Sabrina's Point of View
Tapos na classes ko. Si Matheus nalang inaantay ko.
Nakakapang init ng ulo lang talaga.
Bakit?
Pumasok lang ako sa last period ko tapos pag balik ko sa parking, wala na yung kotse ni Matheus!
Kinuha niya na daw kasi. Ang saya lang.
Kaya ngayon, kasalukuyan akong nag aantay sakaniya para makapunta akong Prestyn.
Kailangan kasi ako dun para sa school fair. Mga pasimuno naman kasi nito eh.
From: Matheus Kulit
Baby sorry! Di kita masusundo. Pwede mag taxi ka nalang? Mag eexplain ako pagdating mo. Promise! Ako narin magbabayad ng fair mo sa taxi. Sige ha? Ingat ka. Labyu! Mwa!
Like what the fck?!
Ilang oras akong nag antay dito! Well di naman siya oras 'cause it was just 30? 45 minutes?
Pero kahit na noh! Nag antay ako!
Pagalit akong lumabas ng campus at sumakay na nga ng taxi papuntang Prestyn.
Wait. May naisip ako. *smirk*
"Manong, pakilibot muna po ako sa buong Makati. Wag po kayong nag alala, magbabayad ako." sabi ko kay manong driver sabay ngiti.
Humanda ka Benito. Pinag antay mo'ko eh.
~
Matheus' Point of View
Almost an hour na akong nag aantay dito kay Sab pero wala parin siya.
Nag aalala na ako.
Dapat pala sinundo ko nalang talaga siya.
Tinatawagan ko siya pero di niya naman sinasagot. Ring lang ng ring!
After 30 minutes more of waiting, dumating din siya!
"Manong, siya po magbabayad ng pamasahe ko. Salamat!" sabi ni Sab sabay ngiti at sarado ng pinto ng taxi.
Sumilip naman ako sa loob ng taxi para tanungin sa driver kung magkano ang babayaran. Ang alam ko kasi from Wilson to Prestyn eh mga 200-300 lang ata.
Pero halos malaglag ako sa lapag ng makita ko ang babayaran ni Sab.
Php 1,478.75!
Like what the hell? Saang lupalop siya ng Makati nagsususuot? May long cut na ba dito?
"Manong, bakit po parang ang taas ng babayaran?" tanong ko. Duh! Malay niyo may sira pala metro nito. Naloko pa kami, sayang pa 1,500 ko.
"Ah ser! Nagpalebot ho kase se ma'am sa boong Makate ser." sagot ni manong driver.
Pero infairness ah, saludo ako sa visayan accent niya.
"Ah sige po. Pasensya na ho sa abala. Ito na ho yung bayad." inabutan ko si manong ng 1,500. Kawawa naman kasi. Siya pa yung malas na taxi na nasakyan ni Sab. *iling iling*
Pumasok na ako sa Prestyn at tumuloy na sa Conference Hall namin.
Huh? Wala pa si Sab?
Asan naman kaya yung babaeng yun?
~
Sabrina's Point of View
(Sorry palit palit ako ng POV. Wala na kasi talaga akong maisip. Mehe. Peace!)
After kong bumaba ng taxi, dumiretso na ako sa loob.
At dahil isa akong dakilang tanga, naligaw ako.

BINABASA MO ANG
My Biggest Mistake (On-Hold)
Novela Juvenil"A promise is a promise. Hindi ka nalang sana nangako kung papakuin mo lang! Tapos ngayon magrereklamo ka? Ang kapal ng mukha mo!" sabi niya. Totoo naman. Ang kapal ng mukha ko. Pero kahit papano, masakit. Dahil hindi ko sinasadya. Mahal ko siya. So...