19- You're Beautiful

3.4K 178 214
                                    


Wayo's POV

Nabato ako dito kinatatayuan ko habang pinapanood kung umalis yung asawa ko.

Hindi mawala sa isip ko yung expression ni Doc Ming kanina, kung paano nya ko tinignan.

Punong-puno ng disappointment yun mga mata nya.

Fuck! Ang tanga-tanga ko kasi.

Wala akong dapat akong sisihin kundi ang sarili ko lang.

"Sir Wayo, hindi po kinuha ni Sir Ming 'tong binili nyong merienda. Umalis po sya nun sinagot ko yung tanong nya kung nasaan kayo." Biglang sumulpot yun isang guard ko na hinihingal pa.

Mukhang tumakbo sya papunta dito dala yun meriendang binili ko para kay Doc Ming kanina.

"Sinabi mong nasa wedding booth ako?"

"Opo Sir. Nagalit po kasi si Sir nun nalaman nyang 'di ko kayo binabantayan."

Napatango na lang ako.

Ngayon alam ko na yung dahilan kung paano napunta si Doc Ming dito.

Sigh.

I need to do something.

Susuyuin ko si Doc Ming. For sure naman kasi galit sakin yun. Sino ba naman kasing matutuwa na makita yung asawa nila na nakikipagtukaan sa ibang lalaki.

Pero bago yan, sa tingin ko kailangan ko nang wakasan yun pinag-ugatan ng problemang 'to.

Yun mga JossYo shippers sa facebook.

Hangga't hindi kasi sila tumitigil sa paglilink sakin kay Joss, hindi matatapos ang issues.

Kailangang malaman nila na hindi na ako available for their shipping fantasies dahil kasal na ako.

Naapektuhan na kasi yung personal life ko sa mga ginagawa nila.

Kinuha ko yung phone ko at mabilis na binuksan ang facebook app.

Tulad nang iniisip ko, naka-upload na yung mga pictures namin kanina sa wedding booth.

Trending nanaman kami.

Napa-iling na lang ako habang binabasa yun mga comments sa pictures.

'Bagay na bagay talaga sila. OMG.'

'Ang ganda ni Wayo at ang gwapo ni Joss. Pair made in heaven.'

'Real na real na ang ship ng taong 2018!'

'JossYo forever ❤'

Nababaliw na ba sila?

Nag-angry emoticon ako sa mga comment nila.

Nag-comment na rin ako sa mga pictures namin ni Joss.

"Hindi po kami ni Joss. Thanks."

Kinopy-paste ko yan sa bawat pictures na makita ko. Pati sa pictures ni Joss para sa Star and Moon Competition.

Siguro naman titigil na sila pag nabasa nila yun mga comment ko.

"Sir Wayo, baka gusto nyo pong humanap muna tayo ng uupuan?" tanong ng isang guard ko sakin.

Shiya. Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala kami nakatayo dito sa harap ng wedding booth.

Busyng-busy kasi ako sa phone ko.

"Sige tara..."

Bumalik na kami sa tent ng med faculty.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon