3: My Aphrodite

109 3 0
                                    

Monday na.

Sa mga nangyari nung Saturday? Ano nga ba? Wala. Pagkauwi ko, as usual, wala yung mga kapatid ko.

Nung Sunday, ganun din naman. Dapat nga pag Sunday nasa bahay sila ate. Kaso si ate, nakipag date sa boyfriend niya. Si kuya? Ayun nasa bahay, pero nakaharap sa computer at gumagawa ng paper works niya.

Ano pa nga bang aasahan ko sa mga kapatid ko. Puro sila trabaho!

Hay. So balik tayo ngayon. Sabi ko nga eh Monday na. So it means, ngayon na yung simula nung Exchange Week ng Wilson at Prestyn Academy.

Di lang mag-sesend ng tig limang student ang magkabilang school. Pwede ring pumunta ang mga taga Wilson sa Prestyn and vice versa every dismissal, lunch time, at break periods.

Well bilang president ng school council, kailangan kong siguraduhing maayos ang lagay ng limang bisita namin na galing sa Prestyn Academy kaya sa school na ang usapan namin.

"Belle! Hey. Dumaan lang ako para masiguro yung limang bisita natin. Asan na ba sila?" hinihingal na tanong ko kay Belle. Duh! Late nanaman ako.

"Yun na nga eh. Kanina kapa hinahanap ng Dean. Nasa dean's office na yung lima and kailangan ka daw muna ipakilala. Kami na daw bahala sa iba." paliwanag niya. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at pumunta na ako sa Dean's Office.

Kumatok muna ako bago pumasok.

"Ma'am?"

"Finally Sabrina. Late as usual." natatawang naiinis na sabi ng dean namin. Ewan ko ba. Lakas ng moodswing nitong tita ni Andy.

"Sorry po. Inasikaso ko pa po kasi yung service namin tapos dumaan akong office."

"Okay. So eto na yung limang taga Prestyn."

Tiningnan ko naman yung limang lalaking nakaupo sa sofa ng office ni dean.

Uy. Mga gwapo kahit papano. Hahaha.

Pamilyar mukha sakin nitong isa. Saan ko nga ba to nakita?

"Sab, I want you to meet Stephen, Marc, Shin, Gabriel, and Paolo. Students, meet Wilson Academy's school council president, Sabrina Evans."

"Hi! / Hello! / Hey!" sabay sabay na bati nila.

Inexcuse ko na ang sarili ko dahil kailangan ko narin pumuntang Prestyn Academy.

Lumabas na ako ng dean's office.

Still thinking, saang lupalop ko ba nakita si Marc at parang matagal ko na siyang kilala?

Hay. I'm just being paranoid. Tss.

"Ate Sab! Tara na."

"Oo na andyan na. Tumatawag na nga si Matheus eh." (si Matheus diba yung president ng school council ng Prestyn.)

"Uy Sab. Nakita mo na ba yang Matheus na yan?" tanong ni Katie.

"Oo na. Nakasama ko na siya sa isang convention last year para sa mga upcoming council presidents. Siya pa nga nakapartner ko dun eh." pag-eexplain ko naman.

"Gwapo ba? Gwapo?" parang kinikilig na tanong naman ni Meryl.

"Okay lang. May itsura naman. Pwede na kumbaga."

"Pwede ng pagtyagaan?" natatawang tanong ni Margie.

Nagtawanan lang kami nila Fatima hanggang sa marating namin ang Prestyn.

Kung tatayo ka sa labas ng gate nito, aakalain mong abandonadong lugar ito.

Ewan ko ba. Nababalot ng itim na aura kumbaga. Di naman siguro itim, uhm, gray? Dark gray siguro.

My Biggest Mistake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon