Lily's POV
"Ano ba Fhrean!! Idahan dahan mo naman! Mauubos kaagad ang gasolina sa ginagawa mong pagpapatakbo eh! Halimaw ka talaga!"
"Puwede ba tumahimik ka! Kanina ka pa dada ng dada! Naiinis na'ko sayo ah! Magtigil ka'ng babae ka. Ipapakain kita sa mga zombie, makikita mo!"
"Ang yabang net---"
"Ano ba! kanina pa kayo, ang ingay ingay niyo!" Sabat ko sa dalawa. Nakakairita na talaga 'tong dalawang 'to kanina pa sila nagsisigawan ang ganda lang nilang paguntugin!
"Buwisit!" Giit ni Emelene. "Puwede ba Junato magpalit tayo ng puwesto at baka mapatay ko pa 'tong halimaw mong kaibigan!" Dagdag niya sabay tingin sa likod namin. Nasa likod kasi namin sila Junato at Glendel. Dumaan si Emelene sa gitna mismo at nagtungo sa likod. Nagpalitan nga sila ni Junato. Haayst! Mga walang kuwenta. Simpleng bagay lang kasi pinag aawayan na. Hindi na talaga mapag tatabi 'tong dalawa. Kulang nalang magkaroon ng gyera!
Napatingin ako kay Luke na tahimik lang habang nakaupo sa lap ko. Inayos ko ang puwesto ni Luke para makaharap siya saaken. Tinignan ko siya at ningitian.
Kumuha ako ng isang cheese bar sa bag na dinala ko at binuksan ito tsaka binigay sa kaniya.
"Luke..." wika ni Ivonie tsaka niya ito kinuha. Natatakot ako para sa kapatid ko. Hindi ko alam kung magagawa ko ba siyang protektahan hanggang sa huli o hindi.
Oh God, guide us and protect us from this zombies.
-----
Jackielyn's POV
"Damn." Komento ni Madolin. Nung unti unting nagsstop si Clifford sa pagddrive.
"Ayshiiiks!" Sunod naman si Trisha.
"Hala pano na yan!?" Si Ivee naman. My god from the heaven of Greece! Puwede namang wala na'ng zombie dito sa highway diba!? Bakit naman kasi, sa kadami dami ng lugar eh dito pa? kung kailan kailangan naming makarating kaagad sa lugar nila Clifford at Madolin!
"Get your guns babies! Time to shoot!" Sabi ni Kristian at kumuha ng isang shotgun. May mga zombi'ng naglalakad na parang lutang sa hangin at paikot ikot sa daan. May ilan rin namang abala sa pagkain ng mga body parts at talaga nga namang takam na takam pa sila sa pagkain ng utak!
Binuksan nila Ivanne ang magkabila naming mga bintana at dumungaw doon. Itinutok nila ang kanilang mga baril sa mga zombie at isa isa nila itong pinagbabaril. Hindi pa sila nakuntento ay nagawa nilang lumabas ng sasakyan. Hindi rin nagpatalo si Chan at Kristian. Si Chan na may hawak ng armalite at sunod sunod na pinagbababaril ang mga ito.
Gago!
Hindi ko alam kung dapat pa ba akong matawa ngayon dahil kay Chan eh! Kahit kailan talaga 'to.
Si Kristian naman ay tinira ang bawat tuhod ng mga zombies. Sunod yung mga balikat at panghuli sa ulo. Ang lupet!
Nung makita na nilang may open space at kaunti nalang yung mga zombie ay dali dali silang pumasok tsaka nila isinara ang mga bintana.
"Clifford! Dalii na!" Sigaw ni Ivanne at daki daling pinaharurot ni Clifford ang sasakyan. Binangga ni Clifford ang mga zombing nakaharang sa daan. Tumilapon ito at naramdaman rin naming ang medyo pag angat ng saaakyan dahilan sa pagkakasaga sa katawang ng zombie. Sure hit, durog durog na yun. Binuksan uli nila ang mga bintana at pinagbabaril ang ilang zombie na naka bitin sa likod ng kotse.
"Kung meron lang tayong granada, kanina ko pa itinapon sa kanila. Nakakairita na" sabi ni Laarni.
"Unfortunately wala." Sagot naman ni Trisha.
"Yun na nga eh. Ba't di kaya tayo bumalik sa station? May pang third at first foor pa yun diba? Malay natin baka may nakatago doon?" Komento ni Jeremy.
"Hindi posibleng magkakaroon ng granada doon. Bakit naman sila magtatago ng granda sa simpleng station? And take note, POLICE STATION lang yun, hindi Barracks." sagot ko sa kaniya.
"Kaya nga sabi ko MALAY diba? Binibigay ko lang naman opinyon ko." Sagot din niya. Aba talaga--haaay! Hayaan na nga lang!
Ilang oras rin naman ang itinagal namin sa pag bbyahe nung makarating na kami dito sa bahay nila Clifford. Bumaba na sila at pumasok sa loob.
Pagkatapos ng mahaba habang oras ay lumabas na rin sila Clifford and take note: naka all black suit sila. Aba ang tindeh ng mga 'to talagang nakaterno!"San sunod nating pupuntahan?" Tanong ni Clifford pagkaandar niya ng sasakyan.
Trisha's POV
Ilang oras ang lumipas matapos kaming magkaalis sa lugar nila Clifford. Gamit gamit na nga pala namin ngayon ang Heavy tinted colored green van car nila Clifford. Di manlang niya sinabi na marami pala silang sasakyan eh. Plinano pa nilang mang highjack. Buti ngayon nakaipo na kami ng maayos at hindi na rin masyadong masikip.
"Ano ba 'tong radio niyo clifford! Sira naman yata 'to? Bakit wala manlang masagap na signal!?" Sigaw ni Ivee. Inagaw ko sa kaniya yung radio at ako ang nag ayos.
"Tumigil nalang kaya muna tayo along the way para maging steady yung signal?" Komento ni Ate na ngayon ngayon lang nagsalita at katabi ko siya.
Inihinto naman ni Clifford ang sasakyan. Tumingin ako sa watch ko and it's 6:03 pm already. Ilang oras narin pala ang lumipas mula nung makalabas na kaming school.
"Nakalabas kaya yung iba nating kaklase sa school? Kamusta kaya yung ibang group?" Biglang tanong ni Harvey.
"Namatay na siguro sila." Komento naman ni Chan.
"Grabe naman!" Sabat nila at sabay sabay na silang nagsipagreact.
Natuon ang attensyon ko nung may masagap akong mahinang boses na nanggagaling sa radio.
"Guys! Tahimik!" Sigaw ko habang nakatingin sa parin sa radio. Ikot lang ako ng ikot sa button notobg radio kung saan nakokontrol nito ang bawat channel na nasasagap.
"Ay shiiiks!"
"Damn!"
"Bakit duon!?" Komento ng karamihan saamin. Mula duto hanggang doon... masyadong malayo.
Kakayanin pa kaya naming makarating duon hanggang sa huli?
Mabubuhay pa kaya kami??
Pano 'to!??
_kyaaa! Hangggang diyan nalang muna, Madlang Pips! Hahaha...
And yeah! Rank #418 itong story na 'to sa General Fiction! Haha... anyways...
Don't forget to VOTE PLEASE mga people...Thankyou for reading!
-KHRISSY_ENRAIHA
BINABASA MO ANG
The Student Of 10-C
General FictionThis story tells about the students of 10-C who tries to fight with the unbelievable happening in their City.