CHAPTER 12- The Labyrinth Part I

91 2 1
                                    

THIRD PERSON'S POV

Sa pagkakahiwalay nila Emelene, Glendel at Madolin, hindi rin mapakali sina Ivanne, Fhrean, Rosciel, Megan at Chan sa biglaang pagkawala ng iba nilang kasamahan. Sa ibang dako naman napadpad sa isang di malamang lugar sina Rose, Ivonie, Clifford at Harvey. Tulad ng iba, nagtataka rin sila kung pano at kung bakit sila lamang ang tanging tumatakbo at wala na sakanilang liko ang kanilang mga kasama.  Sa ibang dako naman natipon ang karamihan. Sina Khristian, Lily, Dianne, Tyrene, Jackie at Laarni. Kasalukuyan parin naman sa pagtakbo ang dadalawang magkasama na sina Jeremy at Ivee sa paghahanap ng kanilang daan at mahanap ang kanilang kasamahan. Lahat sila ay nagkahiwahiwalay. Lingid sa kanilang kaalaman na napadpad sila sa isang misteryosong labyrinth at kailangan nilang makalabas dito.

Ivanne's POV

"Hala! sa'n na napunta yung iba!? Pa'nong tayo lang ang andito!?" Buryadong tanong ni Rosciel.

"Akala ko ba kasi iisang daan lang ang dadaanan natin!? sino ba kasi ang unang tumakbo sa direksiyon na 'to!?" Wika naman ni Chan.

"Si Ivanne ah!" Paninisi ni Megan

"Hala! Bakit ako!?, si Fhrean ah!" Paninisi ko rin.

"Anong ako? Baka si Rosciel!" Wika niya.

"Huh? panong ako? sinusundan lang kaya kita?" Sagot niya.

"Sinusundan ko kaya si Ivanne!" Napatingin ako sa kaniya.

"Ikaw din kaya sinusundan ko!" Wika ko.

"Huh!? Hindi ah." Sagot niya

"Ang gulo niyo! Umayos kayo!" Mahina pero may pagkalakas ang pagkakasabi ni Chan.

"Ah basta! Kayong tatlo yung nasa harap namin ni Chan! Kasalanan niyong tatlong 'to!" Wika ni Megan.

"Abah! si Fhrean ang sisihin niyo!" Sagot ko.

"Oo nga, siya naman kasi talaga nasa harap eh!" Wika naman nitong si Rosciel. Hindi nakasagot si Fhrean bagkus ay inirapan nalang niya si Rosciel. Buhat buhat parin niya yung kapatid ni Lily sa likod niya. Di kaya siya nabibigatan?? Ah! Pake ko ba?

"Ah basta! Si Ivanne yung sinusundan ko, tapos!"

"Tumigil ka nga, binabaligtad mo eh! -___- "

"Ugh! Tumigil na nga kayo, nakakasakit kayo sa ulo! At pag di pa kayo tumigil at dito may zombie, ipapalapa ko kayo!"  Wika ni Chan na ikinatahimik din naman namin. Abah! Mahirap na, baka totohanin niya. Gusto ko pa namang mabuhay. Ewan ko nalang kay Fhrean. Pake ko ba sa kaniya, eh mas guwapo sa kaniya! Deym! Ang guwapo ko talaga!

.

Ugh! Pakingteyp! Kanina pa kami palinga linga dito ah! Halos magpabalik balik na kami dito sa lugar kung saan kami! Ano ba yan! San na napunta yung mga kasama namin!? Takte! 'kapag may nangyaring masama kay Laarni hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko!

"Hala! anong nangyayari?---puwede ba Rosciel, bitawan mo'ko, 'wag mo akong kapitan ang bigat bigat ng kamay mo!" Pangaral ni Megan.

"Nakakatakot nga!" Reklamo niya.

"Dun ka kay Chan kumapit 'wag saaken!" Sagot niya. Hindi pa man din nakakalapit si Rosciel, itinaboy na siya agad ni Chan.

"CHE!! Dun ka!" Wika niya saka niya ito itinulak palayo. Natawa tuloy ako dahil sa pag ppout ni Rosciel sabay irap. Kitang kita ang pagkadismaya niya! Hahaha-- ahy!

Hindi ko nalang muna yun pinansin at itinuon ang atensyon sa paligid namin dahil baka may makasalubong pa ulit kaming mga zombie.

Kailangan kong mahanap sa lalong madaling panahon ang future wife ko dahil kung hindi, lagot ako mismo.

The Student Of 10-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon