Twin Talk

30 10 1
                                    

Hello guys! 

Di man ako kasing galing ng ibang writers, gusto kong gamitin ang opportuninty na ito to say thank you hindi lamang sa mga readers kundi pa na rin sa idol kong si mhodel44 ...

Hindi niya po ako kilala pero she inpired me to write a story of my own. 

I love her works lalo na ang "Four Homophobic Brothers." Nakakatawa at Nakakainlove.

Thank you again and God bless you all. 

Zen's POV

After one week, di pa rin nagbago ang isip ni Lolo. Mga matatanda nga naman oh! Huhuhu

Me and Lily tried  talking to him...

Hindi lang mere talking ang ginawa namin. We are convincing him to reconsider our thoughts about his condition pero nginisihan niya lang kami.

 Alam mo yung ngiting wagi tapos walang ngipin? Full smile pa yan ah! Hindi man lang nag pustiso!

So yun nga, nandito kami ngayon ng kakambal ko sa isang ice cream shop na malapit sa subdivision to have some heart to heart talk.

Twin talk kumbaga...  

"Moo, anong flavor gusto mo?" Tanong ko kay Lily.

"Anong flavor ba mas mukhang tae? Butter pecan o Stracciatella?" Like seriously? Sa lahat ba naman ng pwedeng ihalintulad tae pa talaga... Nyahahay!

"Uhm, pareho Moo."

"Sige strawberry na lang Moo. Yung hindi pink ah." Eh? Di ko alam ko tatawa ako oh maiinis. Ano bang nasa isip ng kapatid kong ito? Inayos ko na lang ang aking eyeglasses. 

"Saan ka naman nakakita ng strawberry flavored na hindi pink?" Napa-isip naman siya sa sinabi ko. 

"Eh bakit ang blueberry ice cream ay kulay violet?" Oo nga no? Pati tuloy ako napapaisip na rin! 

"Ibang flavor na lang Moo." I said. 

"Sige, cookies and cream na lang. Pero walang coookies ah!" Yung totoo? Saan na naman napunta ang utak nitong kapatid ko?

Napasapo na lang ako sa noo ko at nag-order na. Ever since mga bata pa kami, bukod sa pancakes ay ice cream ang pinagkakasunduan namin. Yun nga lang magkaibang flavor.

"So..." Pagputol ko sa pagmumuni-muni ni Lily. "Anong desisyon mo sa condition ni Lolo?" Going back to the main reason why we are here.

Tumingin ako sa kanya, and at this very moment, napakaseryoso ng kanyang mukha. At kapag ganito ang kambal ko, I know that he is weighing things in his mind.

Kung alin ba ang mas mabigat, isang kilong cotton o isang kilong bigas? Hahahah. Kidding aside.

"To be honest, I'm still in the middle of saying no and agreeing to the arrangement. Matalino si Lolo Franco, Moo. Kung papayag tayo, para na rin nating hinayaan ang sarili natin to live a life that somebody owns. Na wala tayong karapatan to decide on our own.But in return, makukuha ng bawat isa ang kanya-kanyang inheritances." Saad ni Lily.

"You're right Moo. At kung di naman tayo papayag, apektado ang lahat. As a consequences, matatanggalan ng pamana at ari-arian ang parents natin.  I don't want Mom and Dad to be disappointed." Dagdag ko. Ang hirap naman ...

"So do I. If you'll come to think of it, Lolo left us no choice but to say yes." Lily uttered habang sumusubo ng ice cream.

"We don't even know kung lalaki oh babae." I pointed out at nilantakan na rin ang aking raspberry rippled ice cream.

"Kung babae, di ko keri! Kung lalaki naman, maswerte tayo kung open-minded about same sex marriage." 

"At ang malas natin kung mga homophobes!" 

We both sighed. Ang tanging nagawa na lang namin as we cherish the moment ay ang ubusin yung ice cream at dumagdag pa ng another order. Ang takaw lang eh no! 

"BURRRP!" Sabay naming dighay ng kambal ko. Buti na lang talaga at kami lang ang customers. Natawa naman ang server at cashier.

"So ano na?" Tanong ko ulit.

"Ikaw, ano ba desisyon mo?" Balik tanong sakin ni Lily.

"Mga sir, kanina pa kasi namin naririnig ang pag-uusap niyo." Sabi ng server. Di halatang chismoso ah? Insert sarcasm here.

"Umoo na kayo mga besh. May rason naman kung bakit nangyayari ang isang bagay eh." Sabi ni miss cashier. Isa pa to.. Ang lakas mang-eavesdrop eh no?

"You might be arranged to strangers pero mga sirs, hindi man natuturuan ang puso pagdating sa pagmamahal, natututo naman ito sa tamang panahon." Ang lalim lang ng hugot ah.

"Tumpak Ganern!" Pagsang-ayon ng cashier. Edi wow! 

Sabagay, may punto naman ang sinabi ng mga echoserang ito. Napatingin ako sa kapatid ko.

"That's it! Pwede tayong mag propose ng agreement sa taong maa-arrange sa atin! A proposal which has a win-win outcome!" I exclaimed happily. 

Thanks to the ice cream at umilaw ang bombilya sa aking utak. Oh di ba? Maypa-christmas light pa yan.. Hahaha.

"That's perfect! Papers will tell!" Pagsang-ayon ng kambal ko. Case close!

 - - - - - -

Yeah! Alam kong super excited na kayo kaya heto na! Heto na talaga ang pinakahihintay nyo. 

Susunod na .. Ayan na!

This is it! This is really is it is it it! Hahahaha.

VOTE and COMMENT mga readers. Achuup. Achaap. Ginaganahan akong magsulat kapag I can feel your presence my dear readers. Kyaaaaah! Love lots.

-ChanWordings



PERFECTLY ARRANGEDWhere stories live. Discover now