7: Long Lost Bestfriend

74 2 0
                                    

Mako's Point of View

Napanaginipan ko si Aphrodite kahapon.

Yung pangako ko sakanya.

18 na kami. 6 na taon na mula nang huli kong makita ang bestfriend ko.

Miss na miss ko na siya.

Kaya napag isipan kong pumunta sa Pilipinas.

Pinahanap ko sa mga tauhan ni Papa sila Dite. At nalaman ko na sa Wilson Academy siya nag aaral.

Pumunta ako sa school nila kahit gabi na. Dahil nalaman kong may 'party' kuno doon.

Nag suot lang ako ng simple dress at heels.

Kailangan kong mahanap ang bestfriend ko. Kailangan kong mag sorry.

Dahil 2nd year niya na sa college pero di ko man lang siya nasamahan.

Naglalakad ako ng biglang may nakabunggo sakin.

Ano ba yan! Bulag ba siya?

"Hey! Watch where you're going!" galit na sabi ko.

"Di ko ho sinasadya. Pasensya."

Huh? Pinagsasasabi nito? Di ko siya maintindihan.

"What?"

Kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.

"I said I'm sorry okay? It was an accident."

Accident daw?

"Accident. Psh!"

Yan nalang ang isinagot ko. Inirapan ko siya at umalis na.

Kailangan kong mahanap si Dite.

Naglakad lakad pa ako nang mahagilap ng mata ko ang isang pamilyar na mukha.

"Aphrodite." pabulong na saad ko.

Sinundan ko siya papasok sa isang hall. Dun ata gaganapin ang sinasabi na party ng tauhan ni Papa.

Sinalubong siya ng apat na magagandang babae.

"Sab ano ba! Kanina ka pa namin inaantay."

Hindi ko maintindihan ang sinabi nung isang babaeng may bangs. Sa tingin ko, yun ang salita nila dito sa Pilipinas.

Sab pala ang pangalan niya dito. Galing sa pangalan niyang Sabrina.

"Sorry. Nakatulog ako."

Sinermonan pa siya nang apat na babaeng ito.

"Hoy! Hindi porket mga bestfriend ko kayo eh kailangan niyo na akong ganyanin. Mga walangya to!"

Bestfriend niya ang apat na ito. Yun lamang ang naintindihan ko.

Tss. Akala ko ako lang. Pero ba't kailangan niyang maghanap ng bagong kaibigan? Ng bagong bestfriend?

Samantalang ako, sa loob ng 6 na taon na yun, siya lang ang naging bestfriend ko. Kahit walang kaming komunikasyon, nanatili siyang bestfriend ko.

Ang sakit.

Ang sakit na ipag palit ka ng sarili mong bestfriend.

Pagbabayaran mo to Dite.

Ay mali.

Magbabayad ka, Sabrina.

---

Sabrina's Point of View

Pag dating na pag dating ko sa convention hall ng Wilson, naging mala armalite na ang bibig nitong apat.

Grabe makapag sermon. Tinawanan ko nalang sila. Tss. Daig pa si mama.

Habang nag uusap kami, naramdaman kong may nakatingin sakin.

Pag lingon ko, wala naman.

Naalala ko tuloy si Mako.

Hay. I miss her so much.

2:30 am na nang matapos ang party. Puro sayawan lang. Get together lang ng dalawang academy.

Pag uwi ko, malamang tulog na sila ate.

Nagpalit lang ako ng pang tulog tapos humiga na sa kama.

Napaisip naman ako sa panaginip ko kanina.

College na kami pero hindi naman ako sinundan ni Mako. Di niya naman tinupad yung pangako niya.

Oo wala akong karapatang husgahan siya kasi wala akong alam.

Hindi ko alam ang mga pinagdaanan namin noon. Siya at ako bilang si Aphrodite.

Alam kong matalik kaming magkaibigan pero, bakit? Kung hindi ako nakga-amnesia, siguro galit na ako sakanya.

Dahil pinako niya ang pangako niya.

---

End of Chapter Seven :)

Isa nang pangako kay Sabrina ang napako. Sino pa ba ang mga nangako kay Sabrina? Matutupad ba ito? O mapapako rin tulad nang pangako ni Mako?

Sorry maikli. Sorry sa typos. At kung may mali mang grammar, sorry din.

Paliwanag lang pala. Yung sa POV ni Mako, japanese ngaya yun. Tinagalog ko nalang para mas madali. Pero japanese siya kaya di niya naiintindihan yung mga tagalog words nila Sab.

My Biggest Mistake (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon