Third Person's POV
Matapos ang araw ng kanilang pagpapahinga, nagusap usap ang mga magkakaklase sa kung ano ang kanilang gagawin. Napag usapan nila na mas makabubuti kung matuturuan sila ng ilan pang fighting skills. Sa pangunguna ni Emelene sa pagtuturo, intinuro niya muna ang pagiging aggressive ng isang fighter lalo na sa paghahawak ng isang kahoy sa larangan ng arnis. Siyempre sa mga nakakaalam at may experience rin sa paglalaro ng arnis na ito ay nagtulong tulong sila para turuan rin ang ibang hindi pa nakakaalam. Ganun rin sa larangan ng pagmamartial arts, nagtulong tulong ang may mga experience para turuan ang mga kasama.
Nang matapos iyon ay nagpahinga muna sila at pinuno ng kung ano anong pagkain ang kanilang tiyan.
"Uuughr! Punyeta! Kailan pa ba matatapos 'to!? Gustong gusto ko nang maligo!" Pagrereklamo ni Ivee. Binatukan naman soya agad ni Chan na nasa likod lang pala niya.
"Hangal, ikaw lang ba?" Ika niya. Nagkurutan at naghabulan uli ang dalawa. Samantalang naiwang pagod na pagod ang iba. Naroong naka higa at nakaupo lamang sila na para bang walang wala na sila. Ganun pa man ang pagkaubos ng kanilang pag asa ay nanatili parin silang matatag at iniisip na mabubuhay sila hanggang sa makalabas sila sa lugar kung saan sila.
"Sana paglabas natin, wala nang mga zombie. Sana paglabas natin, rescuers ang sasalubong saatin hindi mga zombie!" Wika ni Jackie na ikinatango naman ng ilan.
"Sana wala tayong makasalubobg sa daan." Wika naman ni Laarni na ngayon ay nakasandal ang kaniyang ulo sa balikat ni Ivanne.
"Parang ayokong lumabas ng lugar." Saad ni Ivanne. "Bukas nalang kaya tayo umalis? Pagsikat na pagsikat ng araw."
"Sang ayon ako, sa katagal natin dito, parang mas ligtas tayo dito keysa sa labas." Ani ni Jeremy.
"Kayo kung anong desisyon niyo." Saad ni Rose.
"Ano, bukas nalang guys?" Tanong ni Ivanne.
"Sige ba." Sagot ni Ivonie. Tumugon naman ang iba.
***
Sa kabilang banda, abala sa paghahanap ang ilang militarya ng Korea at U.S. Naghati ang dalawang grupo sa paghahanap ng ilang survivors dahil ayon sa mga data bases ng researchers ay may ilan pang buhay at kasalukuyang nagtatago pa lamang sa mga ligtas na lugar. Lingid sa kaalaman ng mga bata na may paparating na tulong sa kanila at maaring sa ano mang oras ay maari na silang mailigtas.
***
Umaga na nang may marinig ang mga bata ng isang ugong ng lumilipad na eroplano. Nadaan ang eroplano sa lugar kung saan sila pero hindi manlang tumigil ang eroplano sa paglipad. Nagising silang lahat at tila na nabuhayan noong makita nila ang eroplano. Sabik na sabik sila at umaasa sila na babalik ang eroplano para kunin sila ngunit sa di malamang dahilan ay halos lumipas na ng dalawa o tatlong oras ay wala parin ang eroplanong nagbigay ng pag asa sa kanila.
"Punyetang eroplano'ng 'yan, paasa!? Ilang oras na tayong nag hihintay rito ah!?" Giit ni Emelene na lumalantak ng mga raspberry.
"Katulad mo lang naman!" Paparinig ni Fhrean. Inirapan naman siya ni Emelene saka bumulong.
" 'pansin!" Saad niya at ipinagpatuloy ang pagkain ng mga berries. Naalala tuloy ulit niya si Madolin kaya hindi maiwasang mapatingin kay Fhrean na siyang nagbigay rin ng irap sa kaniya.
"Ughh! Ano kaya kung magpatuloy nalang tay----HOOOY! TULOOONG!!!" sigaw ni Jeremy matapos nilang makitang nagbalik ang eroplano ngunit dumiretso lamang ito na hindi manlang napapansin ang mga batang survivors.
BINABASA MO ANG
The Student Of 10-C
General FictionThis story tells about the students of 10-C who tries to fight with the unbelievable happening in their City.