Chapter 8

11.9K 68 3
                                    

Kinabukasan...

Nagising ako dahil sa isang maingay na umaalingaw-ngaw sa kwarto namin ni Lucein.

Isang party music. Tinakpan ko ang tenga ko dahil mabibingi na ako sa lakas at napakabilis na rhythm nito.

Alam ko kung ano ang ginagawa ngayon ni Lucein nagbibihis siya at sinasabayan niya ito ng kamanyakan niya.

Gusto ko na palang bumangon dahil nakaramdam na ako ng pagkagutom.
"Lucein hindi ka pa ba tapos magbihis?" Mahinang tanong ko dito.

"Bakit kapa nagtatanong eh nakita mo na to." Alam kung nakangisi ang damuhong to.

Wala akong pakialam kung makita ko ulit ang kaniya. Gusto ko lang na makakain na ako ng breakfast.

Dali-dali akong bumangon at tinungo ang banyo at ni-lock. Nagmukha akong THE FLASH. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin napakagulo ng buhok ko.

Gamit ang kamay ay sinuklay ko ito. Binasa ko ang aking mukha at naghanap ng sabon at sa kasamaang palad walang nababagay na sabon saakin. Karamihan dito ay panlalake.

Kinuha ko na lamang. Ang hindi matapang na amoy at ipinahid ito sa aking mukha. Nang mabanlawan ko ito ay na-alala kung wala akong dalang toothbrush. Antanga mo Madeline! Kinuha ko na lamang ang mouthwash at minumog ito.

Nang matapos ako ay iniayos ko ang bra at damit ko. Pero may nakita akong kakaiba sa aking katawan. Mayroon akong hickeys sa aking leeg at parteng collarbone. Tangna.

Agad kung binuksan ang pinto ng banyo para pagalitan si Lucein. Nang ikinabigla ko ay naka abang ito sa labas ng pinto. Napa atras ako, "Anong ginawa mo dito?!" Patanong at pasigaw kung sabi. Sabay turo sa leeg ko.

"Ano kakain ako tapos makikita to ng kapatid at mama mo!" Dagdag ko pa dito.

"Lucein naman" pagmamaktol ko.

Pero ang loko ay asong ngisi lamang ang ibinigay saakin. Lumapit ako dito at hinampas ang dibdib nito. "Nakakainis ka!" Paulit ulit kung sabi dito.

" Hindi ko napigilan" sa wakas ay nagsalita ang manyak na si Lucein.

"Ewan ko sayo." I gave him a deathglare. Lumabas ako ng kwarto niya at tinungo ang dining area.

Saktong pagpunta ko doon ay kumakain na si Mrs. Amy at Sophie.

"Good morning po." Bati ko dito.

"Goodmorning din." Bati ni Mrs. Amy.
"Good morning ate Ganda" bati naman ni Sophie.

Umupo ako kung saan ang pwesto ko kahapon.

Mukhang napansin ni Mrs. Amy ang nasa leeg ko.

"Nag-umpisa na si Zayn?" Pagtatanong nito. Bigla akong namula dahil sa tanong niya. Masyadong pribado kung sasabihin ko ito.

"Hindi naman po. I mea-- kas-- hayyss" buntong hininga na lamang ang naisagot ko.

"Naiintindihan ko. Baka sa mga susunod na araw mag-uusap tayo"

"Madam, okay lang po ba kung pupunta ako kay Mama?" Pagpapa-alam ko dito.

"Huwag muna ngayon, kailangan ka ni Zayn. Nabayaran ko na ang kalahati ng bills ng mama mo. So do your part." Sabi nito.

"Ok po." Sagot ko. Mejo nalungkot ako dahil baka kapag nagising si mama ay hanapin ako nito. At gusto ko ako ang una niyang makikita sa pagdilat ng mata niya.

Nang matapos si Mrs. Amy sa pagkain ay umalis na ito.

Tinanong ako ni Sophie kung anong nangyari kay mama at sinagot ko ito kung ano talaga ang mga nagyari Kay mama.

Nurse At Your Service(R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon