Lee Nam Soo as Zen Rodriguez
"Let it go...
Let it go...
Can't hold it back anymore!
Let it go...
Let it go...
Turn away and slam the door!"
Feel na feel ko talaga ang pagkanta ng malakas! As in full blast ang volume sa loob ng skating rink. Paki ba? Eh ako si Elsa ngayon...
Gumala ang mata ko. Lahat sila napatigil sa pagsi-skate at napatingin sa akin. Oh di ba bongga? Nakapuwesto pa naman ako sa gitna. Hahahah. Watch me!
"I don't care!
What they're going to say...
Let the storm rage ONNNNNNN..."
Nilakasan ko pa talaga... At tatapusin ko na ito ng bonggang bongga! Hear me! Hahahah
"The cold never bothered me anyw ---"
"PRRRRRRRRRRRRRRRRTT!" Ommo? Someone whistled! Naku baka may baliw na nakapasok sa mall. Hala!
Nakita kong papunta dito sa skating rink ang mga guards. Oh my! Nandito ako ang baliw sa loob ng rink? Nagsi-skate? Chochal ah. Hahaha.
Naku baka harmful yun. Mahirap na baka sa sobrang baliw ng utak nun eh mang-hostage pa. Maganda pa naman ako baka ako ang gawing target ng galang baliw na yun. I gotta go.
Nagskate na ako palabas ng rink...
"PRRRRRRRRT! Tigil!" Sigaw ng guard. Ay buti naman at nakita na nila ang baliw.
"PRRRRRRRRRRT! Tigil nga sabi!" Hala baka tumatakas na ang baliw.
Napalingon na ako. Naintriga eh. Baka kung saan na sila naghabulan. Hahahah. Maze runner!
Pero laking gulat ko ng saktong pagkalingon ko ay dinakma agad ako ng dalawang guards!
Wait wait wait! Tama ba ako? Ako yung hinuli? Whhhhhhy?!
"Sumama ka sa amin!" Sabi nung guard na mataba at hingal na hingal pa.
"Teka mga sir. Hindi ako baliw! Hindi ako baliw! Wala akong ginagawang masama!" Angal ko. Wala naman akong kasalanan! Help! Somebody help this beautiful creature of the universe! Nyahahay.
"Meron! Public Disturbance dahil sa kapangitan at kalakasan ng boses!" Sabi nung guard na maitim! How dare him! Ang ganda ganda kaya ng boses ko!
"Say what? Nahiya naman ako sa inyong dalawa!" Eksaherada kong reaction.
"Bingi ka pa! Sumama ka na lang sa office namin at magpapicture!" Sabi ni fat guard.
"Picture? Picture lang pala kailangan niyo?" Kinuha ko ang iPhone 7 ko sa bulsa ko. "Tara! Maggroufie tayo!"
"Sandali, ayos na ba mukha ko?" Sabi ni guard na maitim. Ako ba tinanong niya?
"How about me? Macho na ba ako tignan?" Isa pa tong si fat guard. Mga eschoserong ohong! Hahahah.
"Ok 1, 2, 3, groufie!" Nyahahahay.
Nakatakas rin ako sa bingit ng kamatayan! Chos. At talagang nagrequest pa silang i-tag sila sa fb. Like hello? Ayokong i-post yun.. Pagkamalan pa akong baliw? Mga letcheng yun...
Kim Myoung Jae as Lily Rodriguez
"Eh sino ba kasing nagsabi sayo na magconcert ka bilang si Elsa sa gitna ng skating rink?" Tanong ko sa abnormal kong kakambal.
"Eh sa nafifeel ko yung moment eh! Like duh, nasa democratic country Moo, kumanta lang naman ako eh." Moo ang tawagan naming magkambal. It means My One and Only twin. Oh di ba? Ang sweet lang.
"Moo, nagda-drugs ka ba? To the highest level na talaga yang confidence mo. Of all things bakit kumanta ka pa? Pwedi ka namang magbreak-dance eh." Saad ko sa kanya at binigyan nya lang ako ng isang 'like-seriously' look.
"Magbreak-dance? Nang naka ice skates? Great idea." Sarcastic niyang sabi.
"I know right." I responded ng nakangisi. "But anyways, gutom ka na ba?"
"Yeah. Napagod ako sa skating kanina."
"Plus sa mini frozen concert na ginawa mo." I mocked habang nagpi-prepare ng meryenda naming dalawa.
"Punta kaya tayo sa beach next time?"
"Let me guess. Doon ka na naman magaala-Moana at kakanta ng How Far I'll Go?"
"Tumpak ganern!" Saad nito sabay subo sa spaghetti na inihanda ko. "Moo, anong sauce ang ginamit mo dito sa spaghetti?"
"Uhm, yung nasa red bottle?" Sagot ko.
"What? Eh hindi naman yun ketchup eh!"
"Papanong hindi? Eh red nga di ba? Kapag red, ketchup!"
"Red din ang chili sauce!" Napaisip ako saglit. Oo nga no?
"Kaya pala maanghang..." Komento ko.
"Exactly! And just to remind you, allergic tayo sa maanghang Moo."
"Oh my goodness! Mamamatay na tayo!" Bulalas ko with matching teary eyes? Saan kaya ako mapupunta if ever mamatay na kami? Huhuhu. "Sino kaya ang mapupunta sa langit sa ating dalawa? Kung mapunta ako sa hell, may pink and purple flowers ba doon? Meron bang boutiques doon? Pwede ba magdala ng luggages?"
"Moo, skin rushes lang ang mararanasan natin at kunting lagnat. Yung totoo, nagda-drugs ka na rin ba?"
"Oh my god! Hindi kaya may invincible guy na naglagay ng drugs sa niluto kong spaghetti? Tapos kapag nalaman ito ng awtoridad... ipapatukhang na ako ni Duterte! My god I'm gonna die!"
Hinawakan ng kakambal ko ang aking kamay. Tinignan niya ako sa mata. Twin's connection.
"Hindi tayo mamamatay! May misyon pa tayong dapat tapusin. Ayan ang mahiwagang bato, inumin mo." Sabi niya sabay lagay ng antihistamine sa palad ko. Kinuha ko naman ito at ininum sabay sigaw..
"DARNA!"
----------
Thanks for reading. Don't forget to subscribe! Hahahha YouTube lang ang peg. VOTE and COMMENT na rin mga magagandang readers.
Message niyo rin ako sometimes. Chika tayo. :D
Love you all..
-ChanWordings <3
YOU ARE READING
PERFECTLY ARRANGED
HumorZen and Lily Rodriguez. The Androgynous Twins... One is nerdy and the other is trendy... Magkaiba man ng personality... Pareho namang palaban at crazy... . . . . . Archer and Zachary Roosevelt. The Homophobic Brothers... One is a gangster-type and t...