Hello guys! Keep on eating este reading. Medyo mahaba-habang chapter din ito. Be excited! Be VERY EXCITED! Hahahah.
Love you all. God bless Wattpadders. Heheheh.
-----
Zen's POV
IRRATIONAL. That's how I will describe the last will and testament of Lolo Franco.
It's overwhelming to know that a big portion of his properties ay maiiwan sa amin ng kambal ko pero bakit kailangan pa ng isang condition? And to make it worse, a fixed marriage? Petmalu!
Like seriously? Nasa modern millennium na tayo... Masyadong old school na ang existence ng arrangement na ito.
Di na ako sumabay ng lunch sa kanila. I love lolo but for the first time in forever I'm so pissed of him.
I can't marry someone I don't like. Especially a stranger! At saka wala sa isip ko ang pumatol ng girl no! Pero di naman nakasaad doon kung girl or boy. Ah basta! Ayoko sa condition ni lolo.
Over my wide-ranged brain! Hahaha. Wala akong gorgeous body eh. Paki ba?
Kaya naisipan ko na lang kumain sa Bella Cuisine. Restaurant ito na pagmamay-ari ng brother ng best friend kong si Ella.
"Good morning Ma'am." Bati ng mga waitress sa akin. They are very aware na gay ako. Every weekends ba naman kami ni Ella dito.
May isang beses pa nga na nag-substitute kaming magbest friend bilang mga waitress. Ang saya lang nun. So I know some employees dito.
"Good morning rin sa inyo." Ganting bati ko as I head my way sa bar counter. "Hi, nandiyan ba si Ella?"
"Wala pa po siya eh. The usual po ba Ms. Pretty?" Tanong ni Ryle, ang front-house officer ng resto.
He's handsome at mabait rin. Ang nga tangos ng ilong eh at bilugan pa ang mga mata. Ang tangkad din. Halatang may halong arabong lahi... Pero wala eh. Di ko siya type, even though may gusto siya sa akin.
Ang ganda ko lang eh no? LODI! Hahahah. Claim it!
"Yes please. Isang Gambas Ajillo, Crema Catalana and don't forget the Tapas. Thank you."
Lumingon na ako to have my way sa table na itinuro ng hostess sa akin but unfortunately nabangga ako sa isang lalaking ibinagsak sa lupa mula sa langit!
Werpa! Ang wafu mga mumshie! Makalaglag panty eh! May tattoo pa siya sa magkabilang braso.
Ang hot lang men! He's wearing a black sando na bumagay sa maputi niyang balat. Shemay! Nahiya ang kutis ko mga te. Gangster na gangster eh. Ugh! Ugh! Ugh!
"WHAT THE HECK IS WRONG WITH YOU?!" Pagreremintado nito. And just like that, nasira ang pagdi-daydream ko! Ang suplado! Hmmmmp.
"BINGI KA BA HA? OH PAKUNWARI KA LANG NA TATANGA-TANGA KASI GUSTO MONG LUMANDI SA AKIN? PANSIN NA PANSIN EH. TINDIG AT MUKHA MO PALANG HALATANG BAKLA KA NA!" Sigaw niya. Aba't letcheng mokong to ah. Taas ng confidence!
"Teka nga! Bakit ka ba naninigaw? Eh hindi ko naman sinasadyang mabangga ka ah! At saka wag ka ngang assuming! Ikaw, lalandiin ko? For what? Eh parang mas bakla ka pa sa akin kung maka-react! Ke lalaki mong tao, ang OA mo!" Tagumpay kong sagot sa kanya. Ano ka ngayon? Bleeeh!
Binigyan niya ako ng death glare. Napalunok ako ng isang galong laway. Di dahil sa takot kundi dahil sa kasexyhan ng looks ng demonyong nasa harap ko ... Pakbet! Sharaaap.
Hayy! Maduming utak! Erase! Erase! Erase!
Hinablot niya ang braso ko... Ayun, naputol. Echos lang.. Napa-aray naman ako sa sakit ng pagkakahawak niya. Huhuhu Grabe siya!
"Hindi mo ba ako kilala? Ako si Archer Roosevelt at ako lang naman ang leader ng pinakakinatatakutang Mafia dito sa Pilipinas! Baka gusto mong di ka na abutan ng gabi!" Okay fine. Natatakot na ako pero keri lang. Maintain your poise, Zen. 1 2 3 pose! Nagtaka naman siya sa ginawa ko pero wapakels!
"Pakialam ko kung sino ka!Hindi kita kilala! Eh ako? Kilala mo ba ako? Hindi mo ba alam na ako si Zen Rodriguez ang pinakamagandang bakla sa balat ng lupa! Alam mo ikaw, chansing ka lang eh! May pahawak-hawak ka pa sa braso ko! Letche ka!" Singbilis naman ng kidlat ng alisin niya ang pagkakahawak sa braso ko. Buti nga! Pero kwinelyuhan niya naman ako.
"Pasalamat ka at nagmamadali ako ngayon bakla! May araw ka rin sakin! At sinisiguro ko na sa araw na yun, pagsisisihan mong kinalaban mo ako!"
"Is that a threat? Dahil hindi ako natatakot! May freedom akong sumagot lalo na sa mga taong kagaya mo! At pakialam mo ba kung bakla ako? Inggit ka lang eh!" Taas noong sabi ko.
"Ah ganun!" Inambahan niya ako ng suntok.
Napapikit na lang ako at hinintay na may matigas na demonyong kamao ang tumama sa mukha ko pero wala.
"Excuse me sir but we don't tolerate such actions." Saad ni Ryle. Pinigilan niya ang kamao nito. Oh my goodness. Kinikilig akooo. My Knight in Shining armor!
"Tsss." At umalis na ang malditong gangster palabas ng Restaurant.
"Thank You, Ryle."
"My pleasure, Ms. Pretty." Kinilig ako lalo dahil kinindatan niya pa ako.
"Dapat di mo na ginawa yun. Baka next time na pumunta yun dito, ikaw ang pag-initan." Saad ko.
"Ayos lang basta para sayo." Tokwang kulay pink! Kinikilig ako. Makakain na nga lang.
Ginutom tuloy ako sa kakatalak sa harapan ng mayabang na lalaking yun! Madapa sana siya kung saan man siya pumunta!
- - - - -
Keep reading mga beshies! Aja! VOTE and COMMENT.
Love,
-ChanWordings
YOU ARE READING
PERFECTLY ARRANGED
HumorZen and Lily Rodriguez. The Androgynous Twins... One is nerdy and the other is trendy... Magkaiba man ng personality... Pareho namang palaban at crazy... . . . . . Archer and Zachary Roosevelt. The Homophobic Brothers... One is a gangster-type and t...