Chapter 02

222 7 0
                                    


"Oh my god bhes!" Nanginginig na saad ni Ivonie habang kapit na kapit sa braso ko. Sa kabila naman si Rosciel.

"Ano ba, bitawan niyo nga ako! Hindi ako kapitan! Makakapit kayo, wagas. Walang mangyayaring masama saatin, naiintindihan niyo!?" Pangaral ko sa dalawa. Nahagip naman ng paningin ko si Ivee na nakakapit rin sa braso ni Jeremey. Si Kristian at Chan naman parehong magkahawak sa braso at nakatitig lamang sa pintuan. Halos lahat kami may nakapitan. Hinanap ko si Lily.

"Nasan si Lily?" Tanong ko.

"Nandito ako." Tumingin ako sa direksiyon kung saan nanggaling yung boses niya. Nakita ko siya sa may di kalayuan sa tabi ko.

"Good." I said. Magkasama sila ni Trisha. It's good and better kung magkasama sila besides, they have the same situation.

Naghintay lang kami or I should say nakatingin lang kami sa pinto habang hinihintay na tumigil ang kumakalampag dito.

Di kalaunay tumigil din ito. Ilang minuto pa ang lumipas bago kami nagkapalagayan.

Lumapit ng dahan dahan si Bryan sa may bintanang katabi nito at hinawi ang kurtina para makasilip sa labas. Sumunod naman si Kristian.

"Guys..." wika ni Kristian. Sumunod sa kaniya si Jackie. Pumangalawa naman si Ivee, pumangatlo pa si Ivanne at sumunod si Laarni and so on. Lahat na sila nagsipag silip sa bintana.

"Ano guys, tutunganga nalang ba tayo rito!? Hindi ba tayo gagawa ng paraan para makaalis dito!?" Wika ni Bryan.

"Nagugutom na ako!" Saad ni Ivee.

"Subukan mong kumain ng tao, mapapatay kita, makikita mo!" Sagot ni Chan sa kaniya.

"Kagrabe naman niyan! As if kaya kong kumain ng tao! Puwede sana kung luto pero kung fresh rin lang---eww kahit huwag na!"

"Nakakasuka ka!" Sagot ni Irish sa kaniya. Tinaasan lang ni Ivee si Irish ng kaliwang kilay sabay irap dahilan para tumawa ito---kami.

"Grabeh! Nagagawa niyo pa talagang tumawa ano!? Ang lakas talaga ng loob niyo kahit kailan!" Wika ni Clifford.

"Tol, easy lang..." sabi ni Glendel sabay patong sa balikat ni Clifford.

"Ikaw kung gusto mong magluksa, ayos lang naman" sagot ko sa kaniya. Then I saw him smirked. Napakamainitin talaga ng ulo nito! Ang sarap pasungalngalan! Buwisit!

"Guys, atras nga muna kayo, lumayo kayo sa pintuan at bintana. I'm going out to check the sorroundings. If ever man na manganganib ako, you better close the door immediately. Ayokong may madamay pa kapag tutulungan niyo ako o hihingi ng tulong. As your president, I'm going to do what I think that is right. Understood?" Wika ni Ivanne. Makikita mo sa hitsura niya ang pagkaseryoso at determinado siya sa gagawin niya.

"Pero hindi ba masyadong delikado yang plano mo? Ano yun magsasakripisyo ka? Isipin mo naman, baka nakakalimutan mo'ng may Laarni'ng nagaalala sa'yo!?" Pangaral ni Jackie. Tumungo si Ivanne at nag gesture ulit na yung parang magcocover sa pagubo.

"Ivanne..." wika ni Laarni. Tumingin naman si Ivanne sa kaniya.

"Trust me...walang mangyayari saaken" sabi ni Ivanne as if nagtanong si Laarni sa isipan niya at sinagot ito. Ibang klase rin 'tong lovebirds namin.

"Isa pa, ba't naman namin isasara yung pinto agad agad kung may chance ka pang makapasok?" Wika naman ni Wendell. Well, tama rin naman siya. Grab the chance kung baga??

Lumayo naman ang nga kaklase ko sa bintana. Dahan dahang binuksan ni Ivanne ang pinto ng walang nagagawang ingay. Sumilip muna siya bago siya tuluyang lumabas. Iniwan niyang bukas ang pinto at tinanaw sa ibaba ng building na ito. Nagtungo siya sa katabi naming room. At dahil gusto kong makita kung anong sunod na mangyayari, umalis ako sa puwesto ko at sumunod kay Ivanne. Bago pa man din ako makalabas ay binilin ko sila.

The Student Of 10-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon