Somebody's Point of View
Nakikita ko siya.
Kung paano siya tumawa.
Ngumiti.
Makipagkulitan.
At sumaya.
Ang sumaya ng wala ako.
Di ko maintindihan pero, bakit tila wala na ako sa buhay niya?
Tuluyan na ba akong nabura sa puso't isip niya?
Hindi niya ba ako kilala o nagkukunwari lang siya?
Nakakaewan.
Nakakaloko.
Nakakainis.
Ewan ko ba.
Ang sakit sa t'wing dinadaan-daanan niya nalang ako.
Yung para bang hindi kami magkakilala.
Strangers kumbaga.
Pero ang babaeng ito na hindi ako kilala, miss na miss ko na.
Makukuha rin kita.
Antayin mo lang.
---
"Sabrinaaa~"
Those four voices coming from four different girls.
Oh my gosh!
"Uy Sab ano ba! Kanina pa kami sumisigaw di ka man lang lumilingon."
May Sab ba dito?
Wala diba?
"Hoy Sabrina!"
"Ay Matheus, aalis na pala ako." tatayo na sana ako ng biglang tinulak ako paupo ni Andy at Therese.
"Aalis ka jan. Hoy Sabrina! Ba't di mo kami nililingon ha?" pasigaw na tanong ni Crystal.
"May Sabrina ba dito? Ako ba kausap niyo?"
"Tigilan mo ako Sab. Tatama to sayo." sabi ni Therese na handa ng batukan ako. Ang brutal nila. Huhu.
"Eh kasi naman nakakahiya kayo. Wala kayo sa Wilson kaya wag kayong sisigaw basta basta." sabi ko habang nakatungo.
Nakakahiya sila swear! Pinagtitinginan na kami simula palang nung sumigaw sila.
"Nakakahiya ka jan. Hahaha. Pakilala mo naman kami sa friends mo." sabi ni Geanna na ngiting ngiti.
"Oo nga." sang ayon naman nung tatlo.
"Uhm guys, these are my bestfriends, Andy, Therese, Geanna, and Crystal."
"Hiii~" sabay sabay nilang sabi with matching batting eyelashes.
Mukha silang mangkukulam na ewan. *face palm*
"Girls, sila naman friends ko dito sa Prestyn. Si Chok, Ian, Lucas, Jio, Zeke, and James."
"Hey." sabi ni Ian at Chok.
Si Lucas, Jio, James at Zeke naman, nag ala ninja at nakalapit agad dito sa mga kaibigan ko.
"Andy. Andy kaba?" tanong ni Lucas. More on pick up line.
"Bakiiit?" Bwiset! Ang lande. Umupo na ako sa tabi nila Ian at pinakinggan ang flirting session nitong mga bestfriend ko.
"Kasi, mula nang makilala kita, lagi ka ng ANDYito sa isip ko." sabi ni Lucas sabay kindat. Kinilig naman ang luka luka.
"Geanna. Geanna ba ako?" pick up line naman ni Zeke.
"Bakit?" sabi ni Geanna with matching byutipul eyes pa.
BINABASA MO ANG
My Biggest Mistake (On-Hold)
Teen Fiction"A promise is a promise. Hindi ka nalang sana nangako kung papakuin mo lang! Tapos ngayon magrereklamo ka? Ang kapal ng mukha mo!" sabi niya. Totoo naman. Ang kapal ng mukha ko. Pero kahit papano, masakit. Dahil hindi ko sinasadya. Mahal ko siya. So...