumbatan ako dahil wala kang alam sa mga sakripisyo ko para sa inyo ng daddy mo!" hindi ko napigilan umiyak habang himahampas ko si Oreo.

Hindi sya pumapalag sa ginagawa ko. Hinayaan nya lang akong ibuhos ang galit ko sa kanya.

Hanggang sa mamanhid na ang mga kamay ko.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon