20- My Main Course

3.2K 182 88
                                    

Ming's POV

*before the competition

"Doctor Ming, kamusta yung mga students mo sa star and moon competition?" tanong ni Dean sakin.

"Hindi ko pa sila nakakausap Dean. Kakamustahin ko sila bago mag-start ang competition may ipapasabi po ba kayo?"

"Yes, please do. Pakisabihan sila na dapat isa sa kanila ang mag-uwi ng title. Alam mo na, yearly na lang akong talo sa bet naming mga dean. Dapat manalo naman ako this year."

Napangiti na lang ako sa sinabi nya.

"Sige Dean, I will. Mukhang malaki naman ang chance nating manalo this year dahil talk of the town ang moon representative natin."

"Sana nga. Ramdam kong mababali na natin ang 7 years reign ng Engineering faculty." abot tenga yun ngisi ni Dean.

Napatango na lang ako sa sinabi nya.

"Sige po, pupuntahan ko na sila ngayon para kamustahin." paalam ko na sa kanya.

"Sige sige."

~•~•~•~•~•~•~•~

"Good luck Nong'Kitoe. Wag kakabahan okay?"

"Salamat po doc."

Una kong nakausap 'tong star representative ng faculty namin.

"Pinapasabi pala ni Dean na galingan nyo ni Nong Joss. I-uwi nyo raw ang title sa faculty natin." pabiro yung tono ko.

"I'll do my best po Doc." confident na sagot nya.

"Good. Pero wag kang ma-pressure sa pinasabi ni Dean ha? Basta mag-enjoy lang kayo sa competition, yun ang totoong mahalaga."

Ngumiti ako sa kanya pagkasabi ko nyan.

"Sige nong iwan na kita ha? Iche-check ko pa kasi si Joss sa kabila."

"Sige po Doc."

"Goodluck ulit."

Naglakad na ko palabas  dito sa waiting room ng mga star candidates.

Pumunta ako sa kabilang room kung nasaan ang mga moon candidates.

Hindi ko nakita si Joss pero nakita ko si Wayo na nakaupo mag-isa sa gilid.

Busy sya sa phone nya kaya 'di nya namalayan na nakalapit na ako sa kanya.

"Bakit mag-isa ka dyan? Asan yun mga kasama mo?"

Medyo nagulat pa sya nun makita nya akong nakatayo sa harap nya.

"Umalis po silang lahat at iniwan ako dito para mag-bantay ng mga gamit."

"Eh yun mga guards mo, nasaan?"

Napangiti na lang si Wayo na para bang sinasabi na 'lagot na, nahuli ako'.

"Pinapwesto ko na sila sa audience. Hehehehe."

Napa-iling na lang ko then ginulo ko yung buhok nya.

"Lagot ka talaga sakin mamaya."

Mabilis na namula yun pisngi nya dahil sa sinabi ko.

Ang cute talaga nitong asawa ko eh.

Kung wala lang ibang tao dito sa waiting room, malamang hinalikan ko na sya.

"Ano palang ginagawa mo dito Doc?" pagbabago nya sa usapan.

"Kakamustahin ko sana yung boyfriend mo." biro ko sa kanya.

Mabilis nyang hinampas ng marahan yun tagiliran ko.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon