CHAPTER 2:
Karga karga ako ni papa habang papunta kami ng kotse. Si mama naman, hawak hawak si Yoongi sa kamay. Umiiyak lang ako sa balikat ni papa habang karga niya ako. Nakapasok na kami ng kotse at umupo na ako sa tabi ng bintana at tinabihan rin naman ako ni Yoongi.
Pinunasan ni Yoongi yung luha ko, "Bakit mo kasi kiniss si Seulgi? Hindi naman siya maganda." Sabi ni Yoongi kaya sinaway siya ni mama.
"Yoongi, bad yan!" Sabi ni mama sa kaniya pero hindi siya pinansin ni Yoongi. Binigyan ako ni Yoongi ng candy para tumahan na ako.
"Wag mo na ulit kiss si Seulgi." Sabi ni Yoongi saka lumapit sakin para bumulong, "Hindi siya maganda kaya wag mo ikiss."
Nagdrive na si papa pauwi at tumahan na ako sa pag-iyak. Hindi ako nakakain ng maayos dahil doon sa nangyari. Pati si Yoongi muntik na ring umiyak nung nakiss ko si Seulgi kasi hindi naman daw maganda si Seulgi kaya hindi ko dapat kiniss.
Umakyat na kami ni Yoongi sa kwarto namin nung dumating na kami sa bahay. Nakaupo lang ako sa kama habang nagpapalit naman ng damit si Yoongi. Pumasok si mama sa kwarto dala yung gatas namin at pinainom niya muna kami ng gatas para daw tumangkad kami.
"Magbihis ka na Suga bago ka matulog, ha?" Sabi ni mama kaya tumango ako. Lumabas na si mama at nagpalit na ako ng damit.
Humiga naman na si Yoongi sa kama at hinintay akong matapos magbihis. Umakyat na ako sa kama pagkatapos kong magpalit ng damit at tumabi kay Yoongi.
"Suga." Pagtawag niya sa pangalan ko, "May kwento ako sayo."
Tinignan ko si Yoongi at hinintay siyang magsalita, "Kanina nung hinahanap kita, may nakita akong babae tapos kaedad lang natin siya. Hinahanap niya yung babaeng kasama mo kanina sa ilog."
"Si Gabrielle?" Tanong ko.
"Yun ba yung pangalan nung babaeng kasama mo?" Tanong niya kaya tumango ako, "Hinahanap siya ng pinsan niya sakin pero hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko na lang pinansin yung bata. Tapos kasama mo pala siya."
"Paano mo nalaman na siya yung hinahanap?"
"Sinabi niya yung suot na damit." Sabi ni Yoongi, "Magsorry ba dapat ako? Kasi hindi ko siya tinulungan?"
"Paano ka magsosorry? Alam mo ba pangalan niya?" Tanong ko. Umiling si Yoongi saka siya huminga ng malalim. Tinignan ako ulit ni Yoongi saka sinabing, "Wag na nga. Hindi ko naman na ulit makikita yon. Tulog na tayo."
Nagkumot na si Yoongi saka tumalikod sakin. Hinatak ko yung kumot saka kinumutan yung sarili ko nung humiga na rin ako. Tama, hindi na rin naman namin sila makikita.
Nagising na lang ako nung may ingay akong narinig. Dumilat ako saka umupo at nakita ko si mama at papa na may suot na party hat at may hawak silang "Happy Birthday Min Twins!"
Niyakap kami ni mama at papa pagkatapos nila kaming kantahan ng birthday song. Tinignan ko si Yoongi na kakagising lang at masama yung tingin kay mama at papa dahil nag-ingay sila.
"Thank you po mama at papa." Sabi ko sa kanila. Lumapit sakin si papa at kinarga nya ako. Kiniss ko naman sya sa pisngi at inagaw sa kanya yung party hat nya.
Napatingin ako kay Yoongi na umiiyak kasi kinarga sya ni mama. Ayaw na ayaw pa naman ni Yoongi na ginigising sya.
"Tulog pa ako." Sabi ni Yoongi habang umiiyak at tinuturo yung kama. Binaba naman sya ulit ni mama para makatulog pa ulit sya.
BINABASA MO ANG
Behind The Lies | yoonmin
Fanfiction"Because behind the lies, there is a truth that is waiting to come out." Book 3: Behind The Lies | yoonmin written by: chimchimeeen