CHAPTER 5
"New model?" Napatingin ako sa isang babae na matangkad at kulot yung buhok. Maayos din yung pananamit nya at kung titignan, para syang isang designer.
"Yes." Alys replied. Tinitigan ako nung babae mula ulo hanggang paa na para bang hinuhusgahan ako.
"He doesn't look like one." Sagot nung babae saka ako ningitian. Napakunot yung noo ni Alys at napayuko naman ako.
Siguro nga hindi ako bagay sa field na 'to. Napilitan lang naman ako... para kay Yoongi. Ginusto ko bang mapunta dito?
"He maybe doesn't look like one of your models but I believe that he can do great in this industry." Sabi ni Alys saka ako hinarap sa babae, "Remember his face, Hannah. He'll be one of the top models someday. So make sure that you remember his face, alright?"
Ningitian ni Alys si Hannah at pagkatapos non, hinatak na nya ako. Kakain pa naman kaming dalawa ngayon dahil kakatapos lang ng training ko pero parang wala na akong gana dahil ininsulto ako.
"Paano ka naman nakakasigurado na magiging isa ako sa top models? Bago pa lang ako dito, pinapalaki mo na ulo ko." Sabi ko sa kanya kaya bigla nya akong binatukan. Napasigaw ako sa ginawa nya kaya tinignan ko sya ng masama.
"Lumaki yung ulo mo dahil doon? Sinabi ko yon para ma-pressure ka at hindi yumabang." Sabi ni Alys saka ako inunahan na maglakad. Tumakbo ako para sabayan sya habang kinakamot yung parte ng ulo ko na binatukan nya.
"Bakit ba pinili mo ako? Tama naman yung sinabi nung Hannah na hindi ako mukhang model kaya nagtataka rin ako kung bakit mo ako kinuha." Sabi ko habang naglalakad kami papunta sa isang restaurant.
"Hindi man halata sa mukha mo na isa kang model pero unang tingin ko pa lang sayo, alam ko na magiging magaling ka sa field na 'to."
"Paano ka naman nakakasigurado dyan? Manghuhula ka ba o kaya nakita mo na yung future ko?" Tanong ko sa kanya. Tinaas ni Alys yung kamay nya at aamba na sanang batukan ako pero naglakad agad ako palayo sa kanya, "Nagbibiro lang ako."
Tinignan muna nya ako ng masama bago sumagot, "Magiging magaling ka sa field na 'to dahil meron kang dahilan. Yung pamilya mo. Si Yoongi. At yung babaeng nag-aabang satin sa restaurant." Sabi ni Alys kaya napakunot yung noo ko.
Napatingin ako sa restaurant na nasa tapat na pala namin at nakita ko si Gabrielle sa loob habang kumakaway sakin. Napangiti agad ako at pakiramdam ko lahat ng pagod ko nawala.
"Parang kanina lang nakasimangot ka pero ngayon parang mapupunit na yung labi mo." Sabi ni Alys habang umiiling pa. Pumasok na kami sa restaurant at pinuntahan ko agad si Gabrielle.
Niyakap naman nya ako agad bago kami umupo. Magkatabi kami ni Gabrielle at katapat naman namin si Alys.
"Bago kayo magharutan sa harapan ko, umorder muna tayo." Sabi ni Alys. Nasa isa kaming steak house at sobrang saya ko kasi makakakain na ulit ako ng steak.
"T-bone sakin. Medium rare." Sabi ni Gabrielle kay Alys. Tinignan ko yung menu na hawak ni Gabrielle at parang gusto ko rin yung T-bone part.
"Ganon din order ko, Alys." Sabi ko kay Alys pero bigla nya akong tinaasan ng kilay.
"Sinabi ko bang pati ikaw kakain ng steak?" Mataray nyang tanong sakin.
"Bakit pa tayo pumunta dito kung hindi mo lang rin naman pala ako papakainin ng steak?" Tanong ko sa kanya habang nakataas rin yung kilay ko.

BINABASA MO ANG
Behind The Lies | yoonmin
Fanfic"Because behind the lies, there is a truth that is waiting to come out." Book 3: Behind The Lies | yoonmin written by: chimchimeeen