Chapter 16 The labyrinth part V

79 0 0
                                    

>>>Jimin and Yoona on the MEDIA<<< (Madoline) and (Emelene)
   ***Kyaaa! bagay sila! Ayieee!!🤗
                                Heart!❤ heart!❤***

_Yung mismong casts ang bagay ha! 
              Hindi yung pangalan!_
                          😡😐😊✌











Emelene's POV

"Waaah! Khristian dalian mo! Isave mo kami!!"

"Oy wala ah! Madaya kayo! Nagpapakahirap kaming maghabol sa inyo eh!

"Jackieee!!---save!"

"Whoooo!! Hindi niyo kami kaya!"

"Wala ayoko na! Pagod na ako!"

Iminulat ko ang mga mata ko at inilibot ito. Nakita ko ang mga kaklase ko na nagtatakbuhan. Naglalaro ng...washington? Tss. Napatingin ako sa lalakeng nakaupo sa tabi ko habang nakayuko.

Fhrean?? Anong ginagawa niya dito?

Tumayo ako at tinignan ang paligid. Nananaginip ba ako? Bakit ang ganda ng lugar na ito? Bakit ang saya ng mga kasama ko? Nasa ligtas na lugar na ba kami---

"Emelene!!!" Napatingin ako sa biglang sumigaw ng pangalan ko. Si Rose. Tumakbo sila patungo saken.

"How are you?" Tanong ni Rosciel. Tumango ako biglang sagot na ok na ako.

"Napano ka? Magisa ka lang talaga?" Tanong ni Ivanne. Tinignan ko sila isa isa. Nakapalibot sila saaken at kung makatingin ay parang may gusto silang sabihin o marinig mula sa'ken. Ano bang nangyari?

"Huh??" Tanong ko. Hindi ko kasi ge--- pano nga pala ako nakapunta dito? Ang huli kong naaalala, kasama ko sila---oh my ghad!

"Mas mabuti siguro kung 'wag na muna natin siyang intrigahin. Hindi pa siya ok." Saad ni Laarni.

"Emelene..." napatingin ako kay Lily na hawak hawak si Luke.

"Sa'n kayo napunta? Bakit bigla kayong humiwalay?" Tanong ko. Wala namang sumagot.

"Nagkahiwa hiwalay tayo, Emelene. Actually kayo na nga lang tatlo ang hinihintay namin na dumating eh. Nauna naming nakita sina Ivee at Jeremy." Pagpapaliwanag ni Megan.

"Yeah." Sagot naman ni Jeremy.

"Pumangalawa naman si Khristian na naihiwalay kina Jackie and her group. Tas ayun sunod na dumating sina Jackie at Laarni, kasama rin nila sina Dianne at Tyrene ang kaso, wala na sila." Pagpapatuloy niya. Tumingin ako kina Laarni at Jackie. Napayuko sila.

"And then here comes Rose and the others---Lily and Ivonie. Kasama rin nila sila Harvey at Clifford pero wala na rin sila..." Tumingin ako kila Ivonie. Napaiwas naman siya agad ng tingin. Si Lily naman nakatingin din sa ibang direksyon. Si Rose rin ganun.

Kung alam niyo lang kung anong nangyari saamin matapos tayong magkahiwa hiwalay na sabi niyo.

"I'm with Glendel and Madolin." Panimula ko saka yumuko. Ikukuwento ko ba? O hindi na?

"Nasan sila?" Tanong ni Ivee. I shrug. Napahawak ako sa kuwintas na bigay ni Madolin nung araw na kami ang magkasama matapos magsakripisyo si Glendel. Akala ko nung araw na yun, katapusan ko na dahil sa katangahan ko.

"What? What happened?" Tanong ni Ivanne saka nagpumeywang.

Flashback:

Tumatakbo kami nang mahulog ko ang phone ko. Bumitaw ako sa pagkakahawak nila sa braso ko at dali daling binalikan ang phone ko.

The Student Of 10-CTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon