4 months after.
Lumipas na ang apat na buwan. Apat na buwan naring nanliligaw sakin si Matheus. At hindi ko naman maitatanggi na sa araw araw na pangliligaw niya, mas lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sakanya.
Hindi ko naman masasabing love na to. Siguro like palang talaga. Mga 99.99% na. Hahahaha. Sabi ko nga diba, konti nalang mahuhulog na ako ng tuluyan.
Masaya naman ang mga kaganapan sa loob ng apat na buwan na iyon. Going strong si Ands at Lucas. Ganun din si Geanna at Fourth. Si James at Therese naman, nagkakalabuan. Pero alam ko namang magiging okay rin sila. Si Crystal at Jio naman, inamin na nilang sila na 2 months ago lang. Si Ian? Ewan ko dun. Masaya daw ang buhay single niya. Hahaha.
Kami ni Matheus? Balak ko na siyang sagutin by this month. Pero syempre, kailangan ko munang ma-confirm yung feelings ko sakanya.
Sa loob din ng apat na buwan na yon, oo, ginulo ni Mako ang buhay ko. Nawindang ako ng sobra. Promise!
Syempre, ang tahimik ng buhay ko dito diba? Tapos biglang dadating siya na guguluhin ako? Psh.
Tinotoo niya nga yung narinig ko noon na gagawin niya raw na miserable ang buhay ko, dahil pag nasa Wilson ako, miserable talaga ang buhay ko.
Buong schedule ko ginaya niya. Sa lahat ng prof namin, sinisiraan niya ako. One time nga napagalitan siya dahil hindi naman talaga acceptable ang ganyang ugali dito sa Wilson.
Sa totoo nga, tinitiis ko nalang siya eh. Kasi anytime naman pwede ko siyang mapatanggal sa school. Pero andun parin talaga yung feeling na ayoko. Ayoko kasi a part of me, bestfriend parin siya.
"Baby. Huy! Nakikinig kaba? Kanina pa ako dito nagsasalita."
Nagulat nalang ako ng magsalita tong katabi ko. May kasama nga pala ako.
"Ha? A-ano. Sorry. May iniisip lang."
"Hay. Baby naman eh. Andito lang naman ako. Ba't kailangan pang isipin?"
Natawa naman ako sa sinabi niya. Walangya to.
"Ang kapal ng mukha mo!" natatawa kong saad sakanya.
"Mahal ka naman." sabi niya sabay yakap at halik sa noo ko.
Sweet niya noh? Ganito lang naman kami ni Matheus. Araw araw ganito setup namin. Ang problema nalang talaga, di ko pa siya sinasagot.
"Sab."
"Hmm?"
"Halimbawa tayo na. Tapos bigla tayong magbreak. Papansinin mo parin naman ako diba?"
"Depende. Bakit?"
"Wala naman. Kasi naisip ko lang, kung sakaling hindi naman pala tayo hanggang sa huli, sana maging magkaibigan parin tayo. Yung walang ilangan."
"Matheus naman. Wag mo nalang kasing isipin na hindi tayo hanggang sa huli. Patunayan natin na may forever." sagot ko sakanya ng nakangiti.
"At gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang. Dahil ayokong nakikitang malungkot ka." sabi niya naman at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap niya saakin.
Kinakanta niya yung All of Me habang hinahaplos yung buhok ko. Yun lang yung ginagawa niya hanggang sa makatulog na ako.
~
Matheus' Point of View
"Baby?"
Hindi na siya sumasagot. Pagtingin ko, tulog na. *facepalm*
Psh. Antukin talaga. Hahaha.
Inayos ko nalang yung higa niya dito sa kwarto ko. Andito kasi kami sa bahay. Ewan ko nga dyan kay Sab. Nagulat nalang ako nasa sala na siya. Tinext daw siya ni ate na pumunta dito.
BINABASA MO ANG
My Biggest Mistake (On-Hold)
Teen Fiction"A promise is a promise. Hindi ka nalang sana nangako kung papakuin mo lang! Tapos ngayon magrereklamo ka? Ang kapal ng mukha mo!" sabi niya. Totoo naman. Ang kapal ng mukha ko. Pero kahit papano, masakit. Dahil hindi ko sinasadya. Mahal ko siya. So...