CHAPTER 11:
"May girlfriend na siya?" Paulit ulit kong tanong sa sarili ko habang paikot-ikot ako sa hotel room ko. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis sa iniisip ko.
"What do I do?" Tanong ko habang kinakamot yung ulo ko. I don't know what to do or what to say. Sabihin na nating may girlfriend siya, it's a good thing right? Pwedeng sabihin ko na lang sa kaniya yung nangyari kay Yoongi at ibigay yung letters. That's it.
"Should I just give it and go back? What about Yoongi? Anong gagawin ko?" Tanong ko na naman sa sarili ko. Muntik na ako matumba nung may kumatok sa pintuan.
Sumilip muna ako kung sino at nakita ko si Alys na nakakunot yung noo at cross arms. Binuksan ko yung pintuan at pumasok naman siya, "What do you need?" Tanong ko.
Umupo siya sa sofa, "Kailangan mong pumunta sa Coex bukas. May rehearsal kayo." Sabi niya. Binuksan niya yung fridge ko at kumuha siya ng root beer.
"Pwede mo naman akong itext?" Tanong ko. Kausap ko pa kaya sarili ko.
"I'm your manager. You don't tell me what to do. That's my job." Sabi niya saka dumiretso sa pintuan at kumaway sakin. Alam kong gusto lang niya kumuha ng pagkain sakin.
Umiling na lang ako saka humiga sa kama. Gusto ko sanang matulog kaso hindi ako pinapatulog ni Jimin kaya kinuha ko yung phone ni Yoongi at inistalk si Jimin.
Puro shared posts lang naman yung laman nung facebook ni Jimin. Yung pang-heartbroken na quotes yung shinishare niya. Wala naman akong nakitang picture na may girlfriend siyang kasama.
Wait... kung may gusto siya kay Yoongi— edi boyfriend pala dapat hinahanap ko at hindi girlfriend? Eh sino yung babae kanina?
May nakita akong picture ni Jimin na may kasamang lalaki. Tinignan ko yung profile nung Jeon Jungkook at marami akong nakita na pictures nila ni Jimin pero ilang taon na nakakalipas. Mukhang jejemon pa silang dalawa sa pictures.
Nagulat ako nung may nag-pop up na notification galing sa messenger. Nakita ko yung pangalan nung Jungkook kaya bigla akong kinabahan.
Jeon Jungkook: Hoy, napanuod kita sa tv. Nandito ka na sa Korea? Magaling ka na? Musta ka na?
Nakakunot lang yung noo ko habang binabasa yung chat nung Jungkook. Sino nga ulit 'to? Kaibigan ba 'to ni Yoongi? Nagscroll ako ng kaunti sa message nila at nabasa ko yung chat niya na pinapaubaya na niya si Jimin sa kapatid ko.
So, nagkagusto siya kay Jimin? Naging sila kaya?
Min Yoongi: Hey, ayos lang ako. I'm back now. Healthy as a horse. See you soon!
Nanginginig pa ako habang nagrereply sa kaniya. Pinatay ko na yung phone ni Yoongi dahil baka kung ano pa yung masabi ko at mabuking ako agad na hindi ako si Yoongi.
Saka, hindi ba ako nabanggit ni Yoongi kahit isang beses sa kanila? Wala silang idea na may kambal si Yoongi o hindi kaya, hindi ba nila ako nakita noon kahit sa magazine, billboard o sa tv man lang?
I guess, Yoongi doesn't want them to know about me huh.
Napatingin ako sa phone ni Yoongi nung umilaw 'yon. Binasa ko yung message ni Jungkook at hindi na ako nagreply pa kasi hindi ko nagets yung sinabi niya.
Jeon Jungkook: Healthy as Hoseok?
Nakatulog na rin naman ako at nagising na lang ako dahil sa katok ni Alys. Naligo na rin ako agad paggising at umorder ng pagkain ko which is salad.
![](https://img.wattpad.com/cover/130443794-288-k25700.jpg)
BINABASA MO ANG
Behind The Lies | yoonmin
Hayran Kurgu"Because behind the lies, there is a truth that is waiting to come out." Book 3: Behind The Lies | yoonmin written by: chimchimeeen