Matheus' Point of View
Sabi ng klasmeyt ni otor, kinikilig daw siya samin ni Sab. Hahahaha.
May aaminin ako, crush ko si Sab.
Quiet lang kayo ah? Shhhh!
Andito ako ngayon sa Laguna.
Kung anong ginagawa ko dito? Hindi ko rin alam.
Sabi kasi ng mga katulong nila Sab andito siya sa Laguna. Edi ayun hinanap ko.
Ewan ko ba dun. After nung party bigla nalang nawala.
Gusto ko nga sana sabihing crush ko siya eh, kaso, yun nga, nawala siya.
So let the search for the missing Sabrina begin! Yeeey~
Okay. San tayo magsisimula?
Di ko rin alam.
Aha! Tanungin natin si Andy.
[Hello?]
"Hi Andy! Itatanong ko lang sana kung alam mo kung asan si Sab!"
Ngiting-ngiti ko pang sinabi yan ah! Pero nawala ngiti ko sa sinabi niya.
[Malay ko! Mukha ba akong GPS ha?]
Yun lang sinabi niya tas binabaan na ako. Hay.
Okay. May tatlong bestfriend pa si Sab. Kaya ko to.
Si Therese naman.
[Hello Matheus?]
"Hi Ters! Tatanong ko lang sana kung alam mo kung asan si Sab!"
I said with a smile. And again, my smile faded with her response.
Naks Engles! Hahaha.
[JUICE COLORED BENITO! WALA AKONG TRACKING DEVICE!]
And with that, binabaan niya ako.
Ba't ba highblood mga kaibigan niya?
Si Geanna nalang nga.
"Geanna!"
[Yes?]
"Alam mo--"
[Oo alam kong maganda ako.]
"I mean, itatanong ko lang sana kung alam mo--"
[Kung alam kong maganda ako? Oo alam ko.]
Napasapo naman ako sa noo ko. Nakalimutan ko kung sino kausap ko.
"Geanna! Putcha! Patapusin mo nga muna ako!"
[Okay? Chill. Hahahahahaha.]
Tinawanan pa ako.
"Alam mo kung asan si Sab?"
[Ah oo. Nasa resthouse nila sa Laguna. Kausap ko palang kanina eh.]
"Sige salamat."
[Yeah. You're welcome. Alam kong masaya kang nakausap mo ang isang magandang tulad ko.]
Napailing nalang ako habang ibinabalik ko ang cellphone ko sa bulsa ko.
Grabe mga kaibigan niya. May suplada, may ang lakas ng boses, may bagyo (referring to Geanna), at may wagas kung mang asar.
Ni di ko nga alam kung pano niya natyatyagaan mga kaibigan niya eh.
Sumakay na ako sa kotse ko at hinanap ang nasasabing resthouse kuno nila.
Nakalimutan ko pang itanong kung saan yun dito. Tanga mo Benito!
BINABASA MO ANG
My Biggest Mistake (On-Hold)
Dla nastolatków"A promise is a promise. Hindi ka nalang sana nangako kung papakuin mo lang! Tapos ngayon magrereklamo ka? Ang kapal ng mukha mo!" sabi niya. Totoo naman. Ang kapal ng mukha ko. Pero kahit papano, masakit. Dahil hindi ko sinasadya. Mahal ko siya. So...