CHAPTER 12

281 25 3
                                    

CHAPTER 12:

I have two days to think.

I know I already pushed him away and he's probably crying right now because of me. Pero merong parte sakin na gustong makilala si Jimin. May parte sakin na iniisip kung anong mangyayari kung pipiliin kong magpanggap bilang si Yoongi.

"Kanina mo pa pinatutugtog 'yan ha. Medyo naiirita na ako, medyo lang naman." Sabi ni Alys kaya napatingin ako sa kaniya. May pupuntahan kasi kaming meeting ngayon sa isang magazine company pero hindi ako mapakali habang pinatutugtog yung kanta ni Jimin.

"Then listen to something else." Sabi ko sa kaniya. Tinignan ako ni Alys at huminga siya ng malalim, "Alam mo, ayaw ko sanang magsalita pero gusto ko talagang magsalita kaya magsasalita na ako." Sagot niya kaya napakunot noo ko.

"Okay?" I said, confused.

"What the hell is happening to you? Ever since Yoongi died, everything about you becomes suspicious. Gusto mong mag-aral bigla sa isang university pero you told me months ago that you want to do an online course. You're doing great in New York then you suddenly want to live here. Everything about you is contradicting."

Hindi ako nakasagot kay Alys. Ako rin... naguguluhan. Ayaw kong lokohin si Jimin pero gusto kong malaman kung anong mangyayari. Gusto kong maging totoo sa sarili ko pero hindi ko pa rin alam kung bakit ba ako nandito ngayon.

Magsasalita na sana ako kaso nakarating na kami sa meeting place, "Let's talk about this later." Sabi ni Alys at lumabas na ng van. Lumabas na rin ako at sinundan ko si Alys papasok nung building.

Nagsimula na rin naman yung meeting pagdating ko pero mostly, si Alys ang sumasagot para sakin habang ako naman ay tinitignan yung social media accounts ni Jimin.

Kinakagat ko lang yung daliri ko habang nagbabasa basa ng tweets niya. Tama nga ako dahil mukhang heartbroken talaga siya.

Jimin @_parkjimin: All I ever want is to love you. Why can't you accept my heart?

Replying to @_parkjimin:

Pogi @Kim_TaehyungXD: Iinom na lang natin yan!

Sino naman 'tong Kim Taehyung XD na 'to?

Nagsoscroll lang ako sa twitter ni Jimin nung nakita kong may bago siyang tweet. Video 'yon at parang nasa isang club sila nung mga kasama niya.

"Hobi lasing!" Narinig kong sigaw sa video at nakita ko si Jimin sa background na tinutungga yung isang bote ng whiskey.

Nakatitig lang ako sa tweet ni Jimin at nakita kong nilagay niya yung lugar kung saan 'yon nangyari. Nagnotif naman sakin na nag-live si Jimin kaya pinindot ko 'yon.

Nandoon sila sa club ngayon at umiinom siya. Nagulat ako nung biglang na-like yung live kaya napatingin ako kay Alys na nakatingin lang sakin.

"Why did you do that?" Tanong ko sa kaniya at napaangat ako ng tingin sa kausap ni Alys na nakatitig lang sakin.

"Because you're not paying attention." Sabi niya. Tumayo na ako saka kinuha yung jacket ko na nakapatong lang sa katabi kong upuan.

"Yeah, you can take care of that. I'm going now. Bye!" Sabi ko saka nagmadaling umalis sa room. Narinig kong sinigaw ni Alys yung pangalan ko pero bahala siya diyan.

Bumaba ako ng building at pumara ng taxi. May huminto naman sa harapan ko kaya sumakay na ako agad at sinabi ko yung pangalan ng club kung nasaan sila Jimin.

Behind The Lies | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon