33- Can I Have This Dance?

2.7K 247 595
                                    

Qm's Note: 150 votes + 250 comments for next update. (para mapahinga naman daw utak ko haha.)

Wayo's POV

Pakiramdam ko ay malapit na akong lagnatin dahil sa sobrang init ng pisngi ko ngayon.

Pagkasabi kasi ni Ming sa stage na mahal nya ako ay tumapat sakin ang spotlight at nag-sigawan lahat ng mga tao dito sa event hall.

Nakakahiya! For sure ay tawang-tawa ang lahat sakin dahil nangangamatis nanaman ng pisngi ko.

Ano nanaman ba kasi ang trip ni Ming at ako nanaman ang napagdiskitahan nya?

Kung ako pa sana yung Wayo from 10 years ago ay baka nangingisay na ako sa kilig ngayon, kaso hindi eh.

Alam kong he's up to something kaya nya 'to ginagawa.

Buti na lang at maikli ang speech nya kaya nawala na rin agad ang spotlight sakin.

Pagbalik ni Ming sa table namin ay may karga-karga na syang bata.

Naka-suot at bow tie yung bata gaya ng suot nya.

Maya-maya ay binaba at pinalapit nya sakin 'to.

"Bank, nakikilala mo ba sya?" tanong nya sa bata.

Tinignan ako nun bata na para bang hindi sya makapaniwala na nasa harap na nya ako.

I can't help but to smile at him. He reminds me of Oreo ten years ago. Magkamukha sila pero mas sharp ang features nitong si Bank.

"Mommy Yo!? Umuwi ka na pala? Salamat po sa gifts tuwing birthday ko!" inakap ako nun bata.

Ako naman natameme sa mga sinabi nya. Anong nangyayari?

Kung hindi ako nagkakamali ay sya ang kapatid ni Oreo pero bakit kilala nya ako?

Ay ewan! Bahala na nga.

Kahit wala akong maintindihan ay niyakap ko na lang din pabalik ang bata para 'di sya mapahiya.

"Yup, naka-uwi na ako. Sa wakas at nagkita na din tayo baby Bank." pagsakay ko sa mga tanong nya.

After nyang yumakay ay tinitigan nya ulit ako sa mukha.

"Mommy Wayo ang ganda-ganda at ang puti-puti mo po pala sa personal."

Now that caught me off guard.

Hindi talaga marunong magsinungaling ang bata. Haha!

Pero nakakagulat talaga ha, kanina naman kaya sya nagmana? May Oreo or kay Ming?

Pare-pareho sila ng tingin sakin eh.

"Ikaw naman sobrang cute at gwapo tulad ng kuya Oreo mo."

"Mana sakin syempre." sabat naman ni Ming.

Agad ko naman syang tinapunan ng tingin at tinaasan ng kilay.

Ngumisi lang sya sakin.

"Sige na Bank, bumalik ka na sa nanny mo. May mga work pa kaming gagawin ng mommy mo."

"Okay po dad."

Tatakbo na sana paalis si Bank pero bigla syang natigilan at tumungin sakin.

"Mommy Yo, titira na rin po ba kayo sa bahay natin?"

Again, natameme nanaman ako sa tanong nya.

"Yes he will." si Ming na ang sumagot.

"Yehey!" masayang umalis si Bank dahil sa sinabi ni Ming.

You're Mine Eternally (2 Moons Re-imagined)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon