Sino yang kasama mo?
Inulit-ulit kung binasa ang text ni Liam. "Hey!?" Pag tatapik saakin ni Lucein.
"Gosh nakauwi na ba si Liam?" Pagtatanong ko sa sarili ko.
Hindi ko alam ang irereply kay Liam. Natatakot ako, medyo kinabahan ako sa tanong niya.
Nagvibrate ulit ang phone ko.
"Babe? Bakit wala ka sa hospital babe? Iba ang nakabantay kay mama ayaw ako papasukin. Wala ka sa bahay. Where are you babe?" Text ulit nito.Mas lalo akong kinabahan. Damn! Madeline anong gagawin mo?! Pinabasa ko kay Lucein ang text ni Liam. He stared at me blankly. Lagot ako nito.
Tinawagan ako nito pero hindi ko ito sinagot.
"Babe answer my call!." Text pa nito. Alam kung galit na si Liam nito.
"Lucein anong sasabihin ko?" Tanong ko dito.
"I dont know" cold na sabi nito. Fvck you Zayn Lucein! I hate you.
Hinampas ko siya ng napakalakas at ang ibang mga nanunuod ay napalingon saamin.
Yumuko na lamang ako dahil sa hiya. Kinurot ko ang kaniyang hita at nasipa ang noo ko. Hindi naman masakit pero naginarte ako.
"Lucein naman eh." I tried to look pity.
Nabigla ako sa ginawa nito hinila ako nito at hinalikan ang noo ko. My heart beats fast. "Ssshhh sorry." Pag-aalo nito saakin.
Nagpaubaya ako at hinayaan ko siya sa gagawin niya. Niyakap niya ako hinaplos ang mahaba kung buhok.
"Si Liam" nasabi ko na lamang.
Nakatingin saamin si Liam ng mayroong luha sa mga mata. Kahit madilim ay kitang kita ko ang galit at lungkot sa mga mata niya.
"Liam" pag-uulit ko. Nagtuluan na ang mga luha sa aking mata. "I'm sorry Liam."
-
Nakadama ako ng pagsampal sa aking mga pisngi. Fvck panaginip lang pala."Diyos ko! Madeline akala ko hindi kana gigising. Nagsasalita kapa." Sabi ni Lucein.
Agad kung kinapa ang mga mata ko at basa nga ito. Shit panaginip lang pala lahat ng iyon. "Yung movie?" Pagtatanong ko dito.
"Matatapos na." Walang buhay na sabi nito. Inayos ko ang pag-upo ko at pinagpagan ang pedal ko at bukas ang zipper ko --_--.
"Juicecolored! Manyak ka talaga." Sabi ko dito.
Alam niya kung ano ang tinutukoy ko at ngumisi na lamang ito.
Tsinek ko ang phone ko at sa awa ng diyos ay hindi naman nagtext si Liam.
Ng matapos ang movie ay umalis na kami ni Lucein gusto niya daw maglaro at inaya ako nito sa Timezone.
Dahil wala akong card ay binilihan ako nito at may laman na 500. Pumunta ako sa 'pick me up' na arcade. Gusto ko kunin yung Baymax na teddy bear. I tried twice but I failed. Pinuntahan ko na lamang si Lucein sa Basketball ball area.
Marunong ako mag basketball sa arcade kaya tinabihan ko ito. Tinignan ko ang score niya at 59 pa lamang ito. Tumawa ako ng my halong pang-aasar.
"Hahaha weak"
"Tsss" sabi nito. Hinintay ko matapos ang game niya. "Padamihan" paghahamon ko dito.
"Sige raise to two." Sagot niya, sabay namin swinayp ang card at nagpaunahan makapag shoot ng bola.
Unang round ay panalo ako. 128 vs. 115
Swinayp ulit namin ang card at nagpaunahan ulit sa pag shoot ng bola. Nakakapagod lang dahil sa masyadong mataas ang ring para saakin.
BINABASA MO ANG
Nurse At Your Service(R18)
Historia CortaSi Madeline ay isang nurse at sa hindi inaasahan magkakaroon siya ng isang pasyenteng may kakaibang sakit. All Rights Reserved ©2017 CONTAINS MATURED SCENE! READ AT YOUR OWN RISK**