isang oras ng nag lalakad ang dalawa pero tahimik parin at walang nag sasalita.
ng biglang kumalam ang sekmura ni mephisto at tumawa.
"gutom na ko fade" nakangiting sinabi ni mephisto kay fade.
"kaya ba mainit ang ulo mo" tanong ni fade kay mephisto.
sinagot lang ni mephisto ng tango ang tanong ni fade natawa narin si fade.
"kaya pala ayaw mong mag salita gutom ka" dagdag pa ni fade na tanong nya kay mephisto.
"tara kain na tayo" nakangiting pag aya ni mephisto kay fade.
lumakad pa silang dalawa ng kaunti at may nakitang bahay.
"doon tayo fade" nakangiting sinabi ni mephisto sa kasama.
pumunta si mephisto sa bahay na nakita at binuksan ang pintuan.
sa loob ay may tatlong zombie ang nakatayo ngumiti si mephisto at sumipol.
humabol ang mga zombies kay mephisto kitang kita ni fade ang isa isang lumabas ang mga zombies.
kumindat si mephisto alam ni fade ang gusto nitong mang yari kaya naman pinalo ni fade ang isa sa zombie sa ulo gamit ang wood axe na napulot nilang tatlo sa bahay.
patay ang unang zombie dahan dahan namang sinunod ni fade ang pangalawang zombie.
hinampas nya rin eto sa ulo bagsak gaya ng nauna naka ngiti parin si mephisto na nakatayo nalang sa di kalayuan.
nagulat si fade ng biglang sipain ni mephisto ang zombie sa tuhod na nag pa luhod dito at sabay sipa sa ulo nito.
malakas ang pag sipa ni mephisto sa zombie na naging dahilan ng pag higa nito.
tinapos ni mephisto ang huling zombies sa pamamagitan ng pag saksak ng bokken sa ulo nito.
"tara kain na tayo" nakangiting sinabi ni mephisto kay fade at pumasok sa bahay.
"sino ang kasama ko" takot na tanong ni fade sa sarili.
dahil ibang iba ang mephisto na kasama nya ngayon sa mephisto.
pumasok si fade sa bahay kung saan pumasok si mephisto dito nakita nyang nakangiting kumakain ang kasama nya sa pag kuha ng bus.
"kain kana bilis" nakangiti na alok ni mephisto kay fade.
kaya umupo si fade sa harap ni mephisto at tinitigan eto.
"puwede bang mag tanong" seryosong tanong ni fade kay mephisto.
"ano un" tanong ni mephisto.
"may nararamdaman kaba ngayon" seryosong tanong ni fade kay mephisto.
napangiti lang si mephisto kay fade at sabay baba ng kinakain.
"akala ko kaya kung itago sayo" nakangiting sagot ni mephisto sabay bagsak pahiga.
napatayo si fade at lumapit kay mephisto na ngayon ay nakahiga sa sahig.
"grabe ang init mo nakagat ka ba" tanong ni fade pag tapos hawakan si mephisto sa ulo.
"hindi nung isang araw pa masama ang pakiramdam ko" sagot ni mephisto habang malalim ang pag higa.
napa isip si fade kung anong gagawin nya dahil alam nyang hindi papayag si mephisto na bumalik sila sa mga kasama nila.
binuhat ni fade si mephisto at hiniga sa sofa.
"dito ka lang babalik ako" utos ni fade kay mephisto dahil ang naisip nyang paraan ay ang kumuha ng sasakyan nila ng mag isa.
naiwanan nakahiga si mephisto si fade naman ay lumakad na para humanap ng masasakyan nila.
BINABASA MO ANG
Dead of Time
HorrorIsang experimento ang nag lagay sa sanlibutan sa mapanganib na sitwasyon at iilang tao lang ang nabuhay sa isang bansang dati ay masaya at masigla ating sundan ang pakikipag labang ng mga natitirang tao para mabuhay