3- Don't Call Me Beautiful

3.7K 208 226
                                    

Facebook Pages: Josswayar PH , MewArt PH

Wayo's POV

*day 3 of hazing weeks

"Ai'Yo, nood tayo ng movie after nitong meeting. Halfday lang naman tayo ngayon." Pleading yung tono ni Kit.

Nakaupo kami ngayong mga freshman dito sa bleachers at hinihintay yung mga senior hazers.

Wala kaming hazing activity ngayon pero meron daw meeting.

"Hindi pwede. Uuwi na ako after nitong meeting. Mag-eempake na kami ni Yaya Franhce ng mga gamit ko. Pinapalipat na ako ni Dad ng bahay."

Biglang napangisi si Kit dahil sa sinabi ko.

Sinuntok ko ng marahan yung braso nya.

"Ang dumi ng isip mo Ai'Kit. For formality purposes lang ang paglipat ko. Wala ng iba." Pabulong yung pagkakasabi ko.

"Masyado kang defensive Ai'Yo. Wala naman akong sinasabi pero may reason ka na agad. Yung totoo, kinoconsider mo na ba yung honeymoon nyong mag-asawa?"

Napatingin samin yung mga katabi namin dito sa upuan.

Tangina nitong si Kit eh parang megaphone yung bibig kahit kailan.

Yumuko nalang ako at nagpanggap na walang kinalaman sa sinasabi ni Kit.

Nun hindi na sila nakatingin, agad kong inirapan si Kit.

"Sorry na. Sorry na. Pero bakit kasi lilipat ka na agad? Hindi pwedeng sa weekends nalang?" Bulong ni Kit sakin.

"Pumunta yung asawa ko kagabi sa bahay namin."

"Totoo???? Anong itsura ng asawa mo? Mukha naman bang tao?"

"Hindi ko nakita. Tulog na ako nun dumating sya. Si daddy ang nakausap nya."

"Ano ba yan. Pa suspense yung asawa mo ha. Eh bakit daw pumunta?"

"Sabi ni yaya, gusto raw mag sorry sakin dahil hindi kami nag-abot sa kasal I mean sa pirmahan namin."

"Pakiramdam ko mabait yang asawa mo Ai'Yo. So anong kinalaman nun pagpunta nya sa paglipat mo ngayon?"

"Nag-usap sila ni daddy kagabi. Sinuggest daw ni dad na lumipat na kami sa mansion na binili nya para samin para maging close na kami ng asawa ko kahit papano."

"Tapos?"

"Ayun. Hindi naman daw tumutol yung asawa ko. Kaya kaninang umaga pinapalipat na ako ni dad."

"Sabi ko na nga ba excited yung asawa mo sa honeymoon."

"Gago ka talaga. I think tulad ko lang sya na tanggap yung fate namin na makasal sa taong 'di namin gusto."

"Tanggap nya kasi excited na syang tikman ka Ai'Yo."

Napadouble facepalm nalang ako dito sa bestfriend ko. Puro kagaguhan eh.

"Juniors Attention!!!" Sigaw ng head hazer na si P'Micmic.

Umayos na kami ng upo ni Ai'Kit. Andito na yung mga senior hazers.

"Juniors, sinabi namin noong firstday na kailangan nyo mamili ng representative nyo per course para sa Star and Moon Competition. Yun ang agenda natin today. Pipili na tayo ng mag rerepresent ng faculty natin sa mga nominees nyo."

Nagbulong bulungan kaming mga juniors. Hindi ko alam kung sino ang napili ng mga classmate ko.

"Lahat ng nominees per course please move forward."

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon