"Sab bangon na dyan. May pasok kapa diba?"
"Opo kuya. Babangon na."
Hay. Inaantok pa ako. 6:30 palang ng umaga. Sabagay, 8am pasok ko. Makaligo na nga.
"Good morning kuya! Good morning ate!"
"Good morning din Sab. Kain kana."
My favorite! Hotdog and fried rice. Yumyum~
Hindi pa nga pala ako nakakapakilala ng lubusan. Naks lubusan. Hahahaha. K.
Ako nga pala si Sabrina Aphrodite Evans. Sab for short. 18 years of existence. Halata naman siguro sa pangalan ko na mala dyosa ang ganda ko. Haha. May apat din akong bestfriends. Makikilala niyo din sila mamaya.
Sila ate at kuya naman, mga kapatid ko of course. Kambal sila. Mas matanda nga lang ng 30 seconds si ate. Percy Evans si kuya at Persia Evans naman si ate. 20 years old na sila.
Di halatang mahilig sila mama sa greek mythology noh? Haha. Well, pati naman kasi ang grandparents namin mahilig din.
Kung sa greek mythology eh mag ama sila Athena at Zeus, sa mundo namin, mag asawa sila. Athena Evans ang name ni mama. Fashion designer siya. Kaya nasa Paris siya ngayon nagtatrabaho. Si mama may ari ng pinakasikat na clothing line sa buong mundo, ang "The Godess' Lair". Si Papa naman ay nagngangalang Zeus Evans. CEO siya ng "The God's Possesions", o mas kilalang TGP. Bank company siya actually.
"Sige na Sab. Magbihis kana. 2nd week na ng klase niyo late ka parin."
"Oo nga. Hoy Sabrina! Hindi porket isa sa mga bestfriends mo ang may ari ng school eh pwede ka ng magpalate ng ganyan. Umayos ka nga. Dalian mo na at may gagawin pa kami ni Percy."
"Opo ate, kuya."
Kami lang pala nila kuya dito. Sabi ko earlier eh nasa Paris si mama. Si papa naman nasa Palawan. Sa palawan kasi yung first branch namin. Syempre dun kami nakatira. Lumipat lang kami dito sa manila para mag-aral.
Ok. Enough talk. Wait, magbibihis lang ako.
/Wilson Academy/
"Hay nako Sab. Walang pagbabago." -Andy
"Late parin." -Crystal
"Tulog mantika yan. Bagal bagal pa." -Therese
"Basta ako maganda." -Geanna
Sila ang di umano'y mga bestfriends ko. Di ko nga alam kung pano. Basta pagising ko mag bebestfriends na kami.
Si Andy Wilson. Pinaka maarte saamin. Tinalo pa kaartehan ko. Kilala sa pagiging owner ng school na to. Well hindi siya. Yung parents niya.
Si Crystal Grevera. Saaming magkakaibigan, siya palang nagkakaboyfriend. Pero wala siyang boyfriend ngayon. Haha. They own some restaurants here.
Si Therese Kingsley. Kung wala tong babaeng to, ang lungkot namin. Kasi siya lang laging nagpapatawa. Haha. They own hospitals naman.
Lastly, si Geanna Tyler. The most conceited human being I ever met. Halata naman siguro sa sinabi niya diba. Kahit walang connect basta maisingit lang na maganda siya. Resorts naman ang pagmamay-ari nila. Tulad ng sa Boracay, Tagaytay, Batangas, atbp.
"Oo na. Ako na late. Haha. Tara na nga kasi."
"Tara. Basta shopping tayo mamaya." yaya ni Andy.
"After school ha? Mamaya niyan lunch nanaman." paalala naman ni Therese.
"Oo nga. Makapag shopping lang eh. Kahit mag-cut okay lang. Tss." panunumbat pa ni Crystal
"Ikr. Basta ako maganda." Alam niyo naman siguro kung sino nag sabi nito? Hahaha
/After Classes/
"Yey! Shopping!"
"Para kang bata Andy." sabi ko. Nababaliw na ata to eh. Basta shopping gagawin niya lahat. Kung sa anime, pag binanggit sakanya ang shopping, magkakaron ng heart sa mata niya tapos yung sparkle sparkle pa.
Nagpunta na kami sa isang mall na pagmamay ari ng isang student sa school. Inuna na namin ang tops and dresses. Then sinunod ang bottoms and shoes.
Pagtingin ko sa oras, 8:30 na? Kanina pa kami dito? Dumating kami dito mga around 3:45. Hay. Lagot ako kay ate.
Hayaan na nga. Nagstay kami sa isa sa mga restaurants nila Crystal at dun kumain. Nag kwentuhan pa kami, or I think more on tawanan. Mga around 9:30 umuwi na kami. 10pm kasi nagsasara tong mall.
Nagulat ako sa dala naming paper bags. Hahaha. Ngayon ko lang talaga napansin.
Andy - 32 paperbags
Therese - 23 paperbags
Geanna - 22 paperbags
Crystal - 20 paperbags
Ako - 26 paperbags
Di naman kami shopaholic noh? Haha. Makauwi na nga.
"Bye guys. See you tomorrow. May God Bless you. HAHAHAHAHAHA Oi Sabrina! Wag magpalate ha?" sabi ni Therese habang tawang tawa. Ay ewan.
Nagpaalam narin sila at umuwi narin kami.
"HOY SABRINA! TINGIN MO ANONG KLASENG BABAE ANG UMUUWI NG ALAS DYES NG GABI HA? MATINONG UWI BA YON NG BABAE?"
"Sa mga kaklase ko oo. Kasi kuya nag shop kami nila Andy. See?" sabi ko sabay angat nung paperbags ko.
"Ewan ko sayo. Pasalamat ka wala pa si ate kung hindi mas talak abot mo dun. Matulog kana nga!"
"Oh, salamaaat poooo~ (Chichay way) Goodnight kuya *kiss sa cheeks* kiss ate Persia goodnight for me please. Thankieee."
Oh? Bakit may sulat dito? Pero more on note. Maikli lang eh.
Sabrina,
We will meet again. I miss you.
-M
Who the hell is M? Pag ako pinagtitripan lang at malaman ko may gawa neto, lagot siya sakin.
Makatulog na nga. Baka malate nanaman ako bukas.
Okay? Di ako makatulog. Hmm. Mag iisip nga muna ako.
Alam niyo, gusto ko ng car. Kung hindi Bugatti Veyron, kahit Lamborghini Veneno nalang. Haha. Taas ba ng pangarap ko? May car naman kami dito sa bahay eh. Iniwan ni Papa yung Porsche 911 Carrera S niya eh. Sila ate nga lang ang gumagamit.
Ah alam ko na! Itetext ko si mama.
To: Mama
Ma, bilhan mo'ko ng kotse. Bye. Loveyou :*
Sent. Yey! Magkakaron na ako ng car. Haha. Masaya na ako. Goodnight. Mwaps :*
---
End of Chapter One :)

BINABASA MO ANG
My Biggest Mistake (On-Hold)
Teen Fiction"A promise is a promise. Hindi ka nalang sana nangako kung papakuin mo lang! Tapos ngayon magrereklamo ka? Ang kapal ng mukha mo!" sabi niya. Totoo naman. Ang kapal ng mukha ko. Pero kahit papano, masakit. Dahil hindi ko sinasadya. Mahal ko siya. So...