Kasalukuyang nakaupo ako sa tabi ng bed ni mama sa ER bawal siyang ilabas o lumabas next week na ang operasyon ni mama at kailangang wala siyang makuhang ibang sakit tulad ng ubo o sipon.
Nalaman na din ni Liam ang kalagayan ni Mama at nagpupumilit na umuwi na para my makasama ako na siyang ikinagalit ko kailangan niyang tapusin ang kaniyang business trip.
Sa pag-iisip isip ay mayroon nga palang nag aalok saakin ng isang proposal si Ms. DeLuna.
Dali-dali kung hinanap ang calling card niya sa bag ko. Halos maubos na ang gamit ko sa bag kakahanap at sa katangahan ko ay nasa phone case ko pala siya nailagay.
Agad kung tinayp ang number niya at tinext.
To: Ms. DeLuna
Ms. This is Madeline Rhys.Nagpakilala muna ako sa text bakasakaling kilala niya pa ako. Naghintay ako ng limang minuto bago siya mag reply.
From: Ms DeLuna
Yes, Ms Rhys? How can I help you?Tinanong ko siya tungkol sa proposal na sinabi niya noong una kaming nagkita. At bukas nang alas tres ng hapon ay magkikita kami sa malapit na coffee shop sa hospital.
Mejo kinakabahan ako dahil hindi ko alam ang proposal na aalukin niya gusto kong madiliin ang oras baka matulungan niya ako sa problema ko.
Ayaw kung sabihin ito kay Liam dahil alam kung magagalit siya saakin. Magagalit ng sobra.
-Mamayang hapon na ang pagkikita namin ni Ms. DeLuna kasalukuyang nasa Information Desk ako ngayon para icheck ang current balance ko at ang sweldo ko.
Current balance. 350,456.75
Total. 47.95Natameme ako sa mga nabasa ko. 47.95 na lang ang natira sa sweldo ko at ang layo sa gap ng babayaran ko sa bill ni mama.
Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik kay Maylene ang bill ko.
"Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng ganiyang halaga." Sabay abot at tumingin sa kawalan.
Madaming sinasabi si Maylene na hindi ko naman maintindihan. Hindi kasi ako nakikinig. Andaming umaandar sa utak ko. Andaming katananungan.
Naglalakad na ako papuntang coffee shop para makipag meet Kay Ms DeLuna 2:45 palang mas mabuti ng maaga nakakahiya naman ako na nga
bibigyan ng proposal ako pa magpapahintay mejo bastos naman yun diba.Dahil sa coffee shop ito tinignan ko ang mga price ng kape at wow. 150 ang isa anong meron sa kape nila? Kaya ko lang nga inumin 3n1 a10 lang ito 150 grabe naman 47 nalang nga sweldo ko. Nakakabanas.
Bumili na lang ako ng Frappe dahil 55 lang isa doon tayo sa mura. Nakakahiya naman yung tumatambay ka ng walang iniinom o kinakain.
Nag-antay ako ng mahigit sa 30 minuto at sa wakas dumating na si Ms. DeLuna grabe nakakahiya sakaniya pina antay niya talaga ako.
Umupo siya sa harap ko at as usual mukhang stress ito.
Binati ko ito.
"Goodmorning Ms. DeLuna" magalang na sabi ko dito.Tinignan niya lamang ako at ngumiti senyales ng pagtanggap sa bati ko.
Nagbuntong hininga ito ng malalim bago nagsalita.
"Aalukin kita ng isang bussines deal alam kung makakatulong ito sa iyo ng nanay mo, mababayaran mo ang mga bills mo ng isang milyon o higit pa may sukli ka pa. Just ju--" hindi na nito natapos ang sasabihin dahil mayroong tumulo sa kaniyang mga mata.
Umiiyak siya. Kinakabahan ako sa mga sasabihin niya mukhang alam ko ang gusto niyang sabihin.
"Just be with my son." At tuluyan ng kumuha ito ng panyo at pinahid sa kaniyang mga mata.
Medyo naguguluhan, talagang naguguluhan ay namalayan ko ang sarili kung tumatango sa mga sinabi ni Ms DeLuna.
Madeline anong ginagawa mo sa sarili mo!? Bakit ka pumayag!? Alam kung magagalit saakin si Liam ng sobra ayaw kung malaman niya ito.
"Ms. Bakit po ako?" Para bang nagkaroon ng sariling buhay ang bibig ko at kusa itong nagtanong.
"Alam kung ikaw lang ang makakatulong sa anak ko. Alam kung ikaw lang. Tulungan mo siya nagmamaka-awa ako lahat gagawin ko babayaran ang bills bibigyan kayo ng magandang buhay tulungan mo lang ang anak ko" kasabay ng paghagulhol ni Ms. Ay ang paghawak niya saaking kamay kasabay na din ng pagtulo ng luha ko.
Masyado akong naguluhan bakit ako? Anong klaseng tulong ang gusto niya? Bakit hindi niya tulungan? Tapos kaya niya akong tulungan? Ha? Nagkakalokohan ba kami nito?
"Ms. Bakit hindi niyo po siya matulungan?"
"Hindi mo maiintindihan sa ngayon bukas kung pwede sa bahay ka na tumira aalagaan mo ang anak ko tutal nurse ka." Sabi nito.
And for the nth time I shook my head unconsiously.
Tumayo ito at yinakap ako.
Marami pa kaming napag-usapan ni Ms. Pero karamihan ay hindi ma sink in sa utak ko.Ang natandaan ko lamang ay bukas susunduin niya ako sa hospital dala ang mga gamit ko at mayroon ng magbabantay Kay mama sa Hospital.
Hep! Sorry po sa mga Typos. Please Vote thank you.
BINABASA MO ANG
Nurse At Your Service(R18)
Historia CortaSi Madeline ay isang nurse at sa hindi inaasahan magkakaroon siya ng isang pasyenteng may kakaibang sakit. All Rights Reserved ©2017 CONTAINS MATURED SCENE! READ AT YOUR OWN RISK**