18- I Can't Tell You Why

3.2K 154 99
                                    


*Night before the main event.

Forth's POV

Imbis na mag-night out gaya nang parati kong ginagawa kapag weekends, naisipan kong sumama na lang kay Beam this time.

Sinamahan ko syang magpakain ng mga street children dito sa downtown ng Bangkok.

Hindi ko rin alam kung bakit ako sumama sa kanya ngayon.

Ang alam ko lang mas interesado akong panoorin si Beam sa mga ginagawa nya kesa uminom mag-isa at humanap ng ka-sex sa bar.

Natutuwa kasi ako kay Beam. Pakiramdam ko anghel sya na naputulan ng pakpak at gumagawa ng good deeds pero makabalik sa langit.

'Til now talaga hindi pa rin ako makapaniwala na may taong tulad ni Beam.

Nun una akala ko talaga pa-cool kid lang 'to si Beam na tumutulong sa iba para ma-fulfill yun bucket list nya pero hindi pala talaga.

Napag-alaman ko sa mga classmate nya na mabait at sobrang matulungin daw talaga si Beam.

Kung may mananakit nga daw kay Beam bubugbugin nila eh.

Ganun nila kamahal si Beam.

Hindi ko naman sila masisi dahil pati ata ako protective na kay nong Beam.

Pakiramdam ko gusto ko syang alagaan.

Ito siguro ang dahilan kung bakit sinamahan ko sya, para maging bodyguard nya dito sa downtown.

"Sir ito na po yung mga order nyong fruit salad." biglang singit ng waitress.

"Okay. Pakiserve na lang sa mga bata." turo ko sa mga bata sa kabilang table na kasama namin.

Nahawa na ata ako kay Beam.

Masarap pala sa feeling 'tong ginagawa nya kaya sabi ko ako nang magpaakain sa lahat ng mga batang kasama namin.

Biruin mo yun... ngayon ko lang narealize yung worth ng pera.

Sa dalawang cocktail drink na iniinom ko pala sa bar pwede na akong magpakain ng anim na bata.

Feeling ko mas makabuluhan na yung buhay ko ngayon.

Shiya! Ano ba 'tong mga iniisip ko?

Baka sa susunod pag-momonghe na ang gusto kong gawin.

Napailing na lang ako.

"Doc? Bakit umiiling ka mag-isa dyan?" nakangiting tanong ni Beam.

"Wala. Wala naman." tipid na sagot ko. Ayaw ko namang aminin na iniisip ko sya.

"Doc salamat pala. Napagastos ka pa tuloy dahil sakin."

"Okay lang. Ako naman ang may gusto nito. Atsaka nahiya na ako sayo, the whole week nakikikain ako sa lunch box mo. Gusto kong bumawi sayo."

Tama kayo nang nabasa. Buong linggo ako nakikain sa lunchbox ni Beam.

Sabay kasi ang lunchbreak naming dalawa kaya sabay na kami naglulunch parati.

Joke lang.

Nirequest ko talaga sa clinical instructor nila Beam na isabay yung lunchbreak nya sa lunchbreak ko.

Alam ko kasing maraming binabaon si Beam para sa mga classmate nya. Pero imbis na sila yung kumain, ako na lang.

Ang sarap kaya ng luto ni Beam. Haha!

Sorry na kung abusado ako. Wala lang talaga akong pera the whole week dahil nga nawala lahat ng cards ko.

Pero dumating na kanina yun mga card replacement kaya bumabawi na ako kay Beam.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon