Kids at Heart
"Wow naman 'Nay, namiss ko tong luto mo!" napatawa naman si Nanay sa sinabi ni Lu-lu. Well, kahit kami ay natawa. He looks like someone who didn't eat for ages.
Nakangiti si Nanay habang pinapanood kami kumain. "Mukhang wala pa rin kayong pinagbago. Malalakas pa rin kayong kumain."
I won't lie and deny that. Alam ko sa sarili ko na malakas ako kumain, even before. Kung tutuusin ay kayang-kaya ko makipagsabayan sa kanila. Like what everyone says, I have an appetite similar to that of a man. Isa pa, ikaw ba naman hainan ng lahat ng paborito mong pagkain, hindi ka gaganahan?
Apparently, Nanay prepared everything. Mula sa appetizer upto desserts. Alam na alam niya kung ano ang mga gusto namin. And it didn't change even as time passed. Mukha ngang may fiesta sa harapan namin e.
"Ngayon na lang ulit umingay ng ganito dito." nilingon namin si Tatay, kahit siya ay nakangiti at parang aliw na aliw sa amin. "Masaya akong makita kayong muli, lalo ka na, Señorita."
"Namiss ko rin kayo dito, Tay, kaya dinala ko na rin po sila." turo ko dun sa tatlong itlog sa harapan ko.
They all glare at me. "Anong sinama? It's more like kidnap and blackmailing to me." inis na sabi ni Damon na nagpatawa kina Nanay at Tatay. Tsk. Ibuking daw ba.
I roll my eyes at him. "Not my problem na mahirap kayong kausap. Kaya kung hindi madaan sa santong usapan, why not use violence and force?"
If looks could really kill, kanina pa ko nakalibing. It didn't help that they all hold a fork in their hands. Parang ano mang oras may lilipad yun sa akin.
But the staring contest didn't last long. Dahil sa malakas na tawanan nina Nanay at Tatay ay napalingon kami sa kanila. Takte. Naging clown pa tuloy kami.
"Wala nga talagang nagbago sa inyo." natatawang sabi ni Tatay.
"Para pa rin kayong mga bata, mga hijo at hija." naiiling naman si Nanay. "Lumaki at tumanda lang kayo."
————
It took us hours bago kami natapos kumain. Na sinamahan pa ng kwentuhan at bangayan namin. Busog na busog kaming tatlo. Pakiramdam ko nga ang laki na ng tiyan ko e. And I won't be surprised kung may dumagdag sa timbang ko after this. Nagpresinta naman kaming maghugas kaso, hindi pa man kami nakakatayo, inagaw na nung mga maids yung mga plato sa amin. Wala rin kaming nagawa dahil sinamaan kami ng tingin ni Nanay. Well, she's in charge.
And here we are, sa may patio sa dulo ng garden sa likod ng bahay. Dito kami dinala nung isang maid at sinabihan na magpahinga na lang muna habang hinahanda yung mga kwarto namin since medyo biglaan yung dating namin.
This garden is a gift from Dad to Mom on their first wedding anniversary. Hindi man halata, but Mommy loves flowers lalo na ang mga roses kaya gumawa si Daddy ng garden of roses dito sa likod ng mansyon. It's more like a maze of roses at nasa dulo nito ang patio. Na siyang dati naming playground.
The patio is circular in shape with a mini glass table in the middle and chairs. Meron din siyang hanging bench na pwede mong gawing swing kung gusto mo. Specialize talaga ito kung gusto mo magsiesta o magpahinga. Because on the other side is a view of a wide field and a forest. And sa dulo nung forest na iyon ay may cliff na tanawan ang city. It was a perfect romatic view at night. Mahangin din dito at malilim dahil nasa tabi nito ng isang Narra tree. Napapapikit na lang ako sa antok. Ang tahimik kasi ng lugar e.
BINABASA MO ANG
I'm Lucifer's Wife
Ficção AdolescenteA man who can get everything he wants in just a snap except for one thing that he wanted all his life. A woman who has everything but the one thing that matters to her most, her freedom. A past. A promise. And a chance meeting. Will emotions long fo...