Chapter 06

135 4 0
                                    

Chan's POV

(-__-) TSS!--AHY! Joke. Hi!!(^___^)//
Hahaha...buwisit na author yan! Bakit daw ngayon ngayon lang ako nagka POV sa dami ng mga nangyari! Wala talaga siyang alam!

(A/N:Grabe siya oh😯)

"Hoy! Ano ba, magtira naman kayo! Alam ko ah mga patay gutom kayo, 'wag ipahalata! Lalo ka na Aybee!" Sigaw ko kay Ivee na kanina pa bukas ng bukas ng tinapay. Isa pa'tong si Jeremy eh, nakikiubos!

"Kagrabeh naman niyan Chan. Eh sa gutom na gutom na nga ako eh! Papansin." Wika niya. Inirapan ko nalang siya at baka may magawa pa ako sa impakta'ng 'to, masira pa'ng ganda ko! Iuntug ko kaya 'to no? Palibhasa di naglunch eh.

Anyways..grabe di talaga ako makapaniwala sa nangyayari ngayon. Imagine? Zombie? Seryoso? Mga walang modo. Mga walang alam. Mga lutang! Naglalakad na nakatingala? Ang lupit!

Hindi hindi ko talaga makakalimutan yung time kanina sa school! Grabe! Ganto kasi yun eh...

Flashback:

Nakalabas na kami ng room at dahan dahan kaming naglakad at sumilip sa section B. Mukha yata'ng nakapansin ang ilan sa kanila kaya nagsipag tingin na silang lahat samin at nagsimula nang sumugod.

"Aaaaaaahhh!!!!" Sigaw ng iba naming kaklase. Dali dali kong sinangga yung isang zombie. Lapit na lapit yung mukha ng zombie saaken at halos mahilo na ako sa BAHO ng walanghiyang hininga niya! Amputik buti nagawa ko pa siyang sipain sa tiyan dahilan para makalayo siya, takte!

Ipinasungalngal ko sa kaniyang bibig yung hawak kong kahoy nung akmang susugod pa ulit siya.

" 'yan eh! 'yan ang nababagay sa'yo! Walang hiya ka! Akala mo mabango yang hininga mo!? Feeling mo nakapag mouthwash ka with menthol ha!? ha!?" Pasigaw na sabi ko sa kaniya habang idinidiin papasok sa lalamunan niya yung kahoy. Nung mapagod na ako sa kakapasungalngal sa kaniya ning kahoy ay agad ko itong tinanggal sa bibig niya at hinampas na ng tuluyan yung ulo niya.

"Weak ka pala eh! Akala mo kaya mo akong talunin ha! Pwe!" Pagkasabi ko nun ay nahagip ng magaganda kong mata si Laarni na halos hindi na makagalaw sa kinatatayuan niya.

Ano ba 'yan hindi panahon ngayon para tumanganga Laarni!

Tumungo ako sa kinaroroonan niya pero bago yun ay hinampas ko ulit yung isang zombie na lumundag sa tabi ko na kamuntikan ng makagat ako.

"Punyeta ka! Lulundag ka na nga lang saakin sablay pa!, diyan ka na nga!"

Pinagmasdan ko ng mabuti si Laarni. Hirap na hirap na siya sa pagddefense kaya hinila ko na yung zombie saka ito hinampas sa ulo---sa pagkagaling ba naman umiwas, sa panga siya natamaan. Nakatingin siya sa may kaliwang gawi dahil sa paghampas ko at unti unti naman siyang tumingin sa direksiyon namin. Oh my goodness! Feeling niya ang ganda ganda niya? Kung makaharap effect feeling niya artista? Duh! helloww! ang sagwa kaya ng hitsura niya! Hinampas ko ulit siya sa kaniyang ulo but this time sinigurado kong sa mismo nitong sentido tatamaan.

" 'bat mo ginawa yun!?" Pangaral niya saken matapos kong mapatay yung zombie. Kilala kaya niya ito?

"Bakit mali ba?" Kalmado kong sagot. Hindi ko alam pero bigla akong naawa kay Laarni. Sunod sunod kasi ang pagpatak ng kaniyang luha sa kaniyang pisngi. Napaluhod siya sa sahig kaya agad ko siya inalalayan.

"Sorry..." wika ko. Ulang minuto rin ang lumipas nung umunti na ang mga zombie at kami kami na rin ang natira.

End of flashback.

"Ano nasabi mo na?" Napatingin ako kay Trisha na kapapasok lang niya ng Van.

"Yeah. Nandun, naghahanda palang pala sila...

The Student Of 10-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon