Not So Ordinary

30 10 15
                                    

THIRD PERSON'S POV

It's 1:20 AM. After looking for a perfect position, Zen can now sleep and rest soundly..

Nakapatong sa curved back ng couch ang kanyang dalawang paa at nasa seat cushion naman ang ibang parte ng katawan nito.. 

After three hours, di pa man nakakatulog ng maayos ay nakarinig si Zen ng malakas na kalampag ng kutsara at tinidor sanhi para magising siya.

Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga to see na ang may gawa ng ingay ay si Archer.

- - - - -

ZEN'S POV

"What is wrong with you?" To highest pitch na bulalas ko habang kusot kusot ang mga mata ko.

 Sino ba naman ang hindi mababadtrip  ng kay aga-aga kapag ginulat ka? Ang lakas pa naman ng kalampag ng kutsara't tinidor. It's 4:30 in the morning!

For Pete's sake! Not to mention na tatlong oras lang ang tulog ko! 

I gave him a death glare pero nginisihan niya lang ako! Argh! Letche siya! Nakapamaywang pa ang kumag!

"Get up! You need to cook for my breakfast! Now!" Inuutusan niya ba ako! Ako? INUUTUSAN NIYA! Apog niya mga te!

"Are you serious? Alam mo bang tatlong oras pa lang ang tulog ko? May pasok pa ako mamaya!" Pag-angal ko pero tinawanan niya lang ako. Huhuhu.

"Paki ko? Di ka naman kasi kukulangin ng tulog kung di ka nag-inarte sa couch! Pasalamat ka nga at sa couch ka pa natulog at hindi sa sahig!" He mocked.

"Wala ka talagang awa eh no! Hindi ako sanay matulog sa couch kaya naghanap ako ng komportableng posisyon. Consideration naman kahit kunti!" Parang naiiyak kong bulalas pero I'm trying my best na hindi umiyak sa harapan ng lokong ito!

I don't want to satisfy his arrogance! Argh!

"The hell I care. Kumilos ka na dyan at ipagluto ako!"

"First and foremost, hindi mo ako katulong! Wala yun sa arrangement! Second, di ka naman lumpo para di makagalaw kaya magluto ka ng kakainin mo! And lastly, dahil sa sama ng ugali mo, isusumbong ko lahat ng nangyari kay Lolo Fred at Lolo Franco!" Pagbabanta ko sa kanya.

I see that his mood change a bit pero di ko mabasa ang expression niya. Right now, para akong binuhusan ng  malamig na tubig when he smile creepily with poker eyes. 

"Akalain mo nga naman, pinagbantaan mo pa ako. I'm very challenged. Sige, ako na ang magluluto ng pagkain ko." Pagsang-ayon niya sa sinabi ko. Natauhan ka rin!

"Ang dali mo naman palang kausap. Kaya shoo shoo! Matutulog pa ako." Pagtaboy ko sa kanya.

Tumalikod na siya sa akin at ako naman ay nahiga na ulit sa couch with the same position I've been comfortable of. Pansin kong nakatalikod lang siya pero di pa siya humahakbang paalis.

"But I'll make it sure na once you'll leave that door later, wala ng security for you para madali ka na lang mapatay ng mga kalaban ko. I'll be glad. Mababawasan ang mga kauri niyo!"

At walang anu-ano'y bumangon na ako para tumungo sa kusina pero bago pa man ako makapasok sa kitchen lumingon ako sa kanya... I saw him victoriously smiling.

"You're so mean! Di ako marunong magluto!" Pag state ko ng katutuhanan pero parang di man lang niya naintindihan ang sinabi... o talagang ayaw niya lang intindihin? Waaaaah!

"I want one sunny side up egg and fried bangus. Maliligo na ako kaya dapat pagbalik ko, tapos na ang niluluto mo. Sarapan mo ah, my dear fiance." In-emphasize pa niya ang word na sarapan at fiance  with all the sarcasm! 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 14, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PERFECTLY ARRANGEDWhere stories live. Discover now