Ivanne's POV
"Anak..." wika ng isang pamilyar na boses saaken. Lumingon ako sa pinagggalingan ng boses na yun.
"Dad..." saad ko nung makita kong siya si Dad.
"Daddy!" Sigaw ko at napayakap sa kaniya.
"Where's mom?" Takang tanong ko. Umiwas siya ng tingin at hinawakan ako sa kaliwang braso ko. Bakit parang may dapat akong malaman?
"Later, I'll explain to you. For now, you should rest. We'll talk later, son." Saad niya. Nagtungo ako sa tabi ni Laarni at umupo. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Pero para mawala yung kaba ko, tinignan ko nalang si Laarni. Buti nalang sa isang ngiti nito, nagbabago mood ko.
"Kumpleto ba? Nakasakay ba lahat?" Pambabasag ng katahimikan ni Jackie. Inilibot ko ang paningin ko at binilang sila.
Mula kay Fhrean,Ivonie,Rosciel, Lily and her little brother, Emelene,Khristian, Chan, Rose, Megan, Jackie, Ivee, Jeremy, ako at si Laarni.
"Kumpleto.. " saad ko. Naramdaman kong sumandal si Laarni sa balikat ko. Hinayaan ko naman iyon.
"Buti ka pa meron ang dad mo, saken hindi ko alam kung buhay pa sila." Ika niya. Nayakap ko siya ng di oras. Yeah, I may have dad but I want mom. And now, I dont know if she's...ugh! Forget it.
"Sa'n ba tayo pupunta?" Tanong ni Ivee. Napatingin ako sa harap kung saan si Dad.
Tumayo ako para sana puntahan si Dad ang kaso naglalakad na siya patungo sa amin.
"Dad," I called. "Sa'n tayo tutungo?" I asked.
"We're going to Korea." Ika niya. Korea?
"What's that?" Tanong ko nang iabot niya ang isang liham.
"Your mom passed away, I found your mom at the hospital, nagpatiwakal. I'm sorry, hindi ko siya nailigtas." Aniya. What? Nag...patiwakal? Huh!? Pa'no?
Nanginginig ang kamay ko nung abutin ko mula sa kaniya ang liham.
"Sinisi ng mommy mo ang sarili niya dahil sa mga nangyari. Read that letter, nandiyan lahat ng saloobin ng iyong ina." Pagkaabot na pagkaabot ko no'n ay nagtungo ako sa kinauupuan ko kanina at binasa ang laman ng liham.
I'm sorry, I couldn't take it anymore. Seeing those people who are suffering makes me sick to the point that I'll cry. This is all my fault. Ako ang may kagagawan ng lahat ng ito. Kung itinago ko lang sana ng husto ang lahat ng mga chemical na gagamitin para sa gagawing experementasyon, hindi 'to mangyayari. I deserve to die. Nilalamon na ako ng konsensya ko, hindi ko na kaya. Thank you and I'm sorry. " nalukot ko ang papel dahil sa galit. Kasabay no'n ang pagtulo ng mga luha ko.
"I can't believe this!" Saad ko saka ko itinapon ang papel.
"I can't believe that mom is the reason behind all this." Patuloy lang ako sa pagiyak hanggang sa maramdaman ko ang pagyakap ni Laarni.
"Bakit!? Hindi naman niya kailangang magpakamatay! Hindi naman niya kailangang mangiwan! Bakit! Bak--"
"Shhh...tama na Ivanne." Aniya. Napayakap nalang din ako sa kaniya. Why? Bakit naman niya kinailangang gawin yun!? Hindi ko tanggap! Why of all people si Mom pa!
Megan's POV
Tahimik lang kaming lahat habang nakikiramdam sa presensyang nabuo sa pagitan naming lahat dahil sa pagiyak ni Ivanne. Matapos niyang ibato ang papel na binasa niya ay walang alinlangang pinulot namin ito ni Jackie. Hindi naman sa pagiging chismoso at chismosa pero siyempre kailangan din naman naming malaman kung ano yun at kung bakit siya umiyak. Lalo na nung sinabi niy'ang mom niya ang dahilan kung bakit nagkaroon ng gan'to. Matapos naming mabasa y'on hindi namin lubos maisip na nangyari 'to dahil lang sa simpleng pagkakamali niya. Masakit mawalan ng minamahal sa buhay lalo na kapag sobra mo silang pinapahalagahan at minamahal. Buti nalang nasa tabi niya si Laarni para icomfort siya. Napaisip tuloy ako, sa korea, pupunta kaming korea. Ano nang mangyayari kapag duon na kami magpapatuloy? Ano kayang mangayayari saamin?
BINABASA MO ANG
The Student Of 10-C
General FictionThis story tells about the students of 10-C who tries to fight with the unbelievable happening in their City.