Ito guys yung mga Point Of Views ng ilang characters na hindi ko nailagay dahil sa pagkakafocus sa ibang POVs. Short lang naman kaya don't worry.
Jeremy'S POV
(Ito po yung part na naihiwalay silang dalawa ni Ivee.)"Jeremy, nasa'n tayo!? Ikaw naman kasi eh, kung saan saan ka tumatakbo!" Pangaral saken ni Ivee. Walang'yang 'to ako pa sinisi?
"Naghanap lang naman ako ng mas mabuting pagdaraanan eh. Humiwalay kasi yung iba kaya naisip ko na baka naisipan nilang maghiwa-hiwalay nalang muna tayo siguro para sa ikabubuti ng lahat kaya heto! At ang masama pa nito, dadalawa lang tayo." Sagot ko. Hindi ko alam kung saang part na kami ng lugar na 'to kami napupunta, basta ang alam ko lang, walang zombie sa pinagdaraanan namin. We're safe--I guess?
Paulit ulit kami'ng lumalabas sa pinanggalingan namin.
"Buwisit na 'yan, bakit pabalik balik tayo!?" Sigaw ko. Kanina pa kasi kami liko ng liko dito eh bumabalik rin naman kami sa dati.
"Hala, J...namumulto yata tayo. Baligtarin mo 'yang damit mo J, baka ayaw ka paalisin ng multo!" Biglang sabi ni Ivee.
"Walang'ya ka, baka ikaw." Sagot ko. Inirapan naman niya ako. Aba, ang tindi talaga ng babaeng 'to.
"Dalian na nga natin! Dun sa kaliwang daan ulit." Sabi ko atsaka ko siya hinila.
"Teka lang ah, 'wag mo 'kong hilain!" Sigaw niya saka bumitaw. Sinubukan uli naming tahakin ang kanina pa namin tinatahak na daanan. Paulit ukit nga lang kami dito eh. Matapos sa kanan, babalik uli kami sa dati tapos isusunod uli naming tahakin yung sa kaliwang daan tas 'yun babalik uli kami sa dati. Para labg kaming umiikot sa isang lugar. Wala kaming makitang ibang daan kundi 'yun lang.
"Jeremy sandali..." wika ni Ivee na nagpatigil saaken sa paglalakad. Tumingin ako sa kaniya. Nakatingin siya sa isang damo tapos sa tabi nito may nakasulat sa simento. Bakit ba hindi ko 'yun nakita?
"Ano 'yan?" Sabi ko sabay tingin sa nakasulat.
"Turn your back and push that wall" ani ng nakasulat. Tumingin kami sa likod namin. Nagkatinginan kaming dalawa ni Ivee at ngumiti.
Dug! Dug!Dug!
Putik! Bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko!?
"Ano na?" Aniya. Napatingin ako ng di oras sa pader para makaiwas ng tingin sa kaniya. Iba 'tong nararamdaman ko ah, nakakabuwisit.
"Ang sabi, push the wall.." sabi ko.
"Ano yun? Secret passage lang? Try kaya natin?" Sabi naman niya. Nagtungo kami sa pader na iyon at itinulak ng buong lakas ang pader. Unti unting nag mmove ang pader hanggang sa mapunta kami sa isang hindi namin inaasahang daan.
"Whoa!! Syet! May gan'to pala dito!? Eh kaya pala babalik balik tayo eh! May daanan pala dito!" Sabi ko.
"Eh kung hindi ko pa nakita yung nakasulat di hindi tayo makakapunta dito!" Pagpapasikat naman ni Ivee.
"Oh, masaya ka na?" Pangbabasag ko naman sa kaniya.
"Che!" Sagot niya saka naglakad. "San na napunta yung mga kasama natin!"
Sa paglalakad naming 'yon ay may narinig kaming isang parang dagundong sa kabilang pader namin kaya dali dali namin iyong pinuntahan.
Nagulat nalang kami nung makita namin sila Ivanne, Chan, Megan, Fhrean at Rosciel na nakatingin sa nagbunukang simento at nilalamon ang mga zombie. Lumapit pa kami para makita ang nangyayari.
"Nasa maze runner ba tayo? Tignan niyo nga ang paligid baka may camera, nagshoshooting pala tayo ng hindi natin alam!." Wika ni Chan habang nakatingin parin ng diretso sa direksyon.
BINABASA MO ANG
The Student Of 10-C
General FictionThis story tells about the students of 10-C who tries to fight with the unbelievable happening in their City.