"Sab gising na."
Mmm, sino ba to?
Inaantok pa'ko eh.
"Sab tara na. Dismissal na oh."
Dismissal?
Teka? Nasa Prestyn pa'ko?
Napabangon ako nang marealize ko nasa section A pa nga ako.
"Ang tulog mantika mo pala Sab." sabi ni Chok na tawang-tawa.
Atleast di naglalaway noh! Tumayo nalang ako nang maalala kong nasa section B pa pala yung bag ko.
Pagdating ko sa II-B, sarado na yung room.
Sh-t! Yung bag ko! Andun yung phone at wallet ko. Pano ako uuwi?
"Oh? Ba't parang pinagbagsakan ka jan ng langit at lupa?" biglang sulpot ni Matheus sa likod ko.
"Yung bag ko kasi. Nasa loob." paliwanag ko. Paano kasi ako uuwi? Ewan pero naiiyak na ako. Ang dilim na rin kasi.
"Uy uy! Ba't ka umiiyak?" nataarantang tanong sakin ni Matheus. "Tara na. Hatid nalang kita. Maaga akong papasok bukas at kukunin ko gamit mo. Okay?" sabi niya habang nakangiti.
Pero hindi pwede eh. Papagalitan ako ni ate.
"Papagalitan ako ni ate. Sasabihin nun ang tanga tanga ko at natutulog ako during class hours."
"Sige sige. Ako nang bahala. Hawakan mo to." sabi ni Matheus sabay abot sakin nung bag niya.
Isa isa naman niyang tinanggal yung mga glass sa bintana. Wala naman kasing grills yun kaya pag inalis mo yung glass, makakapasok ka agad.
Tumalon siya sa loob at narinig kong nagbukas na ang pinto.
Inabot sakin ni Matheus ang shoulder bag ko. Tiningnan ko naman kung kumpleto yun. Wala namang nawala.
"Tara hatid na kita." tumango ako at umalis na kami ni Matheus.
Naglakad kami hanggang sa main road dahil tago ang Prestyn kaya wala na ring dumaraang taxi dito dahil gabi na nga.
Pag sakay namin, sumama sakin si Matheus dahil gusto niya daw na masigurong safe ako uuwi. Nang nasa may subdivision na kami, bumaba na ako pero sumunod parin si Matheus.
"Dito nalang ako Chok. Okay na ako. Safe ako sa loob."
"Ayoko. Sama ako-- aww."
Nagulat naman ako nang mapangiwi si Matheus. Nang tingnan ko ang kanang braso niya, may hiwa ito at dumudugo.
"Oh my gosh! Anong nangyari jan?"
"Ewan? Sumabit ata dun sa bintana."
"Eh ba't hindi ka man lang nagsabi?"
"Malay ko ba. Ngayon lang sumakit yan eh."
"Tss. Tara na. Gamutin natin yan sa bahay."
Nang makarating kami sa bahay, tahimik na. Siguro tulog na sila ate.
Sinalubong naman ako ni Yaya Rosing.
"Ya, yung first aid kit nga ho."
"Sige po ma'am. Saglit lang."
Pag balik ni yaya, may dala na siyang tubig, bimpo, at yung first aid kit namin.
Ginamot ko naman agad yung sugat ni Matheus at agad ding binendahan ito.
"Yaya, andyan na ba sila ate?"
"Ay nako wala pa po. Si ma'am Persia po dun daw matutulog sa condo ni sir Vinz. Si sir Percy naman po ay may gimik daw kaya baka madaling araw na raw siya makakauwi."

BINABASA MO ANG
My Biggest Mistake (On-Hold)
Teen Fiction"A promise is a promise. Hindi ka nalang sana nangako kung papakuin mo lang! Tapos ngayon magrereklamo ka? Ang kapal ng mukha mo!" sabi niya. Totoo naman. Ang kapal ng mukha ko. Pero kahit papano, masakit. Dahil hindi ko sinasadya. Mahal ko siya. So...